Pagsuko

4 0 0
                                    

Heto, magkaharap sa magkabilang dulo ng lamesa, tanging pagitan ay nakaraang pinipilit talikuran, bawat isa hindi makatingin sa mata, parehong nakayuko, walang gusto magsalita.

Ang isa ay hawak ang sakit at pait, samantalang ang katuwang ay pagdurusa't panghihinayang sa kahapon na eto na ang kapalit.  Unang tumingin ang dalaga, dahan dahang tinitigan ang binatang minsan nyang minahal, minsang ginawang mundo at minsang naging katahimikan nya sa lahat ng gulo.

Hindi man nya gustuhin, kusang tumulo ang luha sa kanyang mata, linalaman ng dibdib nya ay gusto ng kumawala.  Ang binata ay nanatiling nakayuko habang ang dalaga'y hirap na hirap na sa napipintong pagsuko. 

"Andres" malumanay na wika nya sa binatang ngayo'y nababalot ng lungkot. Alam nyang ang salitang bibitawan ay dudurog sa puso ng lalaking dati nyang pinaglaban. Oo, ang lalaki ay kanyang kabiyak, parte ng mundo nya, dahilan ng kanyang saya at pag iyak, subalit ngayon, parang isang bula, lahat ng yon ay biglang nawala.   Nagising sya isang araw na ang pinagsamahan ay tila walang napuntahan, ang pagmamahal ay parang kasaysayan na kanyang nakalimutan, at ang nararamdaman ay tila inayawan na tulad sa pinagsawaang laruan.

Hindi ginusto ng dalaga na dito magtapos ang kanilang istorya, subalit ang puso ay sadyang mahiwaga, kung minsan ang ngiti ay napapalitan ng luha, at ang dati mong ginawang mundo, biglang nawawala.

Sa wakas, tumingin sa kanya si Andres, nababakas sa mata nito ang nalalapit na pag tangis, alam nito na eto na ang huli nilang pagkikita, ramdam ng binata ang gumuhuhit na sakit sa dibdib, ngayong magpapaalam na ang babaeng naging kalahati na ng buhay nito, ang taong magiging dahilan sa pagiging hindi nya na buo.  Alam ng binata na ilang sandali na lang, mundo nya ay magbabago, pangarap nya para sa kanila ng dalaga ay dagling guguho, wala ng magagawa, sadyang hanggang dito na lang ang kanilang kwento, hindi nya na ilalaban sapagkat wala ng patutunguhan, sadyang dito na magtatapos, nasa huling pahina na sila ng kanilang pagmamahalan.

Sa natitirang lakas ng loob, nagwika ang binata, "hindi mo na kailangan magsalita, malaya ka na" ang nasambit nito sabay talikod sa babaeng alam nyang hindi nya na pagaari.  "Palalayain na kita kasi alam kong sa piling ko'y hindi ka na masaya" dagdag ni Andres habang tumutulo ang luha sa mga mata.  Ganun nya kamahal ang dalaga, na isasakripisyo nya ang sariling kaligayahan, para lang ang dating nobya ay makawala sa relasyon na si Andres na lang ang  lumalaban.

Iba't ibang uri ng paalamWhere stories live. Discover now