Fair Rents

1 0 0
                                    


Dumilat tayong kamay nila ang araw
Sa ngiti nilang mundo ang natanaw
Kumulit ng ilang buwan, sigla'y nangingibabaw
Pagod ng mga mata ngunit sa laro di umaayaw

Andyan ang pagdisiplina ni tatay
Sa mga bawal pang matutunan
Pag alala naman ang nagiging gabay
Ni nanay na palagi kang sesermonan

Diumano, sa pagpatak ng pawis tayo'y nahirapan
Sa lasing di makalakad, di makakilala
Subalit nakaabang na ang kapeng hinaluan
Sa magulang na palaging nakakaalala

Mapait man minsan ang buhay
Ngunit sa pangarap tayo ay mapalagay
Iwaksi ang masamang alaala at huminay hinay
Sa pagtapos na tayong maghintay

Tumanda na sila at nakakalimot
Huwag natin pabayaan sila'y malungkot
Dahil sa di maiwasang mga perwisyo,
Ibalik sa kanila ang alagang bumalot sating pagkatao.

Dec. 20, 2019
12:41 am

Fair RentsWhere stories live. Discover now