Chapter 19

228 14 72
                                    


While I was soaking in the rain of my own rage, particularly when I assumed he made me like a plaything, I have this thought that I should not let him easily enter my life again. That I should push him to go the hard way before that could even happen.

Tinanim ko sa isipan na hindi dapat ako basta-bastang magpapadala. Na hindi dapat ako madaling matangay sa kanya. At mas lalong hindi dapat ako lalambot kahit ano pa man.

But after that one text he'd sent last night, I knew there's no way I could be retrieved when I saw how I wildly shrieked out to the core. There's no more hope for me.

Kasi rin naman 'di ba. Ang dami niya talagang baong pick-up lines! Ang dami niyang bulaklak sa dila! Tapos ako naman 'tong nagiging ulol, nagbubulate agad! Isang buntong-hininga niya, kung anong pangingisay na agad ng mga brain cells at internal organs ko! Just take a look at me now. It's freaking how I ended up becoming an enthusiastic girl every little time he gestures! God, this is so illegal. This is unlawful.

"Jingga, kilala mo ba ang lalaki na ito?" Pinasilip ni Aling Karina sa akin ang telepono niya para makita ko ang tinutukoy niya.

Nanlaki ang mata ko sa hindi napigilang gulat. Shiro!

"Matangkad na lalaki, mestiso, makinis ang kutis, macho, maamo at kay gwapong binata."

Napasang-ayon ako sa paglalarawan niya sa lalaki.

Malabo man ang kuha niya pero masasabi kong si Shiro nga ang nasa picture! He was standing here in front of Aling Karina's store for a reason I don't know! "O-Opo, kilala ko po siya." Anong ginagawa niya rito sa mismong tindahan?!

"Noong isang araw, halos umabot ng isang oras naghihintay dito dahil naghahanap sa'yo at nagpapaturo sa bahay niyo. Sinekreto ko naman dahil baka kung anong gawin niya. Tinanong ko kung sino ba siya, wala naman siyang sinagot. Matagal din ito nag-antay sa'yo dito at kung hindi ko pa siya sinabihang kanina ka pa umalis, baka ilang oras na nanatili siya," mahabang salaysay niya.

Seryoso pala talagang naglibot nga sa street namin.

Nakatitig ako sa litrato sa phone niya. Ang gwapo niya both picture at personal.

"Jingga, nanliligaw ba ang lalaking ito sa'yo?" prangka niya.

Hindi ko maiwasang mapaamang at matakot. Paano niya naman 'yon nasabi? Namumula na naman ba ako?

Nagdalawang-isip akong sumagot. Kung malalaman niya ang kumpirmasyon, tututol ba siya? Tatanungin niya ba ang desisyon ko? Baka kakalabanin niya.

Nang hindi ako nakaimik, kinulong niya sa palad ang kamay kong may hawak pang sukli.

"Ganito," pinisil niya ang kamay ko, "kung totoo man ang kutob ko d'yan, ito lang ang sasabihin ko sa'yo. Wala namang pumipigil sa anumang ginagawa mo, miski ako wala akong karapatang mandikta sa mga gagawin mo. Lilinawin ko, hindi ako mangingialam sa anong desisyon mo at kung anong gustuhin mong mangyari sa'yo kasi buhay mo naman iyan," wika niya.

She did not mention any disapproval but assurance. That's much better than having no say. Baka inisip ko nang hindi siya papayag.

I inhaled deeply. "Umakyat po 'yon ng ligaw sa'kin. Ramdam ko rin naman po ang sinseridad niya." He even has to browse here in my place just to see me.

Maliit ang ngiting nakapaskil sa labi ng ginang. "Hindi naman kita pinagbabawalan at ayoko namang kontrolin kita dahil alam kong may tamang huwisyo ka na. Hindi mo naman pinapalampas ang bagay nang hindi mo pa pinag-iisipan. Nagtanong lang ako para matiyak kong maayos ka ba d'yan."

Napatingin ako sa ibaba. "Maayos naman ho ako." Maayos na maayos.

Naramdaman kong muli niyang pinisil ang kamay ko kaya tiningnan ko ang magkasiklop naming kamay. Hers wrinkled by work and age; mine only by work.

Drives Under NightlightsWhere stories live. Discover now