1ST.ONE - 149.

8 1 0
                                    

1ST.ONE - 149.

"Carlo!"

"Danna!"

"Ang galing mo!"

"Ang galing natin!"

Nagyakapan sina Max at Marina. Tumawa ang dalaga dahil itinaas siya ng binata at nagpaikut-ikot sila. Ilang sandali ang lumipas ay ibinaba siya ng binata at tuluyan silang naglayo mula sa isa't isa.

"Ang cute niyo naman." Dumating si Janine Buenaventura na may dalang tray na mayroong apat na cupcake at dalawang baso na may lamang orange juice. "Kumain muna kayo ng meryenda."

"Salamat po," sabi ni Max. "Samahan niyo po kami sa meryenda."

"Nako, hindi na." Ngumiti ang ginang. "By the way Danna, tell Jia na naka-ready na ang dress niya for tonight's party. Kung gusto mo, sumama kayo ni Max at may nakahanda na din para sa inyo."

"Saang party 'yon, tita?"

"Nag-message si Kuya Danny two days ago," sabi ni Marina at ngumiwi. "Party 'yon sa previous workplace niya kung saan nagtatrabaho si Gift ngayon. Just a gathering sa company nila which are open to visitors na mayroong invitation."

"Pupunta ka?"

"Partner nga ni Gift si Jia, e. Isasama kita para may kasama ako."

"Sige, punta tayo."

"Mabuti kung gano'n." Muling ngumiti ang ginang. "I'll leave you two here."

"Sige, ma. Salamat." Ngumiti si Marina sa kaniyang ina.

"No problem, anak."

Umupo si Marina sa upuan kaharap ng round wooden table kung saan nakalagay ang tray na dala ng kaniyang ina. Umupo si Max sa katapat na upuan at sumandal.

"Ano sa tingin mo, Danna?"

"Ang ano?"

"Parang karma 'to ni Ace dahil sa pinalaya niya si Jia."

"Partner lang sina Jia at Gift sa party na 'yon tapos kung anu-ano na naisip mo." Tumawa ang dalaga. "Sa nakikita ko, they're good friends. Hindi naman magiging karma 'yon ni Ace kung sakali lang na magkagusto ang dalawa sa isa't isa."

"Ang tanong, posible kayang magkaroon ng something sa kanila?"

"Sa'yo ko dapat itanong 'yan, Max."

"Bakit sa'kin?"

"E bakit mo nasabing parang karma 'to ni Ace?"

"E dahil 'yon ang nararamdaman at nahahalata ko?"

"Sus, tahimik ka lang noon pero ngayon bumoboses ka na tungkol sa kaniya."

"H'wag mong isipin na gano'n 'yon, Danna. Sina Jia at Ace, may pinagsmahan sila. May relasyon sila. Kahit na magkaibigan sila ngayon, naroon pa din ang pagmamahal na hindi maiaalis ninuman." Tumikhim ang binata pagkainom ng orange juice. "Pero paano kung sa susunod na mga araw, magkaroon ng something kina Jia at Gift?"

"Pero alam mo Max, posible 'yang mangyari ngayon."

"E ano namang magagawa ni Ace kung sakali man?"

"Magkasama sila ni Jia ngayon. We'll see kung anong mangyayari mamaya sa party."

"May invitation ba para kay Ace?"

"Tatlo lang ang invitation na meron sa'kin. Tig-isa tayo at kay Jia ang isa."

"Paano kung siya na lang ang isama mo?'

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now