Chapter 1

49 0 0
                                    

CLICK! CLICK!

Sunud-sunod na pagtunog ng kanyang hawak na camera ang siya lang maririnig sa kinaroroonan niya.

Nasa likod si Emerald ng PUs building at kinukuhanan ng litrato ang mga bagay na maaabutan ng kanyang mga mata habang hinihintay niya ang pagdating ng mga kaibigan.

Nasa fourth year college na siya sa kursong engineering, kahit na ba hindi iyon ang gusto niya.

Kate Emerald loves photography. She loves to roam around and skillfully