CHAPTER 12

51 3 0
                                    

Elina's POV

Nagdaan ang mga araw at byernes na ulit,Gabi na naman kami nakauwe ng asawa kung si edwardo, dahil kailangan namin magtrabaho dahil baon na baon na kami sa utang hindi namin sinasabi kay achiro dahil baka tumigil sya sa pag aaral yun ang ayaw namin mag asawang mangyare dahil bata pa lang pangarap nya na ang makapag tapos kaya kahit baon na baon na kami sa ut4ng sinisikap namin makaahon ulit para sa anak namin.

"mahal sasabihin ba natin kay achiro na baon na tayo sa utang"tanong ko

"mahal wag baka isipin nya na pabigat lang sya sa atin, wag ka mag alala mahal may awa ang diyos" sabi nito sakin at niyakap ako andito kami sa  kusina nag uusap sa problema namin,tumayo ako at pumunta sa kwarto ng anak namin binuksan ko ang pinutan nya at pumasok,ramdam ko na sumunod din si edwardo umupo ako sa gilid ng kama at hinaplos ang pisngi ng anak namin

"sorry baby kung hindi ka na namin na sasabayan kumain" sabi ko habang umiiyak "kilangan lang kase ng momshie at popshie mo magtrabaho para sa pag aaral mo,sorry baby kung hindi namin kayang ibigay ang mga mamahaling bagay sayo" hagulhol ko na kaya lumapit sakin si edwardo at niyakap ako.

"Tahan na mahal gagawan natin ng paraan ang mga problema natin,wag lang malaman ni achiro na baon na baon na tayo sa utang,kaya natin ito mahal makakaraos din tayo" sabi ni edwardo habang umiiyak na din "tara na sa kwarto natin mahal at baka magising ang baby natin at makita niya na umiiyak tayo" sabi pa nito at inalalayan ako tumayo inayos na muna nya ang kumot ng anak namin at lumabas na kami sa kwarto nya at pumunta sa kwarto namin.

Achiro's POV

Hindi ko na napigilan imulat ang mga mata ko at tumulo ang mga luha ko,sa tuwing ramdam ko yung pagod sa sarili ko't sa lahat ng mga bagay, ay dali dali kung kinakausap ang mga ito dahil sila ang nagsisilbi at nag iisang pahinga ko.pero di ko alam na may malaki pala kaming problema pero hindi nila sinasabi dahil mahal na mahal nila ako at ayaw nila akong mamroblema,umiyak lang ako ng umiyak magdamag hanggang sa nakatulugan ko na ang pag iyak ko.

Kinaumagahan maaga ako nagising dahil buo na ang desisyon ko maghahanap ako ng trabaho sabado naman at para na din makatulong kina momshie at popshie alam kung pagagalitan nila ako kaya kilangan ko itong ilihim sa kanila,naligo na ako at ginawa ang routine ko at bumaba wala na sina momshie at popshie dahil alam ko nagtratrabaho sila pumunta muna ako sa kusina at nakita ko ulit ang mga nakataklob na pagkain,kahit busy sila sa paghahanap buhay di parin nila nakakalimutang ipagluto ako,kaya minadali ko na ang pagkain at lumabas na ng bahay,una kung pinuntahan ang mga restaurants pero di ako tinatanggap dahil m!n0r pa ako kaya sa iba ako naghanap pero wala talaga ako makita hanggang sa gabihin na ako sa pag uwe.

"baby san ka nag punta?"alalang salubong ni moshie sakin

"Ahhh ehhh momshie"utal utal kung sabi anong sasabihin ko hyst

"ano baby wag kang mag sisinungaling samin ng popshie mo" sabi pa nito

"sa ka-ka-kla-ase  ko po momshie nag gawa po kase kami ng project di po ako nakapag paalam dahil umalis kayo ng maaga,at wala din po akong load na"pag sisinungaling ko

"Hyst pasensya kana baby kung busy kami ni popshie mo,sorry din baby di muna tayo makakapag simba bukas pangako babawi kami,kumain kana ba?" tanong ni momshi

"Ayus lang po,Opo momshie pinakain na po nila ako"kahit ang totoo wala pa akong kain "cge po momshie ako na po ang maghuhugas ng plato matulog na po kayo" tat4nggi pa sana sila pero wala ng nagawa dahil nagpumilit na ako "good night momshie at popshie" sabi ko sabay halik sa pisngi nila

"Good night baby" sabi ng mga ito at hin4likan ako sa nuo bago umakyat, naghugas na ako at pagkatapos ko umakyat na rin ako sa kwarto ko at nagpalit na muna,bukas ko na lang ipagpapatuloy ang paghahanap ng trabaho sabi ko sa isip at humiga na sa kama at natulog na.

✔ My RevengeWhere stories live. Discover now