CHAPTER 10

58 2 0
                                    

Hannah's POV

"salamat hija,pag may nambully sa kanya sabihin mo sakin hija huh, ayaw kase namin mag asawa na may nanakit sa nag iisa naming anak" sabi naman ng momshie ni iris nawala naman ang ngiti ko dahil dun

"Ang totoo po nyan tita at tito si iris po sa school ay maraming nam---"

"namaraming kaibigan momshie at popshie" putol ni iris agaran naman ako tumingin sa kanya at nakita ko ang mata nya na parang nagmamakaawa na wag ko sabihin namaraming nambubully sa kanya i mean lahat pala

"Talaga ba? baby totoo ba hija" sabi naman ni tito na sobrang saya,napatingin ulit ako kay iris saka binalik ang tingin sa magulang nya

"naku opo tito, lahat nga po mababait kay iris"pag sisinungaling ko

"Wow sa sunod dalhin mo sila dito baby para makilala namin" tuwang sabi ni tita kita mo talaga sa mga mata nila ang tuwa at saya,pero bakit?

"Opo momshie at popshie" pagsisinungaling din nya bahagya pa itong napayuko

"oo nga pala hija ako pala si tita Elina mo at ito naman si tito Edwardo mo" masayang pakilala ni tita elina

"Ako naman po si hannah" nakangiti ko din pakilala

"Alam mo hija kauna unahan  kang dinala dito ng baby namin kaya masaya kami ngayon,wala pa kasi yan nadadala ditong kaklase or miski kaibigan,palagi nya kase sinasabi na busy yung mga kaibigan nya kaya natutuwa kami" sabi ni tita elina,kaya naman pala sobrang saya nila.

"oo nga hija alam mo ba sobrang bait na bata nyan,malambing,maalaga samin ng momshie nya,masipag sa pag-aaral at sa bahay,pagkakauwe nga nyan galing school sya na naghuhugas kahit pagod sa school,kaya ang swerte namin sa baby namin" sabi ni tito edwardo saka ngumiti,ngumiti na lang din ako kase wala akong maisip na sasabihin,hyst mahal na mahal talaga nila si iris,ganon din si iris sa magulang nya kaya nitong magsinungaling para kina tito at tita,tinuon ko na lang ang pagkain ko,tawanan at kwentuhan lang kami about kay iris at masasabi ko na sila ang masayang pamilya na nakilala ko kahit may isa sa kanila ang nagsisinungaling at nagpapanggap na ayus lang at yun ay si iris.

Natapos na nga kami kumain at nagpaalam na ako kase gabing gabi na din napasarap ang kain ko at kwentuhan sobrang nabusog din ako sa kakatawa

"tita,tito,iris aalis na po ako salamat sa pagkain,sobrang sarap po pwede pong umulit" sabi ko sa kanila natawa naman sila

"Nakung bata ka pweding pwedi kahit nga araw araw kapa dito kumain e, sya mag iingat ka sa pag dradrive" sabi ni tita

"Opo tita salamat po" sabi ko sabay halik sa pisngi ni tita nagulat naman ito pero kalaunan ngumiti din,pumunta na nga ako sa kotse at sumakay kumaway pa ako sa mga ito at umalis na.

pagkarating ko sa mansion sinalubong agad ako nila mom at dad na nag aalala,hinalikan ko naman sila sa pisngi na ikinagulat nila

"where have you been,han" sabi ni mom na hinaplos pa ang pisngi ko

"mommy hinatid ko lang po ang kaibigan ko"

"Sinong kaibigan si Magnus ba" sabi ni daddy umiling naman ako dito at ngumiti

"No daddy new friend ko po staka wag napo kayo mag alala kumain na din po ako pinakain po ako ng magulang nya at alam nyo daddy ang bait ng parents nya,para din nila akong anak kung ituring" masayang salaysay ko sa mga ito nagulat naman sila dahil ngayon lang ako naging madaldal ng ganito sa kanila,hindi kase ako pala imik sa parents ko

"parang gusto namin makilala yang new friend mo anak,kase ngayon ka lang namin nakita na ganyan kadaldal at kasaya" sabi ni daddy

"opo daddy,dadalhin ko sya dito para makilala nyo sya,good night na po,iloveyou" sabi ko at sabay halik sa pisngi nila nagulat naman sila hindi ko kase ugaling humalik sa pisngi at lalong hindi ako nag iiloveyou sa kanila,pero kalaunan ngumiti din sila ng sobrang laki

✔ My RevengeKde žijí příběhy. Začni objevovat