1ST.ONE - 152.

10 2 1
                                    

1ST.ONE - 152.

Ngumiwi na lamang si Ace dahil sa narinig. Bumuntong-hininga siya sa pagkakataong iyon. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman. Ang tangi niyang alam ay kampante siya na hindi magiging mahirap para sa kaniya ang sitwasyon na iyon. Lumuwag ang kaniyang pakiramdam dahil sa sinabing iyon ni Gift.

"Bakit ka pumiyok sa sinabi mong gusto mo si Jia?" Naibaling niya ang atensyon kay Alpha dahil sa tanong nito kay Gift. "Teka, gusto mo siya?!"

"Hala," sabi ni Joker. "Hala!"

"Oh no," sabi ni Honey. "It is a love triangle nga!"

"Ay," sabi ni Jodie. "Totoo ba 'yon, kuya? Kailan pa?"

Ngumiti lamang si Gift. "Matagal na. Alam niyo ba, no'ng malaman kong naging single na si Jia ay sinadya kong sabihin sa kaniya na gusto ko siya? Gusto ko kasing malaman kung anong magiging reaksyon niya. Ngayon, maliwanag na sa'ming dalawa. Nag-usap na din kami ni Ace tungkol do'n kaya ayos na."

"Ngayon na malaya na si Jia, saka nagkakaroon ng aminan," sabi ni Max. "Anong masasabi mo ngayon, Ace?"

"Wala." Iyon ang tangi niyang naisagot. "Wala na akong masasabi. Pwede bang h'wag na lang natin bigyan ng kahulugan kung ano man ang nangyayari ngayon? Okay na e, ayos na. Please lang, respetuhin natin ang sitwasyon ngayon. Kahit para na lang kay Jia, please."

"Sus," sabi ni Yhena. "Sige, hindi na namin kayo tatanungin tungkol sa bagay na 'yan. Nga pala, kumusta ang practice niyo ni Jia? Hayyy, nakakakilig at nakakatuwa. Kayong dalawa ang wedding singer namin."

"We're having a great time practicing. Three days a week, one to two hours each day."

"Wow!" sabi ni Joker. "Pagkatapos ng practice, saan naman kayo?"

"Hinahatid ko siya pauwi. Gano'n ang nakasanayan namin."

"Hindi ba kayo nag-de-date? Ay, haha!"

Nagtawanan ang lahat. Maging siya ay nahawa.

"One time, nag-fastfood date kami. Nag-uwi si Jia ng Jollibee sa bahay nila." Naroon ang kaniyang magandang pagngiti. "Friendly date lang naman tapos busy siya sa cellphone niya. Inisip ko nga baka may ka-chat siyang other guy. Nakita ko kasi one time, may ka-chat siya tapoa nakangiti siya. Hindi ko maalala ang pangalan."

"Baka si Gift ang ka-chat?" tanong ni Alpha at ngumisi. "Nako, Val John! Hahaha!"

"Isang linggo ko na siyang hindi nakaka-chat," dipensa ni Gift at tumawa. "Kung may ka-chat siyang ibang guy, hindi ko alam kung sino 'yon."

"Hindi na natin dapat pakialaman ang bagay na 'yan," sabi ni Yhena. "Pero 'di ba, magkalapit lang kayo ni Jia? Imposibleng hindi kayo nagkikita man lang?"

"Bahay-trabaho-gala ako," aniya. "Nagkakasalungat kami madalas."

**

"Ace?"

Dumaan ang kinahapunan at kasalukuyang nasa poolside ang binata. Lumingon siya kay Jia na tumabi sa kaniya. Inabutan siya nito ng chocolate. Nakangiti niya iyong tinanggap.

"Salamat," aniya. "Saan mo binili?"

"Uncle's here." Ngumuya ang dalaga at kalauna'y nagsalita. "Nagdala siya ng chocolates."

"Si Mister Choi ba?"

"Haha, yeah."

"Ah, okay." Nagsimula siyang ngumuya ng chocolate at lumingon sa dalaga. "Kailan kaya kayo magkikitang muli ng isa mo pang uncle?"

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now