CHAPTER 1

197 7 0
                                    

Achiro's POV

"Good day mga sunshines" Silip ko sa may bintana namin at nakita ko naman sila momshie at popshie sa labas na naglalambingan, hyst makita ko lang silang ganyan kasweet at kasaya masaya na din ako sabi ko sa isip ko, nakita naman ako nila momshie at popshie  saka pumasok sa loob, naku-naku kung hindi pa ako babati sa kanila hindi nila ako papansinin kaya bumaba na ako at hinalikan sila sa pisngi.

"Good morning Momshie kung maganda at Popshie kung gwapo"sabay ngiti ng napakaganda,natawa naman sila sakin at ngumiti.

"Good morning too our precious angel" sabay na bati nila sakin

"Ang aga mo naman ata baby hindi kaya may crush kana sa bago mong pag-aaralan" sabi ni momshie ng makita na nakauniform at pang nerd na ayus na ako kaya napabusangot naman ako.

"Hay naku ikaw talaga mahal alam mo naman na pag-aaral lang inaatupag ng baby natin inaasar mo na namn yan"sabi ni popshie ngumiti naman ako sa kanila at pumunta sa gitna nila saka niyakap sa magkabilang braso

"tama po si popshie,alam nyo naman po na kayo ang pinaka importante sa lahat,kaya ako nag aaral ng mabuti para makaahon tayo sa kahirapan"sabi ko na nagpapacute natawa naman sila sakin at hinalikan ako sa nuo.hindi naman totally mahirap kami sapat lang yong kita nila popshie at momshie para sa pang araw-araw namin,pero syempre di naman maiiwasan na magipit kami kase nasa pahiraman at kapag sisingilin na namin sila nagagalit sila samin kaya mas minabuti na lang namin nila momshie at popshie na pagkailan na lang nila ito ibabalik nabalik ako sa ulirat ng hinaplos ni popshie ang pisngi ko.

"Oh sya tara na sa kusina para makakain maaga pa naman baby kaya hahatid na lang kita"sabi ni popshie napangiti naman ako ang sweet talaga ng magulang ko

"ayay mahal na hari" sabay tawa biruan na kase namin yun kaya pumunta na kami sa kusina at masayang kumain.

**********

Pagkatapos nga namin kumain nila momshie at popshie lumabas na kami ng bahay ni popshie kase ihahatid pa nya ako sa school na bago kung eninrollan. malayolayo kase ang paaralan dito sa bahay namin kaya naman si popshie ang nagprisinta na ihatid ako kase nga angel daw nila ako,ngayun nga papasok na sana kami ni popshie sa tricycle pero bago yun nag prutista muna si momshie kase wala man lang daw paalam kaya lumapit ako sa kanya at hinalikan sa pisngi.

"wag kana po malungkot momshie staka papasok lang naman ako hindi po ako mag iibang bansa" sabi ko nakita ko naman itong lalong nalungkot

"eh kase naman baby mapapalayo ka kase ng kunti samin ng popshie mo,pano kung may mangyaring masama sayo? wala kami ng popshie mo doon" sabi naman nito ganyan talaga sila sakin nag aalala sila sakin baka daw kase mangyare na naman yung naulit dati na muntik na ako mawala sa kanila yun ang kinakatakot nila

Napabuntong hininga naman ako ng makitang umiiyak na naman sya kaya niyakap ko sya "kaya ko naman po ang sarili ko momshie at promise ko po na mag iingat po ako,staka nanjan naman po si god nakabantay sakin" hinaplos naman nito ang buhok ko saka ako binigyan ng halik sa nuo

"Oh sya basta mag iingat ka okay palagi kang tatawag samin,mag iingat ka baby" sabay pakawala sakin at nagpunas ng luha hyst si momshie talaga protective sakin nag iisa lang kase akong anak kaya ganyan sila sakin

"Oh mahal tama na yan malalate na ang angel natin" singit ni popshie

"bye na po momshie mag iingat ka din po, wag ka po magpapakapagod okay i love you momshie" sabay halik ulit sa pisngi ngumiti naman ito at ginawaran din ako ng halik sa pisngi

"okay po boss, i love you too baby" natawa naman ako sa sinabi nyang boss, bossy kase ako sa kanila ni popshie pag dating sa kalusugan nila naglakad na nga ako papunta kay popshie at sumakay na sa tricycle saka kumaway kay momshie na nasa labas pa

✔ My RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon