Part 15: Victory or Defeat

53 6 1
                                    


Iginalaw ko ang knight dahilan upang makain ko ang pawn niya ngunit dahil do'n ay nakain din ang knight ko gamit ang bishop niya.

Nangangawit na ang pwet ko kakaupo rito dahil hindi ko matalo-talo si Kendrick. Pati ang scorer namin ay nababagot na rin dahil kanina pa kami rito. Sobrang galing ni Kendrick, grabe ang mga moves niya kaya mas kaunti na lang ang natira sa 'kin.

Hinawakan ko ang rook at naghanap ng magandang pwesto, I smirked. Ginalaw ko ito kaya na-corner ang knight niya.

Ilang minuto pa ang lumipas ay paubos nang paubos ang sa kanya kaya I can smell my victory right now. King na lang ang natira sa kanya pero nahihirapan pa rin akong makain ito kaya naiirita ako.

"Kapag ba isinuko ko sa 'yo ang king ko, ika-crush back na ako ng crush ko?" tanong niya.

"Isuko mo na 'yan, ilang oras na tayo rito."

Ngumisi lang siya at nag-move ulit hanggang sa na-stalement ito, making me won the game.

"Grade 8 Lavender, right?" tanong ng SSLG Representative. Tumango lang ako at mayabang na tiningnan si Kendrick.

Sinuklian niya lang ako ng ngiti kaya napa-irap ako.

Habang pa-uwi ako sa room namin ay narinig ko ang usapan ng mga studyante.

"Kendrick is such a great chess player, how come natalo siya ng isang grade 8?"

"Hindi siya natalo 'no! Kusa siyang nagpatalo. Ewan ko ba, jowa niya ata 'yong kalaban niya kanina e."

"Huh? Paano mo nasabi?"

"I saw his moves! I've been watching Kendrick playing chess every Intramurals, maging sa district and division level ay nando'n ako kaya alam ko kung gaano siya kagaling, at kanina? Halata namang nagpatalo siya."

"I see, pero baka naman magaling lang talaga 'yong taga Grade 8 Lavender. Kilala ko 'yon e, si Kendra 'di ba? Siya ang 1st runner up kanina sa pageant."

"High IQ nga, Wala namang experience."

Ikinuyom ko ang aking kamao at taas noong nilapitan ang dalawa, I think they're grade 10 students.

"Let me hear any words about Kendrick and I again and I will slap your ugly face hardly. Too bad, I'm in good condition right now or else… nasubo ko na sa inyo ang sili." Lumingon ako sa tanim na sili malapit sa hallway saka ulit tiningnan ang dalawa. Gulat pa rin sila at hindi makapaniwala sa pagsugod ko. Grade 10 na sila pero magkasing tangkad lang naman kami. "I won because I did my best, he lost because he's stupid enough to…"

"Stupid?" Narinig kong saad ni Kendrick sa likuran ko dahilan upang manigas ako sa kinatatayuan.

Hinarap ko siya at tinaasan ng kilay. "Kung talagang magaling ka, bakit kita nagawang talunin?"

"Kendra, nanalo ka dahil mas magaling ka …"

I smirked, "you're making me pity, Kendrick. I hate you," malamig kong sabi at naglakad palayo.

Kinuha ko kaagad ang bag sa room at lumabas na sa campus.

Pagkarating ko sa bahay ay nagkulong ako sa kuwarto. I did my best but I don't think I deserve that victory. Mas magaling si Kendrick, nagpatalo siya dahil tingin niya mahina ako. Mapait akong ngumiti,

"KENDRA, it's been a month no'ng nagkita tayo. How are you?" tanong ni ate Reysha nang magkita kami.

Ngumiti lang ako, "I'm doing fine po."

"Hindi ka na pumupunta sa bahay ah, hindi ka na rin nababanggit ni Kendrick sa 'min. Ayos lang ba kayong dalawa? Nag-away ba kayo?"

Dahil do'n ay napaisip din ako sa sitwasyon namin ni Kendrick. Nag-away ba kami? Hindi naman, pero nagtatampo pa rin ako sa ginawa niya no'ng Intrams. He never approached me first kapag nagkikita kami so am I.

I decided to talk to Kendrick today. I want to say sorry for my behavior these past few weeks.

"Nand'yan po ba si Kendrick?" tanong ko sa kaklase niya.

"Si Kendrick? Nasa canteen ata kasama si Jella."

"Who's Jella?"

"'Yong muse namin, bakit pala?"

I grinned my teeth and fake my smile. "Sige, pakisabi na may naghahanap sa kanya. Kung may paki siya, pakipuntahan na lang ako sa library." Tumalikod ako at mabilis na naglakad papunta sa library.

Kaya siguro hindi na nagpaparamdam, may iba ng kaibigan. Teka, kaibigan nga ba? O sila na? Iba rin, muse ang nais.

Padabog kong nilapag ang libro sa mesa. Nagbasa ako ng ilang minuto pero hindi pa rin dumating si Kendrick. Masaya sigurong kasama iyong muse niya 'no? Should I wait for him? May vacant naman kami pero ang tanong kung vacant din ba sila. Ikinuyom ko ang kamao at sumubsob sa lamesa. Gusto kong umiyak, hindi ko lang alam kung bakit.

Tumayo ako at agad napangiwi nang maramdamang masakit ang puson ko. Kaya naman pala paiba-iba ang mood ko, magkakaroon ata ako ngayon.

Lumabas na ako sa library at walang gana na naglakad sa hallway. Sobrang bagal ng lakad ko dahil masakit pa rin ang puson ko. Nasa loob na ng klase ang mga studyante kaya walang katao-tao sa labas.

Napahinto ako sa paglalakad nang may biglang pumulupot na kamay sa baywang ko.

Naramdaman ko ang mabangong hininga ng lalaki. Amoy niya palang ay kilalang kilala ko na.

"Isaiah… I mean, kuya."

Umikot siya at ngayon ay nasa harapan ko na. "May… may tagos ka, Kendra. Gusto mo bang bilhan kita…"

"S-salamat po!" mabilis kong saad habang nag-iinit ang mukha. "O-okay na po, p-pupunta na lang ako sa cr, t-thank you sa jacket." Tumalikod ako at mabilis na naglakad papuntang cr.

Sumandal ako sa pinto nang makapasok na sa loob. Pumikit ako nang mariin at kinuyom ang kamao. Nakakahiya ang ginawa ko but I felt de javú. I remember Kendrick and I fvcking don't know why, siya ang naalala ko no'ng tinulungan ako ni Isaiah. Naalala ko no'ng nasa grade 7 pa ako and I hate this feeling…

Dear Lavender,

      I hate thinking of him, but why does my mind always look for him?

Truly yours,
K.W


Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now