1

30.9K 432 44
                                    

"Good morning, people!" sigaw ko paglabas ko ng kwarto ko. Lahat sila napatigil sa ginagawa nila at napatingin saakin.

"Jusko ang aga aga sumisigaw ka Rose." kahit kailangan napaka nerbyosa talaga nito ni Nurse Jen.

"Good morning, Rose!" bati saakin nung mga pasyente sa katabi kong room.

Pumasok na ako uli ng room ko saka ang ayos ng sarili ko. Ano kaya breakfast? Baka itlog na naman nakakaumay na.

Napagisipan kong huwag nalang mag umagahan at umakyat nalang sa rooftop para tumambay. Kaso ang mainit pa doon e, mag dala kaya ako payong?

Nag hanap ako ng payong dito sa buong floor na ito pero wala ako makita. Medyo nawi wirduhan ako pag nadaan ako sa mga rooms kasi minsan may mga patient dito na nakatitig sa'yo and super creepy nila as in.

Nung wala akong mahanap na payong bumalik nalang ako sa kwarto ko tapos binuksan ko 'yung t.v.

Napaka boring dito sa totoo lang, matulog nalang kaya ako ulit? Tama!

***

Nung nag decide akong matulog uli, 4pm na nung magising ako at gutom na gutom na ako dahil hindi ako nag umagahan at nag tanghalian. Kaya naman 'yung pagkain ko binitbit ko para dalhin sa rooftop at doon kumain. Sakto maulap at walang araw, ang lakas pa ng hangin.

Tambayan ko kasi ang rooftop na ito, nakaka relax s'ya at sariwa ng hangin. Hindi mo nga lang kita masyado 'yung tanawin kasi may harang s'ya. Psh kala mo naman tatalon ako d'yan.

Pupunta na sana ako doon sa favorite spot ko sa mahabang bangko ng makita akong nakaupo doon. Lalaki s'ya, itim ang buhok at nakaputing damit. Hindi ko kita ang mukha n'ya kasi nakatalikod s'ya saakin.

"Excuse me po?" kahit na nag excuse ako parang hindi n'ya ako naririnig. "Kuya?" tawag ko uli sa kan'ya. "Kuyang naka puti!" tawag ko. Unti unti s'yang lumingon saakin.

At nagulat ako kasi ngayon ko lang s'ya nakita dito. Hala may binibisita ba s'yang pasyente? Hindi naman s'ya mukhang pasyente dito. Kung ako gulat, s'ya ay gulat na gulat. Makikita mo talaga na namilog mata n'ya nung humarap s'ya saakin. Tapos ang putla putla n'ya. Multo ba 'yan? Hahahaha.

"A-Ako ba ang tinutukoy mo?" tanong n'ya. Tumango ako. Tapos napatakip s'ya ng bibig tapos napatayo. Nung tumayo s'ya naupo na ako doon tapos nilapag ko 'yung tray sa lamesa. "Sure ka ako kausap mo?" tanong n'ya. Ang kulit n'ya ha.

"Oo nga, Kuya." sagot ko tapos nagumpisa na ako kumain. Nakakagutom naman. Ilang minuto s'yang hindi nag salita tapos naupo s'ya sa harapan ko. "Bakit po kayo nandito? May binibisita po kayong pasyente?" tanong ko. Tapos tumango s'ya.

"O-Oo." sagot n'ya. Tumango tango lang ako tapos kumain na uli ako.

"Gaano katagal kana dito?" tanong n'ya.

"Halos 4 years narin." sagot ko. 4 years na simula nung mag umpisa kalbaryo ko.

"Kung okay lang ako, pwede ko ba i-ask kung bakit ka nandito? Psychiatric Hospital 'to 'diba?" tanong n'ya then tumango ako.

"Hmm. Nung 19 ako, na diagnose ako ng paranoid schizophrenia. Nung una nakakaya naman s'ya ng medication kahit sa bahay lang. Pero kasi college na ako n'yan kaya medyo na stress na ako sa pressure at schoolworks kaya na trigger 'yung schizophrenia ko then nasaktan ko 'yung Mama ko ng hindi ko sinasadya. Kaya simula noon natakot sila saakin at dinala ako dito." sabi ko. Well hindi naman masamang mag kwento sa kakakilala lang noh?

"Oh~" sabi n'ya then napatango tango s'ya. "Pero binibisita ka naman nila?" tanong n'ya. Then umiling ako.

