PROLOGO

5 0 0
                                    

PAPUNTA ako ngayon sa  Condo ng aking nobyo para supresahin siya, ngayon kasi ang anibersaryo namin at isang buwan kong pinaghandaan ito para sa kaniya. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na gagawin ko ito at sa mismong anibersaryo pa namin. Hawak hawak ko ang isang kahon ng  chocolate cake at dalawang kahon ng pizza, nasa loob ng aking bag ang isang maliit na kahon na naglalaman ng makintab at mamahaling kwintas na pinagawa ko pa sa kakilala kong pranses. Handa na rin ako para sabihin sa kaniya at ipabatid na handa na akong pakasalan siya at makasama habang buhay.

Nandito na ako sa harap ng pinto, kakatok na sana ako ngunit napansin ko na medyo nakaawang ang pinto kaya pumasok ako. May narinig akong ingay mula sa silid, pinakinggan ko ng mabuti ang ingay na nagmumula sa kwarto ng aking nobyo, at napahawak ako sa aking dibdib nang matunugan ko na may kasama siyang babae, hindi sila naguusap ngunit alam ko kung ano ang kanilang ginagawa. Nagdadalawang isip ako kung papasok pa ako ngunit mas pinili kong lumayo sa pintuan at walang lingon na umalis.

Nasa harap na ako ng Eiffel Tower. Sobrang sakit, sobrang bigat ng pakiramdam ko, hindi ko alam saan ko ibubuhos lahat ng sama ng loob ko dahil sa nasaksihan ko kanina.

"Ano bang mali sa'kin? Hindi ba ako sapat? Hindi ba ako maganda? Hindi ba maganda yung pangangatawan ko para lang hanapin niya sa iba yung pagkukulang ko?" Patuloy lang akong umiiyak habang sinasabi ang katagang ito. Halos napaupo na ako at hindi ko na namalayan na nabitawan ko ang dala dala kong chocolate cake at pizza.

Habang lumalandas ang luha sa aking pisngi ay ang pagsabay ng pagbuhos ng malakas na ulan. Maya maya, may isang anino akong namataan mula sa aking likuran, hindi ko pinansin kung sino man ang taong nanghihimasok sa pag e-emote ko dito.

"Saviez-vous que la pluie est un masque?" Boses ng isang lalaki ang aking narinig at nagsalita pa ng salitang Pranses na ang ibig sabihin ay "Alam mo ba na ang ulan ay maskara?"

Hindi ko nilingunan kung sino man ang lalaki na ito dahil wala akong balak makipag usap sa kahit na sino.

"Uupo ka lang ba diyan at magmumukmok dahil lang niloko ka? Ang hina mo naman." Hindi ko inasahan na sasabihin niya ito sa'kin. Tumayo ako at hinarap ang lalaking ito ngunit nakatalikod siya habang may hawak na payong kaya di ko makita ang mukha niya.

"At sino ka para sabihin na mahina ako? Ano bang alam mo sa'kin? Bakit alam mo na niloko ako?" Tanong ko sa kaniya habang sumisinghap.

"Huwag kang masyadong magpaapekto sa mga nakikita mo lang." Bigla akong naguluhan sa sinabi niya. Buti na lang talaga nag tagalog itong lalaki na'to.

"Anong ibig mong sabihin? Na dapat Masaya ako? Na matuwa pa ako dahil may kasamang ibang babae yung nobyo ko at sa mismong anibersaryo pa namin? Dapat ba akong matuwa doon? Ha?" Hindi ko alam kung bakit kailangan ko pang patulan ang lalaki na'to, ewan gusto kong ilabas yung sama ng loob ko.

"Maaari kang umiyak, maaari ka ring hindi mag paapekto sa mga nakikita mo lang. Isipin mo yung sarili mo, kung paano makatakas sa ginawa sayo ng nobyo mo, huwag mo pairalin pagiging mahina mo." Matapos niyang sabihin sa'kin iyon ay naglakad na siya palayo sa akin hanggang sa hindi ko na naaninag ang pigura ng lalaking unang beses na nagsabi sa akin na mahina ako.

Mahina nga ba talaga ako? Natural lang naman sa mga taong nasasaktan na idaan nila sa simpleng pagiyak lang para mabawasan yung bigat na nararamdaman.

Pero tama siya, bakit kailangan kong magpaapekto sa mga nakikita ko lang? Bakit kailangan kong umiyak? Hindi nararapat sa akin na umiyak na lang dahil lang niloko ako.

Sino ba ang lalaking iyon? Bakit alam niya ang nangyari sa akin? Bakit parang may alam siya sa nasaksihan ko kanina?


N/A: Wala talaga akong balak gumawa at mag publish ng kwento pero dahil sa project namin sa Filipino ay nakagawa ako ng wala sa dis-oras HAHAHA. Kaya pansin niyo na walang English na dialogue sa aking kwento-.-

— A.C

NANG DUMATING KA Where stories live. Discover now