CHAPTER 1

2K 54 3
                                    

“I do not love you. You do know that, don’t you?”

Nanginig ang mga kamay ni Nessa at nabitin ang akma sana niyang pagsubo ng pagkain nang marinig ang sinabing iyon ni Viz Hezron, ang kanyang asawa. Nakaupo sa kabisera ng mesa ang lalaki at siya ay nakapuwesto sa pangalawang silya mula sa kanan nito. Ang unang silya sa direktang kanan nito ay bakante.

Bakante iyon dahil ayaw siya nitong makatabi kahit sa hapag-kainan. Kinamumuhian siya nito. Kinasusuklaman.

Nag-angat siya ng mukha at minasdan niya nang matiim ang asawa. His jet-black hair was cleanly trimmed and tapered on both sides and at the back, and the top that was neatly combed back all the time was left decently longer than the sides. Hs lips were naturally red; lips that could smile kindly at others but not to her. The bridge of his nose was tall, and the lower part which was the alar walls on either side of the tip curved thinly and delicately. He had a perfect nose.

Dumako ang tingin niya sa mga mata ni Viz at tumahip ang dibdib niya nang makitang nakapukol din sa kanya ang mga titig nito. Malamig ang kislap sa mga mata nito. Tumatagos sa kanya ang talim niyon kahit na may suot pa itong salamin sa mata. His eyes were as cold as a shard of ice. Sharp and piercing. His cold gaze could cut her in half. And she deserved it. She deserved such coldness, such cruelty. Because she was a fraud.

A fake wife.

Nilinlang niya si Viz.

Viz Hezron was a warm person. He was kind. And he was good to others.

Except for one person—her.

Hindi masamang tao ang asawa niya. Hindi ito malupit. Mabait ito. Pero nakagawa siya ng isang napakalaking kasalanan dito.

“Huwag mo akong titigan nang ganiyan, Nessa,” matigas ang boses nitong saway sa kanya.

Napayuko siya. Of course. What right did she have to stare at her husband’s face? Kahit iyon ay bawal para sa isang huwad na kagaya niya. Mariin niyang ipinaglapat ang mga labi upang kahit katiting ay maibsan ang talim na tila tumutusok sa dibdib niya. Her heart ached so bad. Sometimes she wished she didn’t have one, so she wouldn’t have to endure the pain of loving someone who was so firm on hating her forever.

Sana hindi na lang niya minahal ang asawa niya.

Viz…

“You didn’t answer my question, Nessa.”

Napatingin siya kay Viz, bumadha ang pagkalito sa kanyang mukha. “H-ha?”

Umalsa ang isang sulok ng mapula nitong mga labi para iguhit ang pang-uuyam nito para sa kanya. “Did you not hear what I said? Fine, I’ll say it again. I do not love you. And the question is, if you know that. You are aware that I do not have even the littlest of affection for you, are you not?”

Kumirot ang dibdib niya, dahilan para iglap siyang mapayuko. Naglapat ang mga ngipin niya, at dahan-dahan siyang tumango. “A-alam ko.”

“Good. I just want to make sure that you aren’t hoping for some stupid emotion to sprout between us. That ‘emotion’ will never have a place in my heart.”

Muli siyang tumango, kahit na nakapako lang ang mga mata niya sa pagkaing nasa harapan na halos hindi niya nagalaw.

Tumayo si Viz at walang paalam na humakbang palabas ng komedor. Tahimik niyang minasdan ang malapad na likod ng kanyang asawa. His shoulders were broad as if it could protect anyone from harm, his back was wide that tapered to a thin waist, creating the sexy ‘V’ shape of his torso. Kahit na palaging pormal na pang-opisina ang suot nito ay hindi maikakaila ang magandang hubog ng katawan ni Viz. Kaya hindi na nakapagtatakang maraming mga kababaehan ang humahanga rito sa kabila ng katotohanang may asawa na ito.

THE CEO'S FAKE WIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon