CHAPTER 25

65 3 0
                                    

Takahashi's POV

Kauuwi ko lang sa penthouse na pinagawa nina papa at dada pagkapasok ko pa lang sinalubong na agad ako ng mga nag aalala kung kaibigan

"san ka ba ng galing asahi kanina pa kami nag aantay sa school kung hindi pa kami sinundo ng mga bodyguard, baka gabi parin kami nandon sobrang pag aalala namin sayo"paiyak ng sabi ni yagi sakin niyakap ko naman ito at hinalikan sa nuo para ko na itong bunsong kapatid kaya close na close kami nito

"ayus lang ako isa pa nasundan ata ako ng mga grupo na nagkakainterest sakin kaya pinahuli ko sa mga pulis para hindi din nila kayo masaktan"paliwanag ko sa mga ito pero ang totoo pínátáy ko na síla

"hyst ano kaba kaya namin ang sarili namin wag kami ang palagi mong inaalala,isipin mo din ang kaligtasan mo" sabi naman ni yuri

"tsk alam nyo naman na kahit anong sabi nyo sakin lalabas lang ito sa kabila kong ténga,isa pa pag may ng yare na masama sa inyong lima pápátáyin ko lahat ng tao,alam nyo naman kung gano ko kay---"naputol ang sasabihin ko ng magsalita sila

"KA MAHAL" sabay sabay nilang sabi napailing na lang ako sa kanila

"staka isa pa alam naman namin na hindi mo kayang pumátáy kilala ka namin kahit magaling ka sa martial art at kahit malamig kang makitungo sa iba at nambubugbóg hindi ka ganon kasamá para kumítíl ng buháy"sabi ni noah na nagpatahimik sakin sorry guys pero yun ang akala nyo hindi ako yung santo na kilala nyo ng husto dahil anak ako ni sátán4s

"kumain na ba kayo?"pang iiba ko na ng usapan para manáhímík sila sa pagtatanong

"oo pero kakain ulit kami para naman may kasabay ka, alam naman namin na hindi ka sanay mag isa kumain tara na" aya nila sakin napangiti naman ako sa mga ito,pumunta na kami sa malaking kusina at pinagsilbihan kami ng mga katulong,uupo na sana ako ng makita ko ang mga maid namin na nasa gilid

"nasan si manang ren?" tanong ko sa mga maid

"young master nasa kwarto po nililinis ang tutulugan ninyo"sabi ng isa sa mga maid namin

"pababain muna si manang ren sabihin mo sumabay na kayo samin malaki naman ang lamesa" sabi ko sa mga ito,tumalima naman ito at dali dali na umakyat sa taas para tawagin si manang ren,ilang minuto lang pumasok na ang maid kasama si manang ren,lumapit ako dito at niyakap siya nagulat naman ang mga kasambahay ang alam kase nila nakakatakot ako pero no sa mga bully at kalaban ko lang ako masama

"manang ren na miss ko po kayo" paglalambing ko dito siya si manang ren ang nag alaga din sakin sa japan isa syang pinay at mabait kaya naging close ko din ito napamahal na din ako kay manang, ilang buwan ko din siya hindi nakita dahil nandito siya sa penthouse siya muna ang pinabantay nina papa at dada dito kaya naman ganto ako maglambing sa kanya

"nakung bata ka namiss din kita sobrang gwapo muna ah pero teka nag kulay ka ba ng buhok mo?" sabi ni manang at hinawakan ang buhok ko

"hindi po spray lang po yan staka alam nyo naman po na kahit anong kulay ko sa buhok ko bumabalik lang sa pink" sabi ko sa kanya "sabay na po kayo samin kumain manang please" pagmamakaawa ko habang yakap ito

"sige na nga alam mo naman na hindi ako nakakahindi sa alaga ko"sabi nito na kinangiti ko ng malaki inaya ko na siya sa lamesa at kumain na kami kasama ang mga maid mabait naman ako kung mabait sila sakin pero kung démónyó sila mas démónyó ako kung magalit

Pagkatapos namin kumain nagpaalam na ako sa kanila,umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto hmmm sinuri ko na muna ang kwarto ko saka kinuha ang cellphone para tawagan sina papa at dada

"hello papa,dada"

"Sweetie kamusta kayo diyan? Ikaw kamusta ka? Ayus ka lang ba? kumain kana ba? may kasabay kaba kumain? Kamusta ang first day of school?" sunod sunod na tanong ni dada natawa naman ako dito

✔ My RevengeWhere stories live. Discover now