Chapter 22

255 15 40
                                    


Hanggang sa matapos ang last quarter, data inputting na lang ang ginagawa ko na nakukuha ng mga teammates ko. We had the final report as the conclusion of our part and even imparted it to the indigenous people.

As soon as nakumpleto namin lahat, bumalik na rin ako sa bahay upang isahang bayad lang ng renta ko sa apartment nina Hiruki. Nagrereklamo na nga siyang ayaw akong paalisin at siya na naman maiiwan mag-isa kahit may flatmates naman siya.

Hindi pa kasi raw siya immuned sa mga nangyayari tuwing madaling araw: kumakatok sa pintuan, anino ng puno sa bintana kahit walang puno sa labas, mahinang iyak ng babae sa ilalim ng kama, mukha ng maputlang bata na nakasilip mula sa maliit na butas ng kisame, yabag ng paa sa labas pagkapatak ng hatinggabi at kung anu-ano pa.

Nang nagtanong ako sa kanya patungkol kina Monnic, ang sagot niya ay on-vacation 'yon. Si Niña, may farm naman 'yon sila.

"Bahala na 'yon sila basta tayo, tapos na sa OJT at proposal," saad niya.

"Early mo pa mag-celebrate, baka sa gitna-gitna nito maiiyak tayo." Napailing ako.

Sa isiping nakatapos na ako ng tatlong taon, nababalot ng saya at tuwa ang puso ko. Na kahit ang daming beses na sinubukan kong itigil na, nakarating pa rin naman ako sa puntong ito. May narating ang lahat ng paghihirap ko. Kung iiyak man ako, alam kong hindi 'yon masasayang dahil panghuli naman na ngayon. Wala na akong pagsisihan pa.

Three down, one to go.

Next year might be another hard path I had to pass through but I know that trip will be worth the efforts and energies I'd be investing. And I'm sure that year would be different from now.

Because I have Shiro with me.

After what happened, he became really tender in my presence. If he's wearing his heart on his sleeves before, he's wearing his whole heart now. This time, more warm, more affectionate, more loving.

Kita ko 'yon sa mga sumunod na araw na halos maging glue na sa sobrang clingy. Tapos hindi pa nahihiya sa mga kapatid ko sa bahay. Wala nga akong ideya kung paanong nakisama sa kanya ang mga ito basta ang alam ko lang, pag-uwi ko ay naging kuya na siya nila.

"Tamo, ate, binilan aku K'ya Ziro ng doll house." She giggled and then hugged him on his neck.

"Ate, binigay ni Kuya." Pinakita ni Jed ang isang box kung saan sa loob niyon ay mga school supplies and materials.

I glared at Shiro and he returned it with an embarrassed smile.

"Halika nga." Hinigit ko siya mula kay Esma na tinutulungang mag-ayos ng Lego blocks nito sa aming sala.

Dinala ko siya sa kwarto, makikita roonang mga bago ring gamit na binili niya.

Sinara ko ang pinto at sinandal si Shiro na mukhang may ideya nang mangyayari 'to.

"CK, hindi kita sinabihang bumili ng mga gamit para rito. Bahay namin 'to at alam kong hindi mo mapapakinabangan ang mga ginastos mo," giit ko. "Sabi 'di bang 'wag kang magwawaldas?"

"But you allowed me to do things I want," he said. "Here, I've done what I can do."

"Pero hindi mo responsibilidad gawin lahat ng 'to."

Pati 'yong laptop, inuwi niya rito.

"Hyena, we had talked about this. I want to give you everything as much as I can," kalmadong boses niya.

Napaupo ako sa gilid ng kama. I brushed my hand on the soft, thick sheet. Malambot ang bagong unan niyon. Sa tabi ang bedside table. Sa kabilang sulok naman 'yong isang cute na table din. It was for study space, adorned with those little mod cons and stuffs.

Drives Under Nightlightsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें