ONE SHOT STORY

9 1 24
                                    

Amara's POV

Nearest Far

What if you fell? What if gumising ka isang araw hindi nalang siya kaibigan? What if...mahal mo na siya? What if mahal niyo ang isa’t isa o baka may mahal siyang iba? What if ako nalang? Ako nalang  , ako naman yung nandito kaya ko naman magbago para sayo kaya ako nalang. Ako nalang , Ian.

“So , Aeronautics Engineering ka rin pala.” Tanong ko sa’kanya habang nakatitig sa kawalan. Nasa Nearest far cafe kami favorite cafe namin  , cafe ‘to pag umaga , bar pag gabi . Dito ko rin siya unang nakita ulit.

“Oo eh.” Sambit niya at sumimsim sa beer na binili niya. I miss those eyes , the eyes I used to stare 7 years ago. 7 years. I met him when we’re on 8th grade , we become really good friends but I fell. Parang she fell first he never fell. But I don’t blame him , hindi niya kasalanan na hindi niya ako nagawang mahalin . Hindi niya kasalanan na...iba ang nagustuhan niya. Walang mali hindi rin kasalanan ng mga babaeng nagugustuhan niya.

“Tagal na ‘no?” Pag iiba ko ng usapan habang pinagmamasdan ang mga tao na lumalakad sa labas , mga sasakyan na umuusad , bawat tao may ibang istorya kaya hindi ko maiwasang maisip kung sa bawat tao na dumadaan sa harapan ko ano kaya ang tumatakbo sa isipan nila?

“I’m sorry.” Sambit niya at ramdam ko ang pag agos ng mainit na likido sa pisngi ko...freak , akala ko hindi na ako apektado kapag nakita ko siya 7 years na yung nakalipas dapat okay na ako.

________________ *******_______________

Huy! Ria , sorry na!” Pangungulit ni Ian. Iniwan ba naman ako mag isa sa bus stop nakita lang yung crush parang tangang sa ibang bus sumakay. Ilang araw ko narin siyang hindi pinapansin dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko.

“Ano? Okay na nga diba?” Kunot noong sabi ko. Hindi ko magawang tumingin sa’kanya dahil nagrereview ako para sa unit test namin sa A.P

Umupo lang siya sa tabi at nanahimik. Kilala ko siya alam kong napahiya siya o ayaw niya sa ginawa ko , alam ko rin na nararamdaman niya yung pag iwas ko. Umiiwas lang naman ako kasi...kung ano man ‘tong nararamdaman ko alam kong bawal at hindi pwede. Kung ano man ‘to ayaw kong magpatuloy.

“Uy! Uy! Ian , tara labas! Tignan natin si Anne!” Pagyaya ni Kylo sa’kanya. Napatingin ako sandali kay Ian at bigla siyang tumingin kung kaya’t binaling ko kaagad ang paningin ko sa notebook na binabasa ko.

Tumingin muna siya sa’kin bago siya sumagot.” Magrereview pa kami ni Ria.”

“Ayaw ko ngang tinatawag akong ‘Ria’ diba? Nang aasar ka ba?” Masamang tingin na sambit ko at inirapan siya. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa habang hawak hawak ang buhok ko dahil ayaw na ayaw ko na nakalugay ang buhok ko pero nakalimutan kong magdala ng ipit.

Nagulat nalang ako ng inayos bigla ni Ian ang buhok ko , tumingin ako sa isang kaibigan ko na alam na may gusto ako sa’kanya.

“Nakalimutan kong ibalik sayo kahapon.” Sabi niya at biglang hinablot ang notebook ko.

“Ito ay ang muling pagkabuhay o rebirth.” Tanong niya.

“Renaissance.” Sambit ko.

“Mali.” Sambit niya kaya naguguluhan akong inagaw ang notes ko sa kamay niya ngunit nilayo niya iyon kaya parang niyakap , nayakap ko siya.

  ______________********______________

“Mali. Ako ang dapat magsorry. Hindi mo naman kasalanan na hindi mo ako nagustuhan.” Natatawang sambit ko at umiwas ng tingin para pigilan ang mga nagbabadyang luha ko.

“Ako parin ba?” Tanong niya. I don’t know what to say...paano ko sasagutin? Sa anong paraan?

“Hindi na ‘no! 7 years na yung nakalipas college na tayo , wala na yun!” Sabi ko habang umiiwas ng tingin sa’kanya. Diniretsyo kong ishot yung beer. “Pait!” Reklamo ko pagkatapos kong laklakin lahat.

Nearest Far Where stories live. Discover now