1ST ONE - 157.

12 2 0
                                    

1ST ONE - 157.

Dumaan ang kinaumagahan at kasalukuyang magkasama sina Max at Marina sa tabi ng isang motorsiklo. Humarap ang binata sa dalaga at isinuot ang helmet.

"Ihahatid ko kayo sa airport." Dumaan si Mister Choi sa likuran ng dalawa. "Magkita tayo sa bahay."

"Sige, pa." Tumango si Marina sa kaniyang ama na tuluyang sumakay sa kotse nito.

"Mauna na kami, Danna," sabi ni Janine.

"Sige, ma." Ngumiti ang dalaga sa kaniyang ina.

Tuluyang umandar ang kotse palayo. Naiwan sina Max at Marina na tuluyang sumakay sa motorsiklo.

"Tara?" Tuluyang pinaandar ni Max ang motorsiklo.

Ngumiti si Marina bilang tugon. Mahigit isang oras ang lumipas ay narating nila ang bahay ni Mister Choi. Kaagad na kinuha ng dalaga ang kaniyang mga maleta mula sa kaniyang kwarto at dumiretso pababa ng living area makalipas ang ilang minuto. Naghihintay sa kaniya sina Mister Choi, Janine at Max.

"Dalawang maliit na maleta pala ang dadalhin mo," sabi ni Janine. "Tinawagan ko na si Danny. Siya ang susundo sa inyo."

"Nako, ma. Okay lang kahit hindi na. Alam naman nating busy si kuya." Umiling-iling siya.

Tumawa ang ginang. "It's okay with him naman. Hindi siya totally busy for today. Pupunta daw kayo sa YTMEmpire after niya kayong sunduin."

"Okay, ma."

"Oh siya, ingat kayo. Two weeks kayong nasa Seoul kaya mag-enjoy kayo." Mula sa anak ay nilingon ng ginang si Max. "Ikaw na ang bahala kay Danna, ha? Enjoy."

"Salamat po." Ngumiti ang binata bilang tugon. "Ako po ang bahala sa kaniya."

"It's time to go." Sumenyas si Mister Choi. "Wanna go with us?"

"Hindi na. I'm okay." Ngumiti si Janine. "Ging is coming with Jayson. I'll wait for them."

Tumango ang ginoo. Ilang minuto pa ang lumipas at kasalukuyan nitong minamaneho ang sariling kotse. Nasa likuran sina Marina at Max.

"When we were in Seoul after staying in U.S., we visited Yoon Family's mansion. Hindi ba, Danna?" Tumango si Marina dahil doon. "Do me a favor, anak."

"Tungkol sa'n, pa?" tanong niya. "Dipende sa favor 'yan, pa. Baka mahirap, e."

Pareho silang tumawa.

"It'll be easy for you, I'm sure. Hindi mo kakailanganin ang tulong ni Danny." Ngumiti ang ginoo mula sa rear mirror. "It's for the sake of Sebin, actually."

"Ah, okay. Sige, anong favor?"

**

"Kuya Danny!"

"Danna!"

Ngumiti siya nang tuluyang makita ang kaniyang kuya. Ngumiti si Christian at kaagad siyang niyakap. Ilang sandali ang lumipas ay naglayo ang dalawa.

"Kumusta?" Mula sa kaniya ay nilingon ng kaniyang kuya si Max. "Ginawa mo namang personal assistant ang boyfriend mo, Danna."

"Ayos lang." Mahinang tumawa si Max. "Kumusta?"

"Ito, gwapo pa din." Malakas ng tumawa si Christian kaya malakas ding tumawa ang binata. "By the way, Lee Family is inviting us for a lunch meeting."

"Talaga?" Tumangu-tango si Marina. "Saan? Si Jaehan ba ang nagsabi?"

"It's actually Jaerin. May announcement siya later." Nagkibit-balikat ang binata at sumenyas. "Let's go. Stay in my house, Danna, Max."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon