Chapter 10.1

2.2K 32 0
                                    

Almika's POV

"You're not fooling me, are you?" I asked him. He quickly shook his head and opened the somewhat old-fashioned door in front of us.

"This house is a bit old. Nina doesn't go here anymore, they have a new house in Cebu."

Luma na nga ang labas ng bahay pero nakakamangha ang loob nito. Ang gagara ng mga kagamitan, mukhang mamahalin. Hindi naman siguro ito pundo ng mga kayamanan nila ano? Tsaka ang daming mga armas. Baril, mga patalim, pana, latigo at marami pa.

"Hindi ito basta-bastang bahay lamang, Almika. Dito namin nilalagay ang mga armas na kakailanganin,"

"What are you?"

"If you have so many weapons, why can't you fight Vandeon?" I asked with a frown. Why can't he even knock out Vandeon's men, in fact he can handle them. Ang hina hina ng isang ito. Malalaki lang naman ang katawan ng mga iyon eh.

"Vandeon is weak, Almika. He only looks strong because of his face and his role in the business." sagot niya.

"Kaya ko naman siyang labanan kaso may misyon ako, hindi ko pwedeng patayin si Vandeon dahil malilintikan ako sa boss ko."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Malalaman mo rin sa takdang panahon, Almika."

I shrugged my shoulder. Mukhang hindi niya talaga sasabihin. Hindi ko na lang kukulitin, tsaka andito ako para tanggapin kuno ang tulong niya. Honestly, I don't need his help. But I have nothing now, maybe I'll try hindi ba.

"Sa baba nito ay may battle ground kung saan tayo mag-eensayo." kaagad na gumalaw ang kilay ko. Napansin niya naman iyon at tumawa ng mahina. Problema niya ba.

"I know you know how to fight, Almika, but you are afraid," I'm afraid for my son. I sat in the closest seat next to me while he went to the mini fridge on the side. It was full of drinks and food. I suddenly felt hungry because of the food. I haven't eaten yet, it's boring.

"You like?" He handed me an apple. I immediately accepted and thanked him.

Habang kumakain ay ginagala ko sa buong paligid ang mata ko. Kahit na may kalumaan na ang bahay ay magara parin ang loob nito. Maraming mga kagamitan na hindi ko alam kung para saan iyon. Magaan rin sa pwet ang upuan na inuupuan ko ngayon, hindi marumi, malinis pa sa katauhan ni Vandeon.

"Papunta na raw dito si Aisha,"

"Jowa mo?"

"Wala akong oras sa mga ganu'ng bagay, Almika. May mission ako at du'n lamang nakatuon ang buong atensyon ko, but..." he looked at me. Tinging nakakailang.

"Oh anong tinitingin-tingin mo dyan?"

"Nothing, namamalikmata lang ako." ang landi ng lalaking ito.

"May anak na ako kaya huwag mo nang subukan."

Malakas naman siyang tumawa. "Fvck! Haha! I know, Almika. Mga tipo ko nga 'yung may mga anak na,"

Mabilis ko siyang sinapak sa ulo. "Gago ka ba!"

Ang lakas ng trip nitong gagong 'to. Hindi ba siya nahihiya sa sinasabi niya. Gwapo naman siya pero hindi ko talaga siya type, wala rin akong oras sa mga landi landi ngayon. Anak ko ang gusto ko ngayon.

"Just kidding."

"Nga pala, anong plano mo kapag nakuha mo na ang anak mo? Lalayo kayo ulit?"

Sa ngayon ay wala pa talaga akong plano pagkatapos. Ang nasa isip ko ngayon kung papaano ko matatalo si Vandeon na hindi nasasaktan ang anak ko. Hindi ko naman pwedeng gawin 'yung plano namin dahil matalino si Vandeon at malalaman niya kaagad. Hayst, kakainis naman 'tong si Vandeon oh. Porket may pera siya ay gagantuhin niya na ako? He was the reason bakit ako naghihirap ngayon! Hindi ko rin maintindihan ang last will ng mga magulang ko, ewan ko kung maibibigay ko ba iyon sa kanila. I'm so lost right now.

BS03: Hidden Son Of Mr. SantfordWhere stories live. Discover now