Una at Katapusan

103 0 0
                                    

Maraming kahiligan ang mga kabataan, at sa panahon ngayon ay natututo na rin silang humanga at sa kay tagal ay umiibig na rin sila. Marahil ang isang ito ay iba, mas binibigyan ni Wonra muna ng pansin ang mga pantasiya na katulad nalamang ng pagbabasa ng mga kwentong pag-ibig. Inilalaan niya ang kaniyang oras sa mga ganyang bagay kaysa sa tularan niya ang mga nakapaloob sa mga istorya na iyon, na alam naman niyang iba ang nangyayaring pagmamahalan basta ito ay isinulat kaysa sa nagiging karanasan sa totoong buhay, dahil din 'don ay parang nararanasan na rin niyang kiligin at umibig. Marahil ay alam niya rin kung ano ang maidudulot kung susubok siyang magmahal lalo na't masyado pa siyang bata para sa mga ganon. Bilang isang dalagita na naninirahan sa isang mapuno at mahalamang lugar ay wala siyang masyadong nagiging karanasan sa iba pang mga lugar na nakapaligid sa kaniya. Nananatili siyang nakatira roon kasama ang kaniyang mga diyosang kaibigan. Masaya at may suliranin din namang nagaganap sa kaniyang buhay ngunit nandiyan ang kaniyang mga kaibigan upang tulungan at samahan na malampasan niya ito. Isang hating gabi ay may ginoo na biglang lumapit sa kaniya, nakasabay niya ito sa paglalakad pauwi dahil galing siya sa isang selebrasyon. Di ito pamilyar sa kaniyang paningin, marahil ay hindi ito naninirahan sa kanilang lugar. Sa liwanag ng buwan ay kitang kita pa naman ang kanilang dinadaanan kaya't hindi siya kinakabahan na umuwi mag-isa. Sa taglay na liwanag ng buwan napansin din ni Wonra ang maamong mukha ng ginoo. Sa unang pagtatagpo ng kanilang mga mata ay nakatitig ang lalaki sa kaniya na biglang sabi na "ang
ganda" at sabay na pagtawa nito ng mahinhin sumagot naman si Wonra "anong ganda, baliw nga 'to e" nagsalita ulit ang lalaki kaya't habang sila ay naglalakad pauwi ay humaba ang kanilang pag-uusap. Nagkabiruan ang dalawa, dahil sa kunting antok na ni Wonra ay sinabayan niya lang din ang daloy ng kanilang pag-uusap na may kunti na ring landian na dinadaan nilang parihas sa biro. Napapangiti siya, minsan lang na may nakakausap na lalaki si Wonra kaya't sa oras na 'yon ay nasiyahan siya sa naging usapan nilang dalawa. Alam niya na ang mga galawan na iyon at ang patutunguhan kung magkakag-usap pa rin sila sa iba pang mga araw.

Nang nakauwi si Wonra ay may naramdamang kakaiba ang kaniyang puso, na tila ay may nagsasayawan sa loob nito at ang kaniyang tiyan ay parang may mga paro-paro na nagsisiliparan. Isang araw ay napadaan si Wonra sa isang napakagandang lugar na puno ng mga bulaklak ang paligid, may napakalinaw na batis sa ligid na tuwing hapon maraming mga diwata ang naliligo roon. May isang ibon na biglang nilapitan siya at sabay namang hinawakan ito ni Wonra. Habang sa nagmumuni-muni ang dalagita ay may tumabi sa kaniyang upuan, ito ang lalaki na nakilala niya kagabi na nagngangalang Kenon. "Magandang araw sa 'yo, napansin kita na dumaan sa may tulay at naisipan ko na sumunod papunta rito" ang sabi nito. At sa iba pang mga nag-daang araw ay ganon ulit ang nangyari, palagi na silang nagkakausap at nagkikita sa lugar na iyon na minsan ay nilalakad nila ang iba pang malalapit na lugar sa kanila. Sinasabi nila kung ano ang naging araw nila, kung may nangyari bang kakaiba. Bawat salita rin na ibinibigay nila sa isa't isa ay parang magka-sintahan na. Habang tumatagal ang samahan nilang ganon ay nahuhulog na rin pala ang puso nitong si Wonra. Di matukoy kung ano nga ba ang dalawa, basta't sayang-saya sila tuwing nagkakasama. Pansin na rin ito ng mga kaibigan ni Wonra dahil sa tudo kwento na rin ng dalagita. Nararanasan na ni Wonra kiligin mula sa taong nakapaligid sa kaniya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 19, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KenonWhere stories live. Discover now