Kabanata II

33 6 0
                                    

Pagdating namin sa apartment ay naunang pumasok si Aki sa loob. Nahuli naman ako sabay lock ng pinto. Hinubad ko muna ang sapatos kong suot saka inilagay sa shoe rack malapit sa trashcan.

Agad akong sumunod patungo sa kusina at naabutan ko naman si Aki na nakikipag-chismisan kay Nanay Midring. Tumikhim pa ako upang agawin ang atensiyon nilang dalawa.

Nang makita ako ay agad na tumayo si Nanay Midring  at agad akong nilapitan at sinipat-sipat. Pilit na ngumiti lamang ako sa kaya saka naupo sa upuang katabi ni Aki.

“Totoo bang namumutla ka kanina? Uminom ka ba ng gamot mo?” nababahalang tanong nito sa akin sabay upo ulit sa harapan namin.

Mabilis kong nilingon si Akira pagkatapos 'yon sabihin ni Nanay Midring. Mukhang nagsumbong yata ang bruha.

Wala akong ibang nagawa kundi ang tumango sa kanya. “Opo, 'nay. Hindi ko naman nakakalimutang inumin ang gamot ko,” tanging sagot ko. “Siya nga po pala, nasaan po yung pancake na sinasabi mo, 'nay? Nagugutom ako eh. Ayaw naman ni Aki na dumaan muna kami sa Starbucks para bumili ng kape...” pagsusumbong ko naman.

Nakita ko naman kung paano biglang nanlaki ang mata ni Akira sabay baling sa akin. “Aba't— Hoy! Ikaw na nga itong inaalala ko tapos may lakas-loob ka pang magsumbong. Unfaithful friend...” mabilis nitong reklamo.

Natawa naman ako sa reaksiyon niya. “Joke lang naman, hahaha!”

Tumigil ako sa pagtawa saka masayang kinuha ang kamay ng dalawa. “Maraming salamat sa pag-aalala... Hindi ko man sabihin sa inyo ng harapan, pero talagang masaya ako. Masayang-masaya...”

Napakurap ako dahilan upang tumulo ang isang butil ng luha mula sa aking kanang mata.

“Isang bagay na hindi ko man lang naramdaman sa kahit kanino... Isang bagay na habambuhay kong dadalhin hanggang sa kamatayan k—”

“Eli!” biglang suway nito sa akin.

Natawa naman ako. “Joke lang eh... Kayo talaga hindi na mabiro, hehe” agad kong sagot.

Napairap naman si Aki. “Psh... Don't you dare say that bad words again lalo na kapag nagmo-moment tayo, Elise Miracle Santejo” suway sa akin ni Akira.

Napailing naman ako pero nakangiti pa rin. “Opo, hindi na...”

Sabay kaming napabaling ni Aki kay Nanay Midring ng magsalita ito. Bakas sa mga mata nito ang saya subalit may kahalong kalungkutan.

“Nandito lang kami ni Akira para sayo, hija... Huwag kang matakot na lumaban. Manalig ka lamang sa Diyos at hinding-hindi ka niya bibiguin...”

Doon na tuluyang bumuhos ang mga luha ko. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, masasabi kong  napaka-swerte ko at nakilala ang mga taong kagaya ni Nanay Midring at Aki.

Sa mundo ngayon, mahirap humanap ng mga taong tunay na magmamahal at magmamalasakit sayo. Bali-baliktarin pa man ang mundo, yaman at pera pa rin ang naghahari sa mundo sa halip na pag-ibig.

Just like me. Hindi ko alam kung mapalad ba ako o hindi. Lumaki ako sa isang mayamang pamilya pero kailan man ay hindi ko iyon naging sapat para sa akin.   Kailan man ay hindi ko naramdaman ang pagiging welcome ko sa pamilya. Pakiramdam ko ay mas lamang ang responsibilidad nila para sa akin kaysa sa pagmamahal.

Tila isa lamang akong pagkain na basta-basta lang nilang iluluwa kapag hindi nila nagustuhan ang lasa. Nagawa nila akong abandunahin at ilayo sa kanila dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa.

Isang mapait na ngiti ang gumihit sa labi ko. Wala talagang magtatagal sa akin. Dahil do'n ay natutunan ko nang maging manhid sa lahat ng sakit.

Nang tumayo si Nanay Midring ay doon lamang ako  nagpunas ng mata. Hindi ko alam kung kailan magwawakas ang drama ng buhay ko. Ang alam ko lang, walang kasiguraduhan ang lahat ng bagay na nangyayari.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Taste Of Misery (Villa Carta Girls #1)Where stories live. Discover now