Kabanata 5

330 32 17
                                    

KABANATA 5

ㅤㅤㅤWHAT’S THE worst thing Aaron could say if not ‘no’?—simula nang sabihin iyan ni Easton kay Wade, hindi na niya naiwaglit ang katanungang iyan sa isipan.

It’s no secret that Aaron disliked him. He always made sure that Easton knew his place. Aaron wasn’t one to sugarcoat things when it comes to Easton. Although he was sometimes considerate, that wasn’t always the case.

So… what could be the worst thing he could say to reject Easton?

Inayos niya ang pagkakahalumbaba nang sa ganoo’y mas makita nang maayos ang mukha ni Aaron habang mabilis itong nagti-take down ng notes. Bumaba rin ang mga mata niya sa pinagsusulatan nitong photocopy ng lesson dahil doon nito inilalagay ang keypoints ng lesson nito.

Easton pressed his lips together in amazement and his eyes sparkled when he saw how neat Aaron’s writing was. In simpler terms, people would describe his handwriting as ‘sulat ng babae’.

“Titig na titig ka sa akin. You’re distracting.”

Ah. Natigilan si Easton noong biglang marinig ang pagbulong ni Aaron. Nang muli siyang mag-angat ng tingin para tignan ang binata, natagpuan niya itong seryosong nakatingin sa kanya… at mayroong kung anong emosyon ang nasa mga mata nito pero hindi mabasa ni Easton.

“Sorry, I forgot that you’re in the middle of class,” he replied.

Napaayos siya ng upo at mabilis na pinasadahan ng tingin ang professor ni Aaron na noo’y pinapag-recite iyong nasa second row.

Bumuntong hininga si Aaron at naghalumbaba. “Patapos naman na, but you’ve been staring at me for ten minutes now. Why were you watching me intently, anyway? Hindi tuloy ako makapag-recite nang maayos.”

“Sinisi mo pa talaga ako?” Mahina siyang natawa. “It was just amusing to watch you during class, honestly. Like, aware akong matalino ka and all dahil madalas tayong i-pair sa interhigh quizbees noong high school tayo pero iba pala kapag nakikita na kitang mag-aral in flesh.”

“Small things. Ang liit-liit na bagay, bilib na bilib ka.”

Imbes na sumagot ay nginitian na lamang ni Easton ang binata. He tilted his head a bit to make himself look cuter but Aaron seemed unfazed. Nag-iwas lamang ng tingin si Aaron at nag-recite noong may itanong sa subject nito.

Anyway, perhaps he was really distracting because Aaron kept on glancing at him during his recitation. Nakasimangot ito at tila ba wary sumagot dahil baka hinuhusgahan niya. Not that he knew anything about teaching, so he couldn’t really do that. Plus, Easton knew that Aaron won’t let him see the side of him that fails. Mataas ang pride niyan, e.

“Alam niyo… Napansin ko talagang ganado sumagot si Gonzales sa lesson natin ngayon.”

Easton’s lips slightly pursed when he heard that odd comment from Aaron’s professor. It can’t be helped, with a comment like that, of course it would pique his attention.

Noong tignan ni Easton ang mga kaklase ni Aaron, napansin niya na halos sa mga ito e nakatingin sa kanya o hindi kaya e pasimple na nagnanakaw ng tingin para makita siya.

Of course, he felt uncomfortable. Napatuwid tuloy siya ng upo.

“Iba talaga ‘pag nakiki-sit in iyong inspirasyon, ano?” biro ng professor ni Aaron habang tinatapunan ang binata ng nanunudyong mga tingin.

Aaron let out an ‘urk’ sound before he heaved a sigh. “Ma’am, ‘wag mong ginaganyan baka lumaki ang ulo.”

Huh?

Won't Say I'm In Love (BxB, SHORT STORY/COMPLETED)Where stories live. Discover now