CHAPTER 16

45 3 0
                                    

Achiro's POV

ilang araw ang nag daan at hindi pa din sila tumitigil,lalong tumatagal lalong lumalala ang pambubully nila sakin halos araw araw uuwe akong puro pasa,to the point na ang hirap na mag pretend na ayos lang sayo yung mga ginagawa nila pero deep inside sobrang sakit na like mapapatanong ka sa sarili mo kung iniisip ba nila yung mararamdaman mo pag ginawa nila sayo yung ganong bagay.

At minsan nakikita mo yung magulang mo umiiyak dahil sa sitwasyon niyo,ang hirap-hirap ng maging mahirap.

ito ako ngayon nasa labas ng bahay namin inaayos ang sarili at tinatago ang mga pasa,sa muka,balikat sabuong katawan dahil sa pambubugbog sakin ng mga estudyante na inutosan ni walter dahil nabuhusan ko na naman si sky,palagi ba nilang mali ko ang nakikita,kahit ang totoo naman si sky ang lumalapit sakin at magpapanggap na inaapi ko.

Papasok na sana ako sa loob ng marinig ko ang pag uusap nila popshie at momshie na nagpaguho ng mund0 ko.

"Mahal kilan natin balak sabihin sa kanya na hindi talaga natin sya anak,ayuko na magsinungaling sa anak natin,malalaman at malalaman din nya ito" sabi ni momshie habang umiiyak na naman, ganito palagi sila pag nadadatnan ko sa bahay maririnig ko silang umiiyak,kahit gabi naririnig ko ang pag hagulhol nila at palaging ako ang iniisip nila,lagi lang ako nandito sa labas iintayin sila matapos sa pinag uusapan at mag papanggap na walang narinig at nakikita

"Mahal kung maaari wag muna,marami pa tayong problema,ayusin muna natin bago natin ipagtapat sa kanya" sabi ni popshie hindi na sila umimik kaya nagkunware akong tinawag sila nakita ko silang n4gmadaling punasan ang luha.

"Momshie,Popshie andito na po ako may dala po akong pasalubong tara na po kakain" aya ko na sa mga ito sa kusina

"anak napapagabi ka ata ng uwe"tanong ni popshie

"sorry po popshie niyayaya po kase ako palagi ni hannah sa kanila" pagsisinungaling ko kahit ang totoo minsan lang kami pumunta sa bahay nina hannah.

"Ganon ba oh sya wag ka masyadong magpapagabi,lagi kang magpapahatid oky"sabi ni momshie

"Opo momshie"at ngumiti pinagpatuloy na namin ang pag kain wala ng imikan na tulad ng dati,wala ng tawanan tulad ng dati,wala ng kulitan na tulad ng dati lahat nag laho na,nag paalam na ako sa mga ito at pumasok sa kwarto humiga ako sa kama sinobsob ang muka sa unan Dear God, I am not asking to make my easier, but please give me the strength and courage to face all my struggles. dasal ko at humagulhol ng iyak hanggang sa nakatulog na ako dahil sa pag iyak.

Another day,another pain palaging ganito pag gising ko.

bumangon na ako sa kama at naligo ginawa ko na ang routine ko at pumasok na sa school,ng makapasok ako sa room pumatak sa akin ang isang timba na may lamang putik,nagtawanan ang mga ito nilibot ko ang mata ko at nakita ko sina walter,sky at barkada nya na nagpipigil tumawa.hindi ko na napigilan mapaluha at tumakbo dahil sa hiya,pumasok ako sa cr at umiyak ng umiyak hanggang sa kumalma na ako at nagpalit tinanggal ko muna lahat ng make up ko at jacket na puro putik na, pagkatapos ko maglinis lumabas na ako.

Adrian's/Fake sky POV

tumakbo si nerd kaya sinundan ko ito pinigilan ako ni walter pero sabi ko ayus lang,hinabol ko ito hanggang pumasok ito sa cr umiyak lang sya ng umiyak,hindi nya napansin ang pagbukas ko nito hanggang sa tumayo na ito at humarap sa salamin at inalis lahat ng make up,wig,at jacket nito.napatakip ako ng bibig sa natuklasan ko kung ganon sya.sya.ang tunay na sky.bago pa nya ako makita umalis na ako at bumalik sa room.

"anyare sayo namumula ka,may ginawa ba sayo ang nerd na yon?" tanong ni walter umiling lang ako at di na ito pinansin,kilangan kung gumawa ng paraan para mabura ang totoong sky na yon.

✔ My RevengeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora