Part 8: Wedding

46 2 0
                                    

Nakiusap ako kay mommy na gumawa ulit siya ng panibagong pancakes. Chinat ko na rin si Isaiah since hindi na nakakahiya at Facebook friends na kami.

Hi! May dala akong pancakes^^

Nang ma-send ito ay kinuha ko sa bag ang box at nilagay 'yon sa ibabaw ng armchair ko.

"Ano 'yan, pres.?" tanong ni Ethan.

"Basta," ngumisi lang ako at hinintay ang reply ni Isaiah.

Where's your room?

Kinagat ko ang ibabang labi saka nagtype ng reply.

7- Daisy, po.

Inayos ko ang suot na salamin. Katatapos ko lang kasing magbasa ng libro kaya ko ito suot.

"Pres! May naghahanap sa 'yo!" tawag ng kaklase ko.

Tumayo kaagad ako at kinuha ang box na may lamang pancakes. I'm sure, si Isaiah 'to kaya gano'n na lang ang pagkunot ng noo ko nang makita si Kendrick na nakapamulsang nakasandal sa labas ng classroom namin.

"A-anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Naalala ko na naman ang sagot niya kahapon nang tanungin ko kung ano ang gamit niyang pabango. Gano’n ba naman ang sagot! Hindi naman nakakakilig, ang cringe nga e.

Oo tama, cringe.

Bumaba ang tingin niya sa hawak kong box. "Is that. . . for me?" tanong niya. Assuming talaga 'tong class president ng 8 Lavender e.

"N-no, ano nga pala ang kailangan mo sa 'kin? Bakit mo ako hinahanap?"

Ngumiti siya. "Wala lang! Did you already eat your lunch?" He asked.

Umiling ako. "Hindi pa, busog pa naman ako at mataas pa ang oras."

Napansin ko ang tinginan ng taga kabilang room. Aba, sinong hindi mapapatingin kung ang isang grade 8 napadayo rito, class president pa.

"Kendra," Nilingon ko ang kararating lang na si Isaiah. Narinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko. Nilingon ko naman sila at binigyan ng ‘wag-ninyong-agawin-ang-crush-ko-look’ kaya natahimik sila at nagsibalik sa kanilang mga upuan.

I look at Isaiah again, sobrang neat niya sa suot na school uniform, ang pogi!

Tumikhim ako, "Hi!" saad ko at kumaway. Tumango siya at ngumiti.

"Here nga pala," lumapit ako sa kanya at inabot ang paper bag na may lamang pancakes.

He smiled, "thank you!" Ginulo niya ang buhok ko saka nagpaalam na. Lumingon ako kay Kendrick nang tumikhim ito.

"Libre mo ako," Aniya.

Kumunot naman ang noo ako. "At bakit naman?" tanong ko. Kapal ng mukha natin pres. ah?

Umirap siya at naglakad palayo. Babalik na ata sa building nila. Napa-iling ako at pumasok na rin sa room ko. Narinig ko pagsipol ni Yassi. "Haba ng hair, pres!" Aniya.

Sa mga sumunod na araw ay mas naging busy ako, malapit na kasi ang Christmas Party, bilang isang class president, medyo busy nga.

"Ganda!" saad ni ate nang lumabas ako mula sa dressing room. A-attend kasi kami ngayon ng kasal kaya nag-hire talaga si mommy ng make-up artist at designer para sa 'min. Si ate naman ay shoulder na siya nina ate Sheryn, bridesmaid kasi si ate.

I was wearing peach long dress. Inayusan din ang buhok ko at nilagyan ng light make-up ang mukha. Si mommy lang naman ang makapal ang make-up sa 'min. Mahilig talaga kasi siya, she's a former beauty queen.

"Let's go, girls!"

Sumakay kami sa kotse ni daddy. Hindi namin Kasama si ate dahil ando'n na siya sa venue. Si kuya Neil ang kasama ko ngayon na poging-pogi na suot niya.

"Kuya, kailan mo ipakikilala sa 'min 'yang gf mo?" tanong ko habang nasa byahe.

Ngumisi lang si kuya. "I'm not into relationship, Wella." Aniya.

Ngumisi rin ako, "sus impossible."

Nagkibit balikat siya, "I'm not interested with anyone right now. You know?"

"Sa ngayon!" Pambabara ko.

"Well, wala rin naman akong planong magseryoso kung meron man."

"Aba! Mommy oh!" Sumbong ko.

"Ano na naman 'yan?" tanong ni daddy.

"Si kuya, chixboy! Kapag ikaw nakabuntis—"

"What the fvck?" saad ni kuya at masama akong tiningnan.

Umirap ako habang sina mommy at daddy naman at natatawa.

"Gusto ko 'yan! Apo? Hmm,"

"Mom!"

Tumawa lang ako. "Makabuntis sana si kuya, Lord." saad ko at daling lumayo kay kuya at baka masapak ako.

Dumating kami sa venue ng kasal, kahit sa pagbaba namin ng sasakyan inaasar ko talaga si kuya. Sarap niya kasing pikunin! Knowing na sa 'min niya lang pinapakita ang ganitong personality niya kasi sa ibang tao? He's cold, emotionless at minsan lang tatawa.

The wedding went smooth. Umiyak pa si kuya Kyle when ate Sheryn walked down the aisle, wearing her wedding dress.

Naiyak din ako nang malaman ang love story ng dalawa. Dumaan pala sila sa hiwalayan bago naabot ang happy ending.

Sana lahat 'di ba? After years or even decades, ikaw pa rin ang mahal. I didn't know it's possible not until napatunayan nila kuya Kyle kung ano talaga ang tunay na pag-ibig. Sa kabila ng lahat, kayo pa rin hanggang dulo.

Nang itapon na ni ate Sheryn ang wedding bouquet ay nasalo 'yon ng ate Elijah ko.

Sabi ko na e, ikakasal na rin ata 'to but she doesn't have boyfriend. I think ni-arrange marriage siya no daddy sa business partner nito na family friend lang din namin.

Nagulat ako nang may biglang umakbay sa 'kin ngunit agad din itong lumayo. Nilingon ko ito at nakita ko si Kendrick, he's wearing formal attire.

"You're here? Sinong kasama mo?" tanong ko.

Nagkibit-balikat siya, "My ate Reysha."

Tumango ako. "Gano'n ba, ba't ngayon lang kita nakita?" tanong ko.

"Hindi mo nga ata ako makikita kung 'di pa ako ang nag first move e!" reklamo niya.

"Sus," tugon ko.

"Sama ka? Kumain tayo,"

"Ha? Sasama ako kina mommy."

"Bakit? Ando'n din naman ate mo sa table namin. Tsaka puro matatanda ang kasama ng mommy mo. Interested ka ba sa mga topic nila?"

"Wow, bakit? Interested ka rin ba sa mga topic nina ate?  Pareho lang naman tayong hindi maka-relate."

"Sige na, papakilala kita kay ate."

Nalaki ang mga mata ko, "Bakit may pa ganyan?"

"Ang OA, Kendra ha?" Umirap siya.

Aba, tinalo pa ako. Baklang 'to!

Sa huli ay sumama na lang ako kay Kendrick. Binigyan kaagad ako ni ate Elijah ng pagkain. Pinakilala rin ako ni ate sa mga kaibigan niya kaya nakilala ko rin ang ate ni Kendrick.

"Ang ganda ng kapatid mo ah! In fairness, bagay sila ni Kendrick."

"Tama ka, ate." Nag-apir si Kendrick at ate Reysha.

"Pwede na..." ngisi ni ate Elijah.




Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now