Part 7: My Love

50 5 0
                                    

I enjoyed a lot tonight. Minsan lang kasi kami nagkakaroon ng family bonding since our parents were always busy. Umuwi rin ang kuya Neil ko kaya buo kami kanina. First year college na ang kuya ko kaya sa condo niya siya naglalagi dahil malapit lang 'yon sa pinapasukan niyang university. Sobrang laki nga ng mga gap naming magkakapatid. Si ate Elijah nasa 20's na, pwede ng magpakasal dahil nasa tamang edad na. Si kuya Neil naman, 18 na at nasa college na. Kunting tiis na lang, graduate na siya at magkakaroon na ng trabaho. Samantalang ako, ito palamunin pa rin sa bahay. Nasa unang ang-ang pa lang ng high school.

I wonder what would be my journey and what I am 5 years from now.

Pumasok na ako sa kuwarto para makapagpahinga. We had fun tonight kaya napagod kaagad ako at nakatulog.

KINABUKASAN naghanda ako ng mga questions para kay Kendrick. Naalala ko kasi yung sinabi ko sa kanya ro'n sa library kahapon. Hindi ko nga lang alam kung magkikita ba kami today pero at least ready na yung mga questions ko if magkikita man kami ngayong araw.

Baka iiwasan niya ako ngayon dahil takot 'yon na matanong, halata naman sa mukha niya kahapon e.

"Ano na? Iniiwasan mo ako?" Hinuli ko ang kamay ni Kendrick nang magkasalubong kami sa canteen pero sa kabilang side siya nakatingin, halatang iniiwasan ako.

Napasapo siya sa noo at mabigat na bumuntong hininga. "Ano ba naman 'yan, madam. Bobo ako e." Aniya.

Ngumisi ako. "Halika," hinila ko siya papunta sa maraming studyante na nakapila. Nagtinginan naman ang ibang junior high sa 'min samantalang ang mga senior high ay walang pakialam sa paligid. Napansin ko ang dark circle sa mga mata ni Kendrick, halatang puyat. Baka galing sa bebetime? Tsss ano 'yon, hanggang madaling araw?

Pumila kaming dalawa at nang makabili na ay pumunta kaming dalawa sa pinakadulo na lamesa. Kaunti lang naman ang mga studyante na naka-dine in dahil tuwing lunch lang napupuno ang canteen.

"Kumalma ka, anong silbi ng pagbabasa mo kahapon kung wala kang naintindihan?" tanong ko at kumagat ng burger.

Ngumuso siya at ininom ang juice. Pagkatapos ay inirapan pa ako. "Baliktad nga kasi. . . yung libro,"

Mahina akong natawa. Oo nga naman.

"Kapag nasagot mo naman yung tanong ko, hindi na kita kukulitin." Nagkibit balikat ako.

I saw him sniffed. "E 'di mas gugustuhin kong huwag sagutin para palagi mo akong kukulitin."

Kumunot naman ang noo ko, "huh?"

Umiling siya, "wala." Aniya at ngumisi pa.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang iniisip ko ang pwedeng itanong sa kanya.

"Eto na, what do we called the process by which a star changes over the course of time?" Mayabang kong tanong at sumimsim sa yakult.

Umirap siya. "Ang hirap!" Reklamo niya.

"Ano? Pass or-"

"Stellar evolution ata," sagot niya. Walang kasiguraduhan.

Napangisi tuloy ako, "awesome." His answer was right!

"Sige proceed," dag-dag ko pa.

"Tangi-" Itinikom niya ang kanyang mga labi nang masama ko siyang tiningnan. Aba'y mumurahin pa ata ako. "Tanging dahilan! Yung nasa kanta, oo 'yon nga." Palusot niya.

"Weh? Kantahin mo nga!"

Tumikhim siya, "Ayoko."

"Eh paano ko malalaman na kanta nga?"

Bumuntong hininga siya't tumikhim. "Ikaw ay tanging dahilan, tanging dahilan sa pag gising ko, biglang may kahulugan, may kahulugan ang pag-ibig sa mundo-"

"Tama na, baka ma-fall ako sa 'yo niyan," Pabiro kong saad at nagpigil ng ngiti.

Ngumuso siya. "Kendra naman. . ."

Tumawa ako ng malakas. "Grabe! Babagyo ata dahil sa boses mo!" Tinakpan ko ang bibig ko habang tumatawa.

"Proceed na nga lang! Kapag ako nag revenge, kawawa ka." Aniya.

"Okay, when carbon nuclei reached a certain temperature to allow carbon fusion what element it will produced?"

Mayabang siyang ngumisi, "walang mas mahirap? The answer is neon."

"Wow! It's a lesson from senior high though it can be tackled in junior also."

"Eh, what is the smallest constituent unit of ordinary matter that has the properties of a chemical element?" tanong niya sa 'kin.

"Aba-"

"Just answer it, madam."

Umirap naman ako, "atom." sagot ko.

"Woah! Impressing!" kunwaring paghanga niya.

"What is the typical size of an atom?" tanong ko.

"100 picometers," he smirked.

Sunod-sunod pa ang batuhan namin ng mga tanong at lahat ng mga sagot namin ay tama. He's indeed smart, hindi lang pala chismis na matalino ang class president sa grade 8 Lavender. Hindi namin namalayan ang oras kaya muntik na akong ma-late. Ewan ko lang kay Kendrick dahil hinatid niya pa ako sa room ko.

I was walking when I felt my phone vibrates. Tiningnan ko ito at baka may message sa 'kin si mommy. Nang makita ko kung ano ito ay nagpigil ako ng tili. My crush accepted my friend request!

Binasa ko ulit ito at baka namali lang pero 'yon talaga. "Isaiah Cyril Villasan accepted your friend request."

Kinagat ko ang ibabang labi at muntik nang mapamura dahil sa biglang pagsulpot ni Kendrick sa harapan ko.

"Anong kailangan mo po?" tanong ko.

"Wow ha! Magalang ka ata ngayon." Aniya.

Tinago ko ang cellphone sa bulsa at nagpatuloy sa paglalakad. Naamoy ko na naman ang pabango ni Kendrick, palaging ito ang una kong napapansin sa kanya, ang kanyang amoy na nakakakuha ng pansin sa karamihan.

Habang sinasabayan niya ako sa paglalakad ay naisipan ko siyang tanungin.

"Kendrick, ano ang pabango na ginagamit mo?" tanong ko. Baka may pambabae! Ambango talaga kasi kahit pinagpapawisan siya galing sa basketball.

"That's what loyalty smells like, my love," sagot niya at kumindat.

A-ano raw?

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now