---

1 1 0
                                    


Ako nga pala si Sandra. 

Hindi maganda, inaamin ko iyon. Walang kaibigan, tanggap ko iyon. 

 

Ah, mayroon pala, iyong grupo nina Hannah.

Kaibigan ko sila kapag mangongopya sila ng assignment at magpapagawa ng project. No'ng una tumanggi ako, syempre. Pero, umuwi akong amoy basura at basang-basa.

Si Xian naman ang boyfriend ko.

Ayieee!!! 

In my dreams. 

Limang taon ko na rin siyang pinagpapantasyahan. 

Hanggang sa tumuntong na kami ng college, nasa iisang eskwelahan pa rin kami. 

Ganoon pa rin ang trato nina Hannah sa akin. Sa t'wing may groupings, sinasali nila ako sa grupo nila. Ako ang gumagawa ng lahat at sila puro lakwatsa lang ang alam. 

Isang araw, nilapitan ako ni Xian at kinausap. 

Dream come true mga besh! Para akong nanalo ng libreng pabahay!

Pero... 

"Magkaibigan pala kayo ni Hannah? P'wede bang ireto mo ako sa kan'ya?" 

Gusto kong tumanggi at sabihing wala akong kaibigang impakta. 

Pero... 

"Sige, walang problema." 

Kung ito lang ang tanging paraan para makausap at malapitan ko siya, kaya tinulungan ko siya.

Sinabi ko lahat sa kan'ya ang mga bagay na gusto ni Hannah. Sonabi ko rin sa kan'ya, kung anong tipo ni Hannah sa isang lalake. 

Hindi ko tinanong si Hannah, pero dahil lagi akong nakabuntot sa kanila, naririnig ko ang mga pinag-uusapan nila. Mula sa brand ng mga gamit hanggang sa mga lalakeng tipo nila ay alam ko. 

Hindi ko sinabi kay Xian na may ibang gusto si Hannah at wala siyang pag-asa kay Hannah. 

Natakot ako. 

Baka masaktan siya. 

Baka hindi niya na ako kausapin. 

Kaya, tinago ko na lang iyon sa sarili ko.

At iyon ang pinakamalaking pagkakamaling nagawa ko. 

Dahil dumating ang araw na magtatapat na si Xian kay Hannah. Sa harap ng napakaraming estudyante, sinabi niya ang nararamdaman niya. 

Nasaktan ako. 

Hindi dahil sa nagtapat siya sa iba at inasam kong sana ako na lang...

Kung hindi, dahil sa mga sinabi ni Hannah. 

"Ba't ko naman magugustuhan ang isang anak ng adik!" 

Simula no'n, hindi ko na nakita si Xian. Wala na rin akong balita sa kan'ya. Nalaman ko na lang na nag-dropped out siya. 

Sana pala, sinabi ko na lang ang totoo. Sana pala, hinayaan ko na lang na masaktan siya sa mga sasabihin ko at layuan ako. Hindi sana siya magtatapat kay Hannah at kahit sa malayo, nakikita ko pa rin siya. 

Ang mga ngiti n'ya. Ang mga mata n'yang mapupungay. Ang mukha n'yang maamo. 

Akala ko 'yon na ang pinakamasakit. 

Isang araw... 

Pagkarating ko sa eskwelahan, nagkagulong mga estudyante ang bumungad sa 'kin. Mga bulung-bulongan at mga matang nakatingin sa 'kin. 

Nakita ko ang ilan sa mga estudyante na nakatingala sa flagpole. Tiningnan ko 'yon at nanlambot ang aking mga tuhod sa nasaksihan. 

Isang lalakeng nakasabit sa tuktok ng flagpole, wala nang buhay.

Napaluhod ako at dumagsa ang aking luha, dahil sa nabasang karatula sa ilalim ng flagpole.

KASALANAN MO ANG LAHAT SANDRA! 

Ako si Sandra, suspek at hindi ko matanggap iyon. Biktima at wala ng solusyon. 

Sandra (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon