CHAPTER 1

84 10 0
                                    

"Huy Shanna٫ kanina kapa titig ng titig jan sa phone mo ah٫ kulang nalang matunaw yang picture ng Dream Boy mo.!!" nasa kalagitnaan sina Shanna ng group study kasama ang kaibigan niyang si Mikaela.
Pero lumilipad ang utak niya habang naka titig sa gwapong mukha ng modelong si Adam Dorquez na mismong nasa screensaver niya. Yan ang dahilan kaya bulyaw ang napala niya sa bestfriend.

Busangot na siniko niya ito sa tagiliran at inirapan ito. Binalik niya ang atensyon sa mga librong nasa lamesa٫ kunyari ay inaabala ang sarili sa pag babasa.

Kasalukuyang nasa library sila ngayon ng university para mag study٫ kaso ayaw tantanan ng utak niya ang imahe ng crush niyang si Adam Dorquez.
Fourth year na sila ni Mikay sa kursong Tourism ٫next month ay mag tatapos na sila٫ kaya naman puspusan ang pag aaral nila para sa finals.

"Ano ba plano mo after graduation Ash?." biglang pakli ni Mikay na nagpa isip sa kanya. Oo nga nuh?. Ano ang gagawin niya after maka graduate?.

"Ako?٫ hindi ko pa alam eh٫ sabi kasi ni Dad ipapa handle niya sakin yung business namin abroad. Which I really hate." napaismid nalang siya na ikinalito ng kaibigan.
Umuklo ito sa kanya at tinignan siya nito ng maigi sa mga mata saka siya tinaasan ng kilay.

"Ayaw mo ? samantalang ako hindi ko alam kong saan ako pupunta after graduation habang ikaw planado na ng parents mo?.. sira na ba yang tuktok mo?." bahagya pa nitong pinitik ang noo niya.

"Aray !! mamitik ba naman..
As if may choice ako? ٫sinusunod ko lang din naman lahat ng gusto nila٫ alam mo naman kung gaano ka strict si Dad diba? Ayaw niyang pinapahiya sa sa lahat ng tao. Kaya pinag iigihan ko sa sudies٫ bakit? Dahil ayaw niyang nakikita na nagpi-fail ako.."busangot na nasapo niya ang noong pinitik nito. Minasahe iyon at nanhalumbaba sa lamesa pagkatapos.

She was born getting whatever she wants٫ but getting it requires a lot of effort. Kailangan niyang pag trabahuhan, kahit sa finances ay mahigpit ang Dad niya. Binibigay lang nito ang sapat sa pangangailangan niya, while her ate Sharra can do and get what she wants whatever and whenever it is.

Minsan tuloy napapaiisip siya, dahil sa magkaibang treatment sa kanila ng ate niya, feeling niya lamang palagi ang ate niya sa atensyon at pag mamahal.
Hindi kagaya niya na kailangan pa niyang maging Top 1 palagi sa school para lang purihin siya ng mga magulang niya.
She wants to earn their love and attention by making them see her achievements.
It's somehow unfair for her ,takot siya sa Daddy niya , to the point na kahit labag sa kalooban niya ay ginagawa at sinusunod niya nalamang.

Inaantok na umuklo siya sa mesa tsaka ginawang unan ang mga braso. Bigla siyang inantok.

"Huy Ash wag mo akong tulugan jan٫ hindi pa tayo tapos. Buti sana kung kasing talino mo ako ... huy!!" niyugyog nito ang balikat niya ng akmang pipikit na siya. Napa bungisngis siya sa kaibigan.

First year college palang ay magkaibigan na sila ni Mikay٫ bukod kasi sa schoolar ito ng foundation ng Daddy niya ay ito lang ang nag iisang taong kaya siyang pag tiyagaan.
Matalino din ito at ma kwela٫ kaya sila mabilis na nagkapalagayan ng loob dahil ito lang ang napapa wala ng lungkot niya .

Natapos ang linggo na iyon na matagumapay nilang natapos ang exams. Masaya si Shanna dahil consistent na matataas ang markang nakuha niya. Matutuwa ang mga magulang niya sigurado siya.
Siya lang naman ang pina ka may mataas na score sa klase nila pangalawa naman si Denver Gordon na crush na crush ni Mikay٫ na may crush naman sa kanya. Pangatlo naman si Mikay na nalungkot kanina, ena-announce kasi ng prof nila ang mga scores at na disappoint ito dahil hindi daw nito na perfect ang exams. Which is understandable naman, dahil bukod sa pag aaral nahahati ang atensyon nito sa part time job at pag aalaga ng nanay nito na may sakit. Gaya nalang ngayon maaga natapos ang klase nila nag paalam agad itong pupunta na sa trabaho at iniwan na siya mag-isa.

MADLY INLOVE WITH A GAYWhere stories live. Discover now