Uno

977 25 1
                                    

Sarah's POV

•••***•••

" tan'g na naman itong shift ko! Gusto ata ako na sumunod na pasyente!"

" hoy Sarah, yung bibig mo talaga!! Marinig ka ng nakakataas , baka ibigay sayo yang kahilingan mo sige ka.. "

"EIvan, sinong nakakataas ba yang sinasabi mo!?? Ang head nurse or si San Pedro?"

" mamili ka na lang sa dalawa" sagot nito sa akin na pairap! Ito kasama ko sa nurse station ngayon, parehong single, at parehong walang choice kungdi ang sumunod sa binibigay na schedule!!

Paano naman kasi, pareho din kaming bago. Hindi bagong nurse, kungdi bagong hired dito sa isang pribadong ospital!

Same city din kami nitong kaibigan kong matalik. At kaya kami andito sa bagong ospital, dahil pareho kaming na-scam dun sa agency na nangako sa amin ng trabaho sa UK!! Pucha naman, anlaki din nang nakulimbat nilang salapi sa amin!!

Kaya eto kami, back to zero!

" Poks.. " tawag nito sa akin. Poks ang tawagan namin, dahil plinano namin maging pokpok pareho nung nalaman naming scam yung agency na inapplayan namin!!

" ano??"

" kape gusto mo?"

" gusto mo ba akong gising na lang??? Naka tatlo na ako this day, pok!!"

" ay natanong ko lang naman. Alam mo naman na yung sadya ko talaga ay yung clinic ni Doc Pedro.. "

" sino si Doc Pedro??!! Walang doctor da hospital na to na ang pangalan or apelyido ay pedro!! "

" Si Doc Pedro Penduko!!! Ayyyyy kita mo yung bagong profile pic nya sa IG?? Nag aarnis Pok!! Ang sarap ng maskels Pok! Maglalaway ka talaga!!!"

" sino nga kasi ??!! "

" si -

" Wala kayong ginagawang dalawa?" Dala na din siguro ng sobrang caffeine sa katawan ko, halos mapatalon ako sa sobrang gulat!!!

" d-doc.. " pareho kaming tinakasan ng tapang at kakapalan ng mukha nitong beshiewaps ko!!!

" Geronimo , samahan mo ko. Kesa nagchichismissn kayo dyan " sabi nito sabay bigay sa akin ng hawak nitong clipboard!

Huminga akong malalim saka sumunod sa sinabi nito. Habang binabagtas namin ang kahabaan ng hallway, di ko maiwasang di magreklamo dito!

" Dapat kaya nakauwi na ko, dahil kanina pang alas 3 natapos shift ko, pero pinag extend muna ako, dahil kulang po tayo sa nurses!! Tsaka Doc Matteo naman , di pa ho ako nakakapag retouch!!! And haggard ko na-

" Nurse ka, hindi artista. . Na kailangan ay mukhang fresh palagi. Bilisan mo lakad at mamaya ka nang magreklamo dyan!!"

" tsss.. libre mo kami ni Pok , mamaya ng late dinner ah.. "

" wow ha, may budget kayong iniwan sa akin?!"

" ang kuripot mo. "

" nag iipon ako para sa future. . Wag ka na nga madaming satsat, samahan mo na ako mag rounds.."

" aminin mo na kasi na gusto mo ako katabi palagi. Pasensya na at traditional ako, di ako pwedeng ligawan sa workplace, sa bahay lang ako pwede ligawan-

" hahaha!! Naka drugs ka ba??"

" gagi , di man lang ito sumakay sa trip ko sa buhay!!!"

CuoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon