5

1 0 0
                                    

"Kayo na?!"




Narito kami ngayon sa cafeteria ng school. I didn't know how to tell them about me and my... boyfriend. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag may tinatawag kang 'boyfriend'. Agad kong tinakpan ang bibig ni Niña. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon nila kaya hindi ako handa.




"Alam na ba 'to ni Miss Maggie?" Bulong sa akin ni Therese. "Gaga ka, masama magsinungaling!"




"Grabe naman kayo," Angal naman ni Krizia. "Hindi naman ganu'n kasama kung worth it naman para sa true love."




"True love my ass," Sabi naman ni Niña. "We need to meet that guy."




"Nasabi mo na ba sa mga bestest friend mo?" Tanong ulit ni Therese.




"Sasabihin ko palang," Kinakabahan kong sagot. "Sa tingin n'yo ba... magagalit sila?"




"Katulad namin... magugulat, syempre," Seryosong sagot ni Niña. "Pero hindi naman sa galit. Gusto lang talaga namin na makilala. Para you know, alam namin kung sino ang pinagtatanggol namin sa parents mo."




"I'll tell him about it. Sa ngayon, kailangan ko na umalis," Niligpit ko kaagad ang mga gamit ko. "I have a date."




"Ingat!" Sigaw ni Krizia nang maglakad ako paalis.




"Iba talaga pag inlove!" Rinig kong sigaw ni Niña.




"Uwi ng maaga!" Bilin naman ni Therese.




Pagkalabas ko ng campus, nandun na si Orpheus, naghihintay sa akin. Agad naman akong lumapit para magpakita.




"Sorry, I'm late," I smiled. "Saan tayo?"




"Movie date," He smiled at me.




"Huh? Manonood tayo ng sine?" Tanong ko. "Wala akong pera."




"Hindi," Tumawa siya. "Nag download ako ng mga movies sa flashdrive. Sa apartment namin tayo manonood."




Two weeks na pala kami, parang kahapon lang nung sinagot ko siya. Next next week, birthday ko na. Ang bilis ng panahon. Bago kami dumiretso sa apartment niya, bumili muna kami ng makakain habang nanonood. Nag bawas nalang ako sa credit card ko because we needed to buy fries, donuts and pizza. Wala daw siyang budget kaya sinagot ko nalang muna.




"Kayo lang dalawa ni Khate rito?"





The moment we arrived at his apartment, I unconsciously looked around. Ang laki nito para sa dalawang tao.





"Wala si Khate dito ngayon. May pasok pa," He said, putting his bag in his bedroom. "Ano'ng gusto mong panoorin muna? May horror d'yan, romance, comedy at drama."




"Horror nalang," Umupo ako sa couch nila at nilapag ang backpack sa side. "Can I study while watching? May summative kasi kami tomorrow."




"Oo naman, ano ka ba," Abala siya sa kusina, nililipat sa mga containers ang foods na binili namin. "Goodluck sa test, mahal!"




Mahal... Hindi pa rin ako sanay sa ganito. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong 'Mahal' at hindi rin ako sanay na may tinatawag na 'boyfriend'. Pero kailangan kong masanay kasi baka magalit siya na hindi pa rin ako komportable sa relasyon namin.




It was one of those cold afternoons that's why we decided to spend quality time together, just the two of us, watching movies in his apartment. The setup was perfect – a warm, dimly lit room, with snacks ready, and a comfortable couch to snuggle up on.




You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Tangled in TormentWhere stories live. Discover now