Kabanata I

32 5 1
                                    

Maaga akong nagising upang asikasuhin ang lahat ng gamit na gagamitin ko para sa photo gallery namin ni  Aki, my best friend since college.

Akira Liliene Rodriguez.

Si Aki na lamang ang kasa-kasama ko sa buhay pati na din si Nanay Midring, ang tagapag-alaga ko simula pa noong bata. Tuwing naaalala ko kung nasaan ang mga magulang ko ngayon, binabalot na lamang ng sakit at kapaitan ang puso ko.

Gusto ko mang kalimutan ang nangyari ay hindi ko kaya. Ni tanggapin nga di ko magawa, paglimot pa kaya?

Napailing nalang ako bago ipinagpatuloy ang ginagawa. I can handle myself. Within thirteen years, nabuhay ako na walang magulang na nag-aaruga. Kaya malaki ang pasasalamat ko kay Nanay Midring  dahil hindi ako nito pinabayaan sa loob ng labintatlong taon.

Ito ang nagsilbing magulang ko no'ng mga panahong hindi ako magawang alagaan ng parents ko. At ngayon, 21 years old na ako. Kumbaga, kaya ko nang tumayo sa sariling paa. Gumawa ng mga desisyon para sa buhay namin ni Nanay Midring.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas muna ako sa kwarto at saka nagtungo sa kusina. Napangiti naman ako nang matanaw ang matandang babae na nagluluto ng agahan namin. Pasimple ko itong nilapitan at niyakap siya mula sa likuran.

Natawa naman ako ng tumili ito dahil sa labis na gulat.

“Ano ka ba namang bata ka?! Huwag mo nga akong gulatin!” Humarap ito sa akin. Agad naman akong bumitaw sa pagkakayakap dito saka sinilip kung ano ang niluluto nito.

“Adobo?” tanong ko ng maamoy ang napakabango at napakasarap na amoy ng niluluto nito.

Tumango naman si Nanay Midring. “Oo. Ang paborito mong ulam...” sagot nito saka muling hinalo ang niluluto. Pagkatapos ay tinakpan ulit nito saka muling lumingon sa akin. “Hija... Paano kung—”

“Nay... Sabi ko naman sa iyo na okay lang ako di ba? Tanggap ko na, 'nay. Hindi ko kailangang magmakaawa sa harapan ng ibang tao” mapait kong sagot sa matanda. Huminga pa ako ng malalim bago ipagpatuloy ang pagsasalita.

“Para ano? Para kaawaan nila ako? Para ipamukha nila sa akin na wala na akong kwenta?”

Napakurap-kurap ako ng maramdamang nangingilid na ang mga luha sa mata ko. “Basta po, kaya ko po ang sarili ko, okay? Huwag ka pong mag-alala... Pagbubutihin ko na lamang ang trabaho ko sa photo gallery namin ni Aki. Atleast kahit papaano ay malaki din ang naitutulong ng kinikita namin doon ni Aki araw-araw...” paliwanag ko pa.

Napatingin naman ako sa kanya nang haplusin nito ang pisngi ko. “Naaawa lang ako sayo, hija...”

Umiling ako kapagkuwan ay nginitian siya. “Salamat po kung gano'n, 'nay... Pero hindi talaga magbabago ang desisyon ko.”

“Hay! Mabuti pa kumain nalang muna tayo. Kumuha ka na ng plato at maghahain lang ako” utos nito sa akin na agad ko namang sinunod. Kumuha ako ng dalawang plato saka inilagay sa itaas ng lamesa. Naglagay na din ako ng tubig sa pitsel saka tinulungan si Nanay Midring sa paghahain.

Pagdating ko sa photo gallery namin ni Aki ay agad kong binuksan ang pinto gamit ang duplicate key ng shop. Mamaya pa dadating si Aki dahil may importante pa raw itong inaasikaso sa ngayon. May problema din kasi ang kaibigan niya. Hiwalay na ang parents nito at kasalukuyang nasa puder naman siya ng mama niya. Iniwan sila ng Papa niya at sumama sa ito sa ibang babae.

Ganyan naman kasi ang ibang mga lalaki. Hindi nakukuntento sa isang babae.

Naupo muna ako sa sofa at pagod na isinandal ang likod dito. Wala akong matinong tulog simula pa kagabi dahil busy din ako sa paggawa ng lay-out para sa interior ng bahay nina Mrs. Porez, isa sa mga client ko biglang isang interior designer.

Taste Of Misery (Villa Carta Girls #1)Where stories live. Discover now