"Never pa nila ako nabisita. Pero binabayaran naman nila ang therapy ko kaya I think goods naren hehe." 4 ko na silang hindi nakikita, malapit ko na nga makalimutan 'yung boses nila e. "Eh ikaw, Kuya? Sino binibisita mo dito?" tanong ko. Napaiwas naman s'ya ng tingin.

"A-Ang totoo n'yan.. wala akong binibisita." sabi n'ya kaya nag taka ako.

"Huh? Eh bakit nandito ka? Papa-admit ka din?" tanong ko. Umiling s'ya.

"Actually, I-I died 5 years ago hehe." sabi n'ya tapos napatango tango ako. So multo nga s'ya? Kaya pala ang putla n'ya.

"Ahh~" sabi ko then nag tuloy ako sa pagkain. Ang sarap naman ng manok na ito. Gulat s'yang napatingin saakin.

"H-Hindi ka takot?" umiling ako.

"Gabi gabi ako nakakakita ng sleep paralysis demon at mga mas nakakatakot na hallucinations tapos matatakot pa ba ako sa multo? Hahahaha." natawa nalang ako. Sa sobrang dalas ko mag ka sleep paralysis parang tropa na kami ng demon ko e. Konti nalang mag oopen up na ako sa kan'ya.

Pero to be honest nung first time ko magka sleep paralysis, 16 years old ako n'on.. akala ko nung una may nangbabarang saakin. Kasi that time hindi ako makagalaw pero gising 'yung diwa ko. Then may nakikita akong black na figure ng tao na nakaharap saakin. Hindi talaga ako makagalaw as in tapos sumisigaw ako pero walang nalabas na boses sa bibig ko. Ilang araw ko in-overthink 'yon akala ko talaga kinukulam ako huhu.

Tapos naging worse 'yung sleep paralysis ko after years. Kasi kung dati naka tayo lang sila, ngayon lumalapit na sila saakin tapos nabulong narin sa tenga ko. 'Yung tunog n'ya alam n'yo 'yung parang may nag sasalita sa radio pero nag giglitch? Para s'yang ganon. Ang sakit sa tenga at nakakairita.

Anyways..

"Sabagay.." sabi n'ya. Ilang seconds kami na tahimik.

"Ilang taon kana?" tanong ko.

"19 ako nung mamatay ako, siguro kung nabubuhay ako 24 na ako." sabi halos isang taon lang pala tanda n'ya saakin.

"I see. Bakit ka napadpad dito? Ngayon lang kita nakita e." ligaw na kaluluwa ba s'ya?

"Ewan ko nga e. Biglang pag mulat ko nandito na ako. Palagi lang ako nasa sementeryo e." sabi n'ya.

"Alam mo ngayong nalaman ko na nakakakita ako ng multo, iniisip ko tuloy kung totoong tao ba or mga espirito mga nakikita o nakakasalubong ko." hindi ko alam kung hallucinations lang ba 'yon or ano.

"Kapag sinabi mo sa psychiatrist mo na nakakakita ka ng multo, for sure sasabihin nila hallucinations mo lang 'yon." tama nga naman s'ya walang saysay kung sasabihin ko kina Nurse Jen na may nakilala akong multo ngayon araw. For sure iisipin nilang nababaliw na ako hahaha ano ieexpect nila e nasa psychiatric ward sila.

"Oo nga e." doon ko lang namalayan na ubos na pala ang kinakain ko. Tumayo ako tapos niligpit ang pinagkainan ko.

"Nga pala, anong pangalan mo?" tanong n'ya.

"Mary Rose.. Ikaw?" tanong ko pabalik, then nag offer s'ya ng shake hands.

"Ace.." tapos nakipag shake hands ako sa kan'ya.

Hala nahahawakan ko s'ya?!

***

Started: September 19, 2023
Finished: September 24, 2023

-

Brief explanation about the character for those who do not watch the anime.

Portgas D. Ace (from One piece) was the biological son of the late Pirate King, Gol D. Roger, and Portgas D. Rouge, as well as the sworn older brother of Luffy and Sabo. Ace was adopted by Monkey D. Garp, as had been requested by Roger before his execution. Ace was captain of the Spade Pirates before being recruited into the Whitebeard Pirates and becoming its 2nd division commander. He ate the Mera Mera no Mi, giving him the power to transform into and manipulate flames.

For more info, visit: https://onepiece.fandom.com/wiki/Portgas_D._Ace

Stay | Portgas D. Ace - One Piece (Tagalog)Where stories live. Discover now