1ST.ONE - 150.

8 2 0
                                    

1ST.ONE - 150.

"Sa tingin mo, anong iniisip niya?" Habang nasayaw ay nilingon ni Gift ang kinaroroonan ni Ace habang kausap nito si Marina. "Ako ang naiilang sa mga tingin niya. Sa tingin ko, nagseselos siya sa'kin."

Tumawa si Jia at matapos umikot ay sumandal siya kay Gift. "Alam mo, napapansin ko nga 'yon. Nag-usap naman kami nang maayos kaya hindi ko kailangan intindihin ang nga tinginan niyang gano'n."

Nagbago ang kasalukuyang tugtugin. Habang ginagawa ang waltz steps ay ngumiti ang dalawa. Nagkatinginan sila habang nakahawak sa isa't isa.

"You're in your single life again." Habang ang mga kamay ng dalaga ay nasa kaniyang magkabilang balikat, inilapit ni Gift ang mukha sa kaniya. "Are you interested to anyone as of this moment?"

Ngumiwi lamang ang dalaga at gamit ang kaliwang kamay ay marahan niyang inilayo ang mukha ng binata. "Not interested with anyone. Why you'd ask?"

"May chance ba tayong dalawa?"

Natigilan si Jia dahil doon at bumitaw kay Gift na seryosong nakatingin sa kaniya. Nawala ang kaniyang magandang ngiti at napalitan ng nagtatanong na tingin. Habang nananatili sa kanilang kinatatayuan ay hinanap ng dalaga ang posibilidad na nagbibiro lamang ang binata ngunit nanlumo siya dahil sa napagtanto.

"Gifterson..."

"I'm not taking advantage of the idea that you're now back in your single life." Ngumiti ang binata at bumuntong-hininga. "Alam ko noong hindi dapat pero ngayon, hindi pa din ba dapat? Kung sa tingin mo ngayon na we'll be good friends pero hindi 'yon mangyayari. Hindi lang kaibigan ang tingin ko sa'yo. Tuluyang nagbago ang lahat, Jia."

"Ngayon pa lang Gifterson, ni-re-reject na kita. Alam mo kung sino ang gusto ko. Alam mo kung sino ang mahal ko. Kahit friends lang kami ngayon, babalikan ko siya sa tamang panahon." Humakbang ang dalaga paatras. "Sabihin mo sa'kin na ginu-good time mo lang ako. Sabihin mo sa'kin na nagbibiro ka lang. Sabihin mo sa'kin na sinusubukan mo lang ang pagiging tapat ko sa kaniya."

Hindi sumagot ang binata at kalauna'y tumawa. Halos matumba siya dahil sa katatawa. Sa inis ay itinulak siya ng dalaga na tuluyang umiyak. Nagkatinginan sila at naroon ang magkaibang emosyon.

"Jia..."

"Gifterson!"

"Ang galing ko naman, napaiyak kita nang gano'n lang." Muli siyang tumawa. "May totoo at hindi sa sinabi kong 'yon."

"Ano ba talaga ang totoo?"

"Gusto nga kita. Pero hindi ibig sabihin no'n ay umaasa akong magiging tayo."

"Gifterson..."

"Halata sa'yong natatakot kang masaktan ako. Nakikita kong ayaw mo akong saktan pero at least naging totoo ka sa nararamdaman mo. Mahal mo pa din siya. Siya lang ang minahal, minamahal at mamahalin mo." Ngumiti siya at marahang pinunasan ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Gaya ng sabi ko, may mga bagay na mahirap ipilit sa ngayon. Hindi ko ipipilit ang nararamdaman ko pero gusto kong nalaman mo na nandito lang ako para sa'yo. I'm your friend, you're my friend. We're friends."

"Pero anong d-dahilan kaya sinabi mo 'yan sa'kin ngayon?"

"Gusto ko lang naman na malaman mo. Sinadya kong sabihin 'yon ngayon para tingnan kung anong magiging reaksyon mo."

"Nakakainis ka naman, e."

"Sorry naman." Tumawa siya. "Ngayon na single ka, maraming magtatangka sa'yo. Alam ko, sigurado akong maraming magkakandarapa sa isang gaya mo. Ibang-iba ka na ngayon at mas dumami ang tumitingala sa'yo."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now