Part 16: Our Gaze

51 5 0
                                    

"Kendra!" Hinuli ni Kendrick ang kamay ko at hinarap sa kanya.

Irita ko siyang tinapunan ng tingin. "Ano ba?!" I exclaimed.

"Puwede ba tayong mag-usap?" Puno ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata.

Huminga ako ng malalim, "busy ako e."

"Kahit sandali lang?" tanong niya.

"Follow me." Naglakad ako patungo sa isang bench sa ilalim ng puno ng ground namin sa school.

"N-nong nakaraang araw, hinanap mo raw ako? Sorry."

Nagkibit balikat lang ako. "Wala 'yon."

"Galit ka ba sa 'kin?"

"Baka ikaw ang galit sa 'kin, 'di mo nga ako sinipot sa library 'di ba?"

"'Yon na nga e, paano kita sisiputin kung late nang nasabi ni Kenzo sa 'kin."

"Ayos lang, masaya naman siguro kasama 'yong muse n'yo."

Kinagat niya ang ibabang labi at ngumisi, "nagseselos ka ba?"

"What the fvck? Why would I?"

"Sorry na, nagtatampo lang talaga ako sa 'yo kasi akala ko…" Itinikom niya ang kan'yang bibig at nagsalita ulit, "huwag na nga lang."

"Sabihin mo na or else aalis na ako at hindi na kita kakausapin—"

"Kendra naman." Ngumuso siya kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Huwag oa, Kendrick ah. Sabihin mo, bilis."

"N-nagtatampo lang naman ako kasi nakita raw ng kaklase ko na naka-piggyback ride ka raw kay kuya Isaiah no'ng Intrams tapos hinatid ka pa sa classroom n'yo. No'ng kahapon din na pupuntahan na sana kita sa library pero nakita kong kasama mo si kuya Isaiah."

Mapait siyang ngumiti, "alam ko naman kasi Kendra na gustong-gusto mo siya, simula pa no'ng grade 7 ka pa 'di ba? Kaya napaisip ako na ayaw mo sa 'kin dahil mas masayang kasama si kuya Isaiah. Lumalayo ako kasi sa tuwing gusto kitang lapitan, siya ang palagi mong tanaw. Mukhang ayos ka naman kahit wala ako, Kendra Wella."

Nag-iwas ako ng tingin. Feel ko ambigat ng hangin ngayon dahil sa mga sinabi niya.

"Kendrick…"

"Pero kahit anong pag-iwas ang gawin ko, sa 'yo pa rin ako uuwi. Hindi ko kasi kaya na iwasan ka kaya sana magkabati na tayo."

"Of course." I smiled, "I'm sorry, Kendrick. Yes I like Isaiah but I know I don't have a chance with him. He's too far to reach, Kendrick." Umiling ako at pilit na ngumiti, "I like him at hanggang doon lang 'yon. He can't and will never like me back."

"Ako na lang kasi," pasimple niyang bulong.

"Akala mo ba'y wala rin akong tampo sa 'yo? Baka nakalilimutan mo ang ginawa mo no'ng Intramurals."

Napakamot siya sa ulo niya, "ohh—about that? I'm sorry please?"

I rolled my eyes. Nagpatalo siya sa 'kin, nagmukha tuloyng daya ang laro. Nakakainis pa rin isipin.

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon