01

8 0 0
                                    

Nanginginig ang boses ni Maureen nang magsalita ito. "S-Sir-" Isang kataga lamang ang nakayanan nitong sambitin at ipinasa na kay Theodore ang telepono.

Nagtatakang idinikit ni theodore sa kanyang tainga ang telepono. "Hello?" sabi nya sa natural na istriktong tinig.

"There's a bomb in your shop. it's inside a black briefcase," wika ng nasa kabilang linya. Halatang tinakpan nito ang bibig upang baguhin ang tinig. masyado ring mababa iyon kaya hindi nya masabi kung babae o lalaki ang may-ari niyon.

"Is this a prank? You know you can get ar-" hindi na nya natapos ang sasabihin dahil ibinaba na ng caller ang telepono.

Yumuko sya upang tingnan ang caller I'd. Cellphone ang ginamit ng tumawag at malamang na prepaid iyon kaya hindi mate-trace. Pero sa pagyuko rin nyang iyon ay nahagip ng kanyang paningin ang itim na bagay na nakausli sa pagitan ng flower chiller at malaking ornamental vase na kalapit ng desk ni Maureen.

Ibinalik nya ang awditibo ng telepono sa  katangan niyon. Kapagkuwan ay umikot  sya sa desk upang suriin ang nakita.
It Was A Briefcase. Uh-Oh.

Alam nya na dapat seryosuhin ang bawat bomb threats. Dahil doon kaya inaaresto ang mga pranksters sa mga airports. Laging may posibilidad na totoo ang biro. Kaya naman kahit hindi likas na matatakutin ay nagsimula syang atakihin ng panic.

Nagkatinginan sila ni Maureen. Maputlang-maputla na ang receptionist.
"G-guy's-" pumiyok pa sya. Lumunok sya at muling tinawag sina Wyatt at Felix. Nasa maliit na opisina sa likod ng shop ang mga ito. Hinihintay sya ng mga ito roon. Tutuloy na sana sya roon kung hindi sya tinawag ni Maureen at ipinasagot sa kanya ang telepono.

Wala syang nakuhang response mula kina Wyatt at Felix.

Kahit alam nyang walang landmine sa sahig ay patiyad at malalaki ang hakbang na lumapit sya sa pinto at binuksan iyon. "Guy's!"

Hindi pa rin natinag ang mga ito. Nagpasya siyang lapitan na nag mga ito. Nakita nya si Felix na nakaupo sa ergo chair at may hawak na GameBoy DS habang animo demonyong nakasampay sa likod nito si Wyatt.

Mas nanggigigil pa ito kaysa sa naglalaro.

"Mushroom 'yan, tol!" Wika nito.
"Mama mia!" narinig nyang sigaw ni matt sa GameBoy.

"Tang-ina! Malapit na'ko Kay peach!" Reklamo ni Felix, sabay siko Kay wyatt.
"Gago ka Kasi! Marunong ka pa sakin!" Tumingin ito sa pinto. "Brod, you're here!" Sinamantala ni wayyt ang pagkawala ng atensyon ni Felix sa GameBoy. Mabilis na inagaw nito ang GameBoy mula Kay Felix.

"We got a bomb threat," Saad nya.
"Bomb threat ka ri- bomb threat?" Muntik nang mabitawan ni wayyt ang GameBoy.

Bigla namang tumindig si Felix. Hinaltak nito ang charger ng laptop at dinampot iyon. "Ano pang hinihintay nyo? Takbo na!"

"Gago!" Sigaw ni wayyt. Bumaling ito sakanya. "Anong bomb threat? I mean, may tumawag ba?" Tumango siya at sinabi ang tungkol sa briefcase. "Nasaan?" Sinasabi pa lamang nya iyon ay lumabas na si wayyt para tignan. "Brod, baka pumutok!" Pigil dito ni Felix. Sumunod sya Kay wayyt na nakatuwad na sa briefcase. Sinusuri nito iyon.

"Wala naman akong naririnig na 'tick-tick," wika ni Felix na nasa likuran nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BUD BROTHER'S UNLIMITED SERIES Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon