Part 9: Lavender Pendant

53 3 0
                                    

Pinaglilihian ata kaming dalawa ni Kendrick ni ate Sheryn dahil halos every weekend siyang pumupunta sa bahay namin at nagulat na lang ako at kasama niya si Kendrick. Ang sabi pa niya ay baka may time raw kaming apat na makapagbonding. Si kuya Kyle, ate Sheryn, Kendrick, at ako.

No'ng weekend ay pumunta kaming apat sa enchanted kingdom. Kahit medyo naiirita na ako dahil bini-baby kami ni ate Sheryn ay wala akong choice, papagalitan din ako ng ate Elijah ko. Ate Sheryn is a friend with ate Elijah and ate Reysha kaya wala kaming choice ni Kendrick. Pero mukhang naaliw naman ang Kendrick, sus.

"Ang cute n'yo talagang dalawa!" Kinurot ni ate Sheryn ang pisngi ni Kendrick kaya nagpigil ako ng tawa.

"Babe, calm down." Natatawang saad ni kuya Kyle, naawa na ata sa pisngi ni Kendrick.

Okay lang naman kung magmana ang anak nila ate Sheryn kay Kendrick, hindi na talo dahil gwapo— biro lang. Ba't ko na siya pinupuri?!

CHRISTMAS party came, may program sa labas at sa loob ng classroom. After nang party sa room ay may party na naman mamayang hapon sa campus where all students are invited. Tuwang-tuwa ang iba, samantalang ako gusto kong matulog na lang dahil napagod din ako sa program kanina sa classroom. We had fun or should I say, sila lang. Ewan ko ba, 'di naman ko naman na-feel ang saya. Maybe I just miss my old friends, we used to exchange gifts every Christmas party. I received headband and handkerchief from exchanging gifts kanina.

Nanalo rin ang muse namin sa best in costume, paano ba naman mukhang magfa-fashion sa France dahil sa sobrang bongga. Well, she deserve the award. Sobra yung effort e.

I don't have choice but to attend the campus party. I wore the dress given by ate Elijah. It was red off shoulder with glitters on it.

"Ganda naman, pres!" Hindi ko pinansin ang isang kaklase ko. I know right?

Natanaw ko sa kabilang side si Kendrick na sumusubo pa ng spaghetti habang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya, isa na ro'n yung vice president nila.

Nilibot ko ulit ang paningin. May hinahanap ako at hindi nga ako nabigo dahil nakita ko si Isaiah na seryosong nagkikipag-usap sa mga kaklase niya. Walang bahid na emosyon ang mukha nito ngunit kahit hindi siya ngumingiti ay nangingibabaw pa rin ang kagwapuhan niya lalo na sa suot niya ngayon.

"Habang tanaw mo ang lalaking iyong nagugustuhan, hindi mo rin alam na may isang lalaking pinagmamasdan din ang iyong kagandahan." Nilingon ko si Kendrick na nasa tabi ko na pala.

"What?" I asked again.

Umiling siya at ngumiti, "ganda mo."

I looked away and chuckles. "I agree," tinitigan ko siya sa mukha. "Gwapo ka rin naman."

Nanlaki ang mga mata niya, "Paki-ulit nga!"

Umiling-iling din ako at nagkibit balikat. "Sabi ko, gago ka rin" sagot ko.

Ngumuso siya at hinila ako. "Wait, saan tayo?" Taka kong tanong.

"May ibibigay ako,"

Napunta kami sa classroom nila. Walang tao rito dahil lahat ng studyante ay nasa gym.

Even if it's just the two of us, I feel safe and I don't know why. Marahil ay kakilala ko naman siya at alam kong kahit medyo may saltik siya sa utak ay mabait pa rin naman.

Naghintay lang ako malapit sa teacher's table habang siya naman ay may kinuha sa upuan niya. Pagbalik niya ay may dala na siyang regalo, red gift wrapper with Merry Christmas on it. Tiningnan ko 'yon nang iabot niya sa 'kin. "Regalo mo?" tanong ko.

Tumango siya. "Special child ka kasi" ani Kendrick at ginulo ang buhok ko. I glared at him, "you're messing my hair style, Kendrick."

Nag-peace sign naman siya, "sorry madam."

Kinuha ko sa kanya ang regalo saka ulit siya tiningnan sa mga mata. "May I open this?" I asked.

"Oo naman."

Agad kong binuksan iyon at bumungad sa 'kin ang isang violet na box.

"Buksan mo," aniya.

I slowly opened the box and I saw a necklace. It has lavender pendant.

"How did you know?" tanong ko.

"Alam ang ano?"

"My favorite. My favorite flower is lavender." I whispered while staring at his gift.

He pursed his lips and create a small smile. "Talaga? 'Di ko alam."

"Thanks!" Tiningnan ko ulit ang kwentas. Ang ganda. . .

My smile suddenly faded. Wala akong gift para sa kanya! Sana sinabi niya para mag-exchanging gift kami!

"Uhm— sorry, wala akong gift para sa 'yo."

He chuckled softly. "Ayos lang!" Kinuha niya ang necklace na nasa kamay ko at pumunta sa likuran ko.

Narandaman ko ang hininga niya sa may leeg ko, mainit at amoy ment. Sobrang lapit naming dalawa habang sinusuot niya sa 'kin ang kwentas. Narandaman ko ang malamig na dampi ng pendant sa dibdib ko.

"Thank you ulit, ahm... balik na tayo?" saad ko at hinawakan ang pendant. Ngumiti siya at naunang naglakad. Kahit anong pigil ang gawin, hindi ko maitatanggi na napapangiti na rin ako.

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon