Not ideal, but essential.

27 1 0
                                    

Originally posted 2022-05-10 18:42:42: https://privatter.net/p/8824059

_______

TAMBAKAN NG CRUMBS NG MGA NAKARAANG ARAW. Plus siyempre hindi totoo, kasi duh.

Medyo emotional, medyo fluff.

_______

"Pangga."

"-Ga? Bakit nandito ka?"

Nairita si Leonor nang marinig niyang bumukas ang pinto nang walang kumakatok, di ba't bilin niya sa Tres Marias na kailangan lang niya ng ilang oras para mapag-isa? Pero gulat na gulat siya nung pumasok si Theresia. Kailan pa siya bumiyahe?

Nasa Naga pa rin si Leonor, sa makalawa pa siya luluwas pa-Maynila para pasalamatan ang mga volunteers nila. Kakagaling lang niya sa misa na dinaluhan niya, mag-isa sa kwarto, at kanina pa nagpipigil ng luha. Kung ano yung saya ng kampanya dahil sa mga masasayang rallies, yun yung lungkot na nararamdaman niya ngayon. Sinusubukan niyang maging matatag, kasi yun yung kailangan, pero sa loob niya basag na basag na siya kasi pakiramdam niya binigo niya bawat botante na sumugal para sa kanya, ang lahat ng mga taong nakilala sa mga rally, at mga regalo na natanggap niya. Ang iniisip ni Leonor ngayon, tinext niya kay Theresia bago ng presscon ng alas-dos kaninang umaga: "Pangga, deserve ko ba talaga lahat ng ito? Binigo ko sila pero hindi sila sumusuko?"

Buong gabi kagabi, hiniling ni Leonor na mayakap si Theresia. Oo, hindi pa rin malinaw hanggang ngayon kung ano ang meron sa kanila, pero may mga araw na si Theresia lang talaga ang nakakapagkalma sa kanya. Isang yakap lang, gagaan na pakiramdam niya. Ngunit mas delikado ngayon. Makakahintay naman siguro yung yakap.

"Di mo na sinagot mga messages ko nung nagpa-presscon ka kagabi Ga, so nagworry na ako. I had to make sure you were holding up okay." Sambit ni Theresia.

Dun na nagsimulang humagulgol si Leonor habang niyayakap si Theresia nang mahigpit. Dapat nagcecelebrate si Theresia kasi kung tama ang bilangan, siya lang ang mananalo sa Tropa, pero pinili pa rin na puntahan siya.

"I don't deserve this, Sa. You should be celebrating your win! You should be keeping yourself safe at baka mamaya targetin ka nila kapag nalaman nila na pinuntahan mo pa ako di-"

"Mas kailangan mo ako ngayon, Lens. Aanhin ko ang pagcelebrate kung hindi ikaw ang presidente k-, I mean namin? Tsaka ano naman kung targetin nila ako? Naipakulong na nila ako dati. Nakita ko na kung paano ka nila sinira. Sa lahat ng ito, ikaw pa rin ang inspirasyon ko kung sisirain nila ako. Kung kinakaya mo lahat yun pangga, kakayanin ko rin. Mas kakayanin ko kasi alam ko hindi mo ako iiwanan."

"Never, Pangga. Nandito lang ako, at susuportahan kita palagi. Hindi ko lang alam ngayon kung paano, pero I will always be on your side. Kababaihan para sa kababaihan nga, di ba?"

Binitawan ni Theresia si Leonor sa pagkakayakap, pero hinawakan niya ang mga balikat nito at hinarap sa kanya. "Huy, nakuha mo pang mag-joke? Parang kanina lang humahagulgol ka pa ah! Sa bagay, mas nagworry ka pa nga na makikita tsinelas mo kagabi," sabay hampas sa braso.

"Aray naman Sa! Siyempre, natupad ko na nga yung pagiging beauty queen ko sa mga rallies ko di ba? Nakakahiya naman na mukha na akong dugyot kasi lang talo tayo. Dapat freshident pa rin! At least yun kaya kong panindigan."

"Ay, sana all pinaninindigan."

"...Sa?"

"Hindi, wala yun," sabay layo ni Theresia, habang nakatalikod kay Leonor.

"Pangga, nadinig ko yun ha. Wag mo ako talikuran."

"Pero kasi-"

"I was actually ready to say yes to being your girlfriend if I won this election, Pangga."

Nagulat si Theresia at napaharap muli kay Leonor. Nagpakalasing si Theresia pagkatapos nung isang sortie nun, at umamin siya kay Leonor, pero hindi nila pinagusapan pagkatapos so akala niya nakalimutan na niya.

"I was ready na after ko trabahuhin yung bills on transparency and accountability, isusunod natin ang anti-discrimination. Tsaka yung pagdedebate natin about divorce sa umaga, pero sa gabi lalambingin kita na parang hindi tayo dalawang pulitiko na may pasan ng bansang 'to. Baka nga kahit yung lambingan, may gigil pa rin galing sa mga debate natin sa trabaho eh. I was hoping we would be each other's sanity in a world full of anger and hate. I was so ready. Pero masyado akong naging complacent na mananalo ako. Ang worry ko, if I say yes, baka gamitin nila ako para sirain ka lalo. Okay nang ako na lang, Sa. Ayokong sirain ka nila dahil sa 'kin."

"Pero choice ko rin naman yun, di ba? Ano naman kung gamitin ka nila laban sa 'kin? Masira na kung masira, but I will never be ashamed of you, in private or in public. As long as alam natin yung totoo, why do they matter?"

"Yan din sinabi ko nung nagsimula sila sa paninira sa 'kin years ago, and look where we are now!"

"Pero we know better, Lens! Noon bago pa 'to mga fake news, hindi naman natin inakala na magtatagal at gagawing strategy. Pero alam na natin ngayon kung paano lalabanan. Trust me. Trust us."

"Gusto kong maging selfish at maging girlfriend mo, Theresia. Gustong-gusto. Pero-"

"And you deserve to be selfish sometimes! Ang dami mo nang ginawa para sa bayan Leonor, hindi naman mali na piliin ang sarili minsan."

"Pero kinakabahan ak-"

"O, ano nang nangyari sa 'hindi ako natatakot, hindi ako kinakabahan'? Tsaka huy ah, paalala ko lang sa 'yo, kay R--- H---------, walang nerbyos!"

"Hay nako ka talaga, wag kaya kitang sagutin dyan! Kasama ba yung mga hirit mo sa pagiging girlfriend mo?"

"Aba, siyempre! Pati yung kakantahan kita kailan mo gusto. Pati yung mga yakap na mahigpit na ganito."

"Meron din bang mga halik na masasarap?"

"Depende, siguro kung magtatanong ka ulit habang naka-live kung may lipstick ka pa. Baka binura ko, ganun!"

"Nako, wag mo ako sanayin. Kapag di mo nabura, fake news ka."

"Eh di more reason to kiss you, Pangga!" Nilapit ni Theresia ang mukha niya kay Leonor habang tinitignan ang kanyang labi, hinayaan niyang si Leonor ang magdesisyon kung maglalapat ang kanilang mga labi.

"Mahal kita, pangga." sambit ni Leonor bago ilapit ang mukha kay Theresia at tuluyang naghalikan.

"Mahal din kita, Leonor."

Pagkatapos nun, kinuha ni Theresia ang pink leather band sa bulsa niya at sinuot muli. Kahit man lang sa puso ng isa't isa, liwanag ang mananaig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 05, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ParallelsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon