1ST ONE - 159.

15 2 0
                                    

1ST ONE - 159.

"Uminom ka muna ng tubig." Lumapit si Venus kay Jayson at inabutan ito ng basong may lamang malamig na tubig.

Kinuha iyon ng binata at uminom. Kasalukuyan siyang nakaupo sa leather sofa na nasa tabi ng pinto ng kwarto. Tumabi ang dalaga at hinawakan ang kaniyang mga kamay makalipas ang ilang segundo.

"Bakit nga pala ganiyan ang suot mo? Ang tapang ng amoy ng pabango mo. Ngayon ko lang 'yan naamoy mula sa'yo." Marahan niyang inakbayan ang dalaga na sumandal sa kaniya. "At, amoy alak ka. Sa'n ka nanggaling? Sa bar?"

Tumingala ito at tumango. "Yeah, we were in a resto-bar near Danny's house. We just got home minutes ago. I heard you screaming so I rush here to your room."

"Sinu-sino kayo?"

"Danny was the one who invited us and offered to pay for everything. Kasama namin sina Jia, Danna, Max, Sam and Aya. We saw your brothers, Jaerin and Jaehan so we had a drinking session altogether. Sumabay ako kay Jia pauwi dito sa bahay niyo." Sandali itong tumahimik at muling nagsalita. "What was your dream about? Can you tell me a bit about it?"

Umiling-iling siya at tumawa. "Ikaw ang nasa panaginip ko."

Namilog ang mga mata ng dalaga. "Really? What happened? I want to know more."

"Ayokong ikwento."

"But why?" Ngumuso ito. "Ikwento mo, please? Hmm?"

"H'wag na. Okay na 'yon." Umiwas siya ng tingin. "Matulog ka na. Matulog ka dito sa kwarto ko."

Hindi ito nagsalita at tuluyang yumakap sa kaniya. Pinakiramdaman niya ito at napansin na tuluyang nakapikit ang mga mata. Marahan niya itong binuhat at tuluyang ihiniga sa gawing kaliwa ng kaniyang kama. Kinuha niya ang makapal na kumot na nasa ibabaw ng mga unan at inilagay iyon sa ibabaw ng katawan ng dalaga hanggang sa paanan nito. Tuluyan siyang humiga sa tabi at nakihati sa kumot na iyon.

Gumilid siya sa pagkakahiga at pinagmasdan ang mukha ng babaeng kaniyang minamahal. Ngumiti siya nang hindi namamalayan. Gamit ang kaliwang kamay ay marahan niyang hinawakan ang mukha nito. Mula sa noo, gilid ng mata, ilong, pisngi, at nauwi iyon sa gilid ng labi. Wala sa sariling pinasadahan niya ang itaas, magkabilang gilid at ibaba ng labi ng dalaga gamit ang dalawang daliri. Tahimik siyang tumawa dahil sa ginawang kalokohan. Tuluyang huminto ang kaniyang kamay sa itaas ng tiyan nito at tuluyang niyakap.

Nagising siya kinaumagahan na mayroong jacket sa kaniyang mukha. Marahan niya iyong tinanggal at dahan-dahang umupo. Nakabukas ang mga bintana at pumasok sa kwartong iyon ang sikat ng araw na sinabayan ng malamig na hangin. Nilingon niya ang bilugang orasan sa gilid ng kaniyang kama. Ngumiwi siya.

"You just woke up, I see." Nag-angat siya ng tingin kay Venus na may dalang tray. "I brought you pancakes and apple juice. And uh, there's waiting for you at downstairs."

"Salamat." Kinuha niya ang tray at inilagay sa gilid ng kaniyang kama. Pagkanguya ng pancake ay muli siyang nagsalita. "Who's waiting for me?"

"He introduced himself as Attorney Nam."

"Gaano katagal na siyang naghihintay?"

Tumabi ang dalaga at tumingin sa kaniya. "Five minutes ago. He's patiently waiting for you anyway."

"Pakisabi naman na bababa ako after ten minutes. H'wag mong sabihin na kagigising ko lang." Tumawa siya pagkasabi niyon.

"Okay, then." Tumawa ito at kalauna'y ngumiti. "I'll leave you here. I'll see you downstairs."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now