Part 14: Chess

59 4 0
                                    


"Hi, Kendra! Sali ka sa mga sports mamaya!" saad ng SSLG Vice president namin nang makasalubong ko siya. Galing akong gym at pabalik na sa classroom namin.

"Hala, hindi po ako sure e."

"Ay? Bakit naman?"

"Hindi naman po kasi ako sporty," nahihiya kong sabi.

"May chess mamaya sa Section Dandelions, gusto mo? Alam kong magaling ka ro'n! Matalino ka kaya," tugon niya.

Nagdalawang isip pa ako, "susubukan ko po."

"Sige, ililista na lang kita na representative sa grade 8. Ayos lang ba?"

"Pero hindi pa po ako sure e," sagot ko.

"Ikaw ang bahala, punta ka lang sa Dandelions mamaya ha! After lunch! Bye and congrats ulit!"

Napakamot ako sa batok at hinigpitan ang hawak sa backpack. Nangangawit na rin ang mga paa ko dahil sa suot na heels.

"Okay ka lang, Kendra?" Nilingon ko ang nasa likurang si Isaiah. May dala siyang folder at mukhang papunta sa building namin.

"A-ayos lang po," sagot ko. Bumaba naman ang tingin niya sa paa ko saka bumuntong hininga.

"May paltos ka 'no? Tulungan na kita, papunta rin naman ako sa room n'yo para ibigay itong folder sa adviser n'yo."

Tatanggi na sana ako pero naalala kong may crush siya kaya cancel, g na lang.

Kinuha niya ang backpack ko at nilagay sa harapan niya. Lumuhod siya at inabot sa 'kin ang folder na dala. "Bring this, sumakay ka." Napanga-nga ako at kinuha ang folder. Umikot ako papunta sa likuran niya at nag-piggy back ride.

Hindi namumula ang pisngi ko dahil sa init ng panahon, namumula ito dahil sa kilig. Naaamoy ko ang mabango niyang pabango kaya napapikit ako at sinulit ang bawat sandali.

Mabuti na lang at hindi gaanong marami ang tao dahil ang iba ay nasa gym pa. At isa pa, malabo rin na maging issue dahil parang magkapatid lang naman kami ni Isaiah. He's senior high while I'm just a grade 8 student. People might think that I'm just his cousin or younger sister since Isaiah is very kind. Kikiligin na talaga sana ako pero tuwing naaalala ko na walang something special dahil ganito naman talaga si Isaiah kahit sa iba ay umuurog ang kilig ko. Akala ko kasi sa 'kin lang pero pati rin pala sa iba. Hahay!

"We're here." Bumaba na ako at nagpasalamat sa kanya. I also volunteered to bring the folder to our adviser.

"Si kuya Isaiah 'yon?" tanong ng kaklase ko.

Tumango ako at nilagpasan siya. Pinag-iisipan ko kasi ang sinabi ng SSLG VP kanina na sumali sa chess.

Tiningnan ko ang loob ng classroom namin, abala ang mga kaklase ko sa paghahanda sa mga sasalihang nilang sports. Ako lang ata ang wala kaya naisipan kong puntahan ang Dandelions para magpalista.

Napapikit na lang ako dahil masakit pa rin ang mga paa ko at mahapdi ang paltos. Sana pala ay nagpabilo na lang ako kay ate ng bandaid, nakauwi na tuloy siya.

"Kendra, hanap ka ni Kendrick mo!" sigaw ng isa sa mga kaklase ko.

Kendrick ko?

"Hi," wika ni Kendrick at tumabi sa 'kin.

"Tapos kana bang mag-lunch? Kung hindi pa ay sabay na lang tayo," aniya.

"Hindi pa ako kumakain."

Ngumisi siya at kinuha ang bag ko. "Anong ginagawa mo?" tanong ko.

Kinuha niya sa loob ang lunch box ko at nilapag 'yon sa desk.

"Let's eat together," sabi niya at tinabi ang dalang lunch box.

Magsasalita pa sana ako nang tumayo siya at lumuhod sa harapan ko. Inabot niya ang paa ko at hinubad ang heels. Pagkatapos ay may kinuha siya sa bulsa niya, isang kulay violet na may maliliit pang petals ng lavender na bandaid ang nilagay niya sa paltos ko.

Hindi ako makapagsalita, nakatingin lang ako sa kanya habang ginagawa niya 'yon. Matapos lagyan ng bandaid ang paltos ko ay may kinuha siyang paper bag. Inilabas niya mula ro'n ang kulay violet din na tsinelas. "Hindi ka pa puwedeng magsuot ng sapatos o kahit flats kaya nagpabili ako kay ate ng tsinelas, ayos ba?"

Umawang ang sulok ng labi ko. Sinuot ko ang tsinelas at kitang saktong sakto lang ang size nito sa 'kin. "How did you know my size?" tanong ko.
Nagkibit balikat lang siya at tumayo, "secret."

Sabay kaming dalawa kumain ng tanghalian. Inaasar pa kami ng mga kaklase kong walang magawa sa buhay.

"Saan ka ba pupunta para masamahan na kita?" tanong niya.

"Sa Section Dandelions," sagot ko. Naalala kong hindi ko alam kung saan ang room na 'yon.

Ngumiti siya at sinubo ang lollipop na dala. "Sakto, katabi lang 'yon sa section namin e," wika ni Kendrick at binigyan ako ng isang lollipop.

Ngumisi ako, "balatan mo," pabiro kong utos pero sineryoso ni Kendrick.

"'Yan na," binigay niya sa 'kin ang lollipop.

"Bakit violet na naman?" taka kong tanong.

"Dahil favorite color mo 'yon?"

"Oo favorite color ko nga pero ayoko sa violet na lollipop 'no."

Napakamot siya sa ulo niya, "hindi ba? May isa pa ako rito pero hindi na 'yon Lips na lollipop. Gusto mo lips ko na lang?"

Agad ko siyang hinampas sa braso. "Bastos 'to!"

"Hoy! Nagbibiro lang naman!"

Nakarating kami sa Dandelions na puro asaran. Ang harot kasi ng kasama ko, kaya rin siguro hindi siya crush ng crush niya.

"Yey! Mabuti at pumayag na!" Bungad sa 'min ng SSLG VP.

"Ano nga palang ginagawa natin dito?" tanong ni Kendrick.

"Sasali siya sa chess," sagot ng SSLG VP.

Gulat siyang napatingin sa 'kin at sa SSLG VP. "Anak ng— bakit naman Rica? Ayokong kalabanin si Kendra 'no!" reklamo niya.

"Siya makakalaban ko?" tanong ko at tinuro si Kendrick.

Tumango ang SSLG VP at ngumisi. "Best of luck sa inyong dalawa! Pero kung ayaw mo Kendrick, puwede ka naman mag-back out," kibit balikat na saad ni Rica.

"Ang sakit mo naman!"

Tumawa ako, "hindi na lang ako sasali, mukhang ayaw naman po ni Kendrick…"

"Anong hindi!? Okay lang! Gawin pa kitang Queen d'yan eh."

Gulat na napatingin sa 'min si Rica. "Kayo na ba?"

"Anong kami?" Tumawa ako, "kaibigan ko lang 'to," sagot ko.

"Hayy, sakit n'yo talaga," bulong ni Fritzy at bumuntong hininga.

Let the battle begin? But anyway, hindi ko talaga alam na magaling din pala itong si Kendrick sa chess. Curios ako kung paano siya maglaro mamaya kalaban ako.

I smirked with that thought, I'll never settle for less. I will do my best at walang kai-kaibigan dito, the best player will win.


Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now