1ST.ONE - 153.

8 2 0
                                    

1ST.ONE - 153.

"May taong nakatakip ang mukha na lumapit sa dalawang kotse na nakaparada." Tumaas ang kilay ni Alpha dahil sa narinig mula kay Jayson na nakatingin sa isang screen. "Napag-trip-an ang kotse ni Ace kaya nagdulot 'yon ng kapahamakan sa kaniya. Nagkaroon din ng recent accident sa main road na dinaanan namin kaya umabot sa aksidente ang pangyayari."

"Nahuli na ba ang taong 'yon?" tanong ni Joker.

"Sa pagkakaalam ko ay nahuli na siya agad." Nilingon ni Jayson ang kaibigan. "Nag-sorry siya tapos may sinabi sa mga pulis. May nag-utos daw sa kaniya para pag-trip-an si Ace."

"Sino?" tanong ni Alpha kaya napalingon ang lahat sa kaniya. "Kung sino man 'yan, yari siya sa'kin."

"'Yan ang inaalam ni Jia."

"Ni Jia? Bakit mo hinayaang kumilos ang kapatid mo?" tanong ni Ging. "Baka mapahamak ang kapatid mo?"

"'Yan din ang iniisip ko," sabi ni Gift.

"Sus," sabi ni J. "E paano kung samahan mo siyang alamin kung sino ang nag-utos para pag-trip-an si Ace?"

"Hayaan natin siya." Naroon ang pagtaas ng boses ni Jayson. Natahimik ang lahat. "Hayaan natin si Jia sa kung ano ang gusto niyang gawin. Sigurado akong anytime from now, malalaman natin kung sino nga ba ang pinakadahilan ng kapahamakan ni Ace."

Tumalikod si Alpha mula sa usapan at naglakad palabas ng bahay na iyon. Pagkalabas ng gate at kaagad siyang sumakay sa kaniyang kotse at pinaandar iyon palayo. Nang marating ang bahay ng kaniyang mga magulang ay bumuhos ang malakas na ulan kaya kaagad siyang naglakad papasok. Naabutan niya si Yhena na abala sa isang canvas painting at nasa living area ito. Marahan siyang lumapit sa dalaga at marahan itong niyakap mula sa likuran.

"Nandiyan ka na pala," aniya at marahang humalik sa kaniyang pisngi. "Inabutan ka na ng ulan."

"Sakto nga lang, e." Marahan siyang tumawa at tumabi sa dalaga na nakaupo sa floor mat. "Nahihilig ka ngayon sa canvas painting, ah?"

"Hehe." Ngumiti ang dalaga kaya napangiti siya. "Wala kasi akong mapagkaabalahan ngayon. Gusto ko lang din talaga ituloy 'yung canvas painting na hindi ko natapos no'ng nasa bahay tayo ng Lee Family. Naaalala mo 'yon, no'ng araw na tinuruan kitang mag-drawing?" Humarap ito sa kaniya. "Tapos nag-drawing din ako pero hindi natapos? Ito 'yon, Jonas. Mabuti at naiuwi ko ang canvas na 'to."

Muli siyang ngumiti. "Mas lalong gumanda ang painting lalo na't may kulay na. Pero alam mo Yhena, mas maganda ka diyan."

"Sus, nambola ka pa." Pareho silang tumawa. "Kumusta nga pala si Ace?"

Marahang niyang inalalayan ang dalaga paupo sa mahabang sofa at inakbayan ito. Ilang segundo silang nagtitigan bago siya tuluyang magsalita. "Hindi pa siya gumigising. Nando'n si Sam sa ospital para bantayan siya. Siguradong nando'n din si Mister Choi at baka si Jia, nando'n din."

"Si Jia, kumusta kaya siya? Sa tingin ko ay hindi niya papalampasin ang nangyaring 'yon kay Ace." Marahang sumandal ang dalaga sa kaniya at bumuntong-hininga. "Nag-aalala ako sa totoo lang, Jonas."

"Gano'n din ako." Marahan niyang tinapik ang balikat ng kaniyang pinakamamahal. "Sa ngayon, sa tingin ko ay kumikilos na si Jia. Talagang hindi niya papalampasin 'yon."

"May idea ka ba kung sino ang may kagagawan no'n sa bestfriend mo?"

Umiling siya. "Wala akong idea sa ngayon. Napag-trip-an si Ace at may nag-utos daw sa taong 'yon. Bukod do'n, may recent accident na nangyari sa main road kaya naaksidente siya. 'Yon ang inaalam ngayon."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now