Part 19: Relationship

62 5 0
                                    


"Hatid na kita, Kendra," ani Kendrick habang tinutulungan ako sa mga gamit ko. May ginawa kasi kaming project sa Arts.

Ngumiti ako at tiningnan siya sa mga mata, "thank you. Hindi ka ba busy? Puwede namang magpasundo ako sa driver namin…"

"Let me. Hindi naman ako busy, may gagawin kaming research paper pero hindi pa naman nag-text ang leader namin kaya maihahatid pa kita." Inakbayan niya ako at at hinalikan sa buhok.

Pinilupot ko ang braso sa beywang niya at nag-angat ng tingin. "Alright," tugon ko at akmang kukunin na sana ang bag nang maunahan ako ni Kendrick.

"Ako na," saad niya at kumindat.

Ngumisi lang ako at hinayaan siya. Princess treatment, here we go!

Kahit nga pagbukas ng pinto ay hindi ko magawa kapag kasama siya. He's gentle man as always.

"Hindi ka ba nagsasawa?" tanong ko habang inaayos niya ang seatbelt ko. Siya ang mag-d-drive ngayon dahil pinayagan siya ng daddy niya. Malapit na rin namang mag-legal age si Kendrick.

"Magsawa saan?" kunot-noo niyang tanong. "Naku, madam ha, 'wag kang ano." Ngumisi siya.

Tumawa ako, "oa! Nagtanong lang naman," hampas ko sa braso niya.

Ngumuso siya, "bakit naman?" tanong niya habang nakatitig sa 'kin.

"I mean, 'di ba nakakasawang manligaw? You're courting me for almost five months. Hindi ka ba napapagod na hintayin ang YES  ko?"

Lumapit siya sa 'kin at inayos ang buhok ko. "Bakit naman ako magsasawa? Kendra, Ikaw na 'yan, e kaya bakit ako magsasawa?"

May kung anong kiliti akong naramdaman sa tiyan. I hope this butterflies will last long.

"Kendrick..."

"Hihintayin kita, kahit gaano katagal. Handa akong maghintay dahil ikaw na 'yan e, mahal na mahal lang naman kita kahit gaano ka ka-maldita. Sobrang saya ko nga na paglingkuran ka. Princess treatment na trend ngayon? Nah, I will treat you like a queen, baby."

Nag-iwas ako ng tingin dahil sobrang init ng mga pisngi ko. Tila kamatis na ako ngayon sa sobrang pula. Hindi naman siguro ako kinikilig 'di ba?!

Hinawakan niya ang baba ko at hinarap sa kanya. He smiled and licked his lower lips. "Stop overthinking. Si Kendrick ay hindi magsasawa. Si Kendrick ay handang maghintay so take your time." Ngumiti siya at umayos ng upo bago pinaandar ang kotse.

Tumingin ako sa labas nang magsimula na itong gumalaw. Ihahatid niya ako ngayon sa bahay, as always naman.

Kinalabit ko si Kendrick at suminyas na magpa-music kami na kaagad niya namang sinunod.

We listened to Taylor Swift's song while heading to our house.

WE ARE eating ice cream while watching the sun setting.

"Kalat mong kumain, Kendra."

Ngumuso ako at nanghingi ng tissue sa kaniya.

"Wala akong dala," sagot niya kaya pabiro akong umirap.

"Halikan mo na lang 'gaya ng napapanood ko sa kdrama na hahalikan ni ML si FL kapag may kalat sa labi nito…" Mahinang pinitik ni Kendrick ang noo ko.

"Kaka-kdrama mo 'yan," aniya kaya tumawa ako.

Tiningnan ko ang mga mata niya at ngumiti. "Uwi na tayo, love…"

Natigilan siya at nilingon ako. "Kendra?"

"Uwi na?" mahina kong tanong.

He chuckled, "yes? Pero narinig kong tinawag mo akong love…"

Fallin' Lavender [Published Under 8Letters]Where stories live. Discover now