1ST ONE - 156.

10 1 0
                                    

1ST ONE - 156.

"I announce you husband and wife. Groom, you may now kiss your bride."

Tuluyang dumating ang hinintay nilang pagkakataon. Nagkaroon ng hiyawan nang tuluyang halikan ni Alpha si Yhena pagkaalis ng belo nito sa mukha. Nauwi iyon sa yakapan at nagpalakpakan ang lahat.

"Congratulations!" sabi ni J. "Masaya ako para sa inyo!"

"Sa hinaba-haba ng prusisyon e sa kasal nagtapos," sabi ni Max. "Congratulations sa inyo."

"Congratulations," sabi ni Gift. "Best wishes sa inyo."

"Congratulations," sabi ni Jayson.

"Saan ang honeymoon?" tanong ni Joker at nagtawanan naman ang lahat. "Bakit?! Curious lang!"

"Hahaha!" Tumawa si Alpha at inakbayan si Yhena. "Sa bahay na lang kami magha-honeymoon. Gusto ko sanang pumunta kami ng Canada kaso h'wag na. Due to Yhena's condition in her pregnancy, kailangan niya ng bed rest."

"Ah, gano'n pala," sabi ni Marina. "Tama nga lang na mag-bed rest siya. Mas maigi 'yon para sa kaniya at sa anak niyo."

Nagsama-sama ang lahat para sa wedding picture. Gamit ang DSLR Camera ni Marina ay inabot niya iyon sa isang staff ng resort upang kuhanan sila ng mga litrato. Nagkaroon ng litrato ang magkakaibigan kasama ang newlyweds. Nagkaroon din ang mga magulang nila ng pagkakataong makasama sila sa litrato.

"Ang ganda ng song choices ninyo," sabi ni Janine Buenaventura nang makalapit sina Jia at Ace sa lamesa kung nasaan ang mga magulang. "Nakakakilig. Parang gusto kong ikasal ulit."

"Sige ba." Nagkaroon ng asaran dahil sa sinabing iyon ni Mister Choi. "Why not, hindi ba? Agree ka ba, Danna?"

"Nako tita, iplano na agad 'yan!" sabi ni Jia at nagtawanan ang lahat. "I'll be honored to sing in your wedding, hehe."

"Ano kaya ang feeling na ma-witness mo 'yung mga magulang mong ikasal ulit?" tanong ni Marina at ngumiti. "Gusto kong masaksihan 'yung gano'n, ma, pa."

"You know what Danna, nakakakilig." Ngumiti si Jia sa kaniyang pinsan. "Naaalala ko 'yung panahon na nagkwento sa'kin si mom, ako daw 'yung naging ring bearer sa kasal ng parents mo. Hindi ko na gaanong maalala pero ang sabi pa nga niya e nadapa daw ako habang nalapit sa parents mo kasi excited daw akong ibigay 'yung mga siingsing sa kanila."

Muling nagtawanan ang lahat.

"Talaga? Siguro umiyak ka no'n?" tanong ni Ging.

"Hindi po, ma. Hahaha!"

"Ay nako Ging, hindi siya umiyak no'n." Ngumiti si Janine. "Sobrang cute talaga ni Jia no'ng time na 'yon. Tumawa pa nga siya kahit sinesermunan na aiya ni Janice."

"Sa totoo lang tita, paano nga kung ituloy niyo?" Natahimik ang lahat dahil sa sinabing iyon ni Jia. "Your family is now complete. You and uncle deserve to get married again lalo na't sa ilang dekada din na nagkahiwalay kayo e ito na, magkasama na ulit kayo. Feeling ko nga bumalik ako sa pagkabata ko dahil sobrang excited ako para sa kasal niyo."

"Sakto at next month na ang wedding anniversary natin." Ngumiti si Mister Choi kay Janine at inakbayan ito. "Papayag ka ba kung gusto kong magpakasal tayong muli?"

"Oo naman, Randy. Gusto ko muling ikasal. Sa'yo." Ngumiti si Janine.

"Ayieee!" sabi ni Alpha. "Siguradong matutuwa talaga si Jia dahil ikakasal ulit kayo."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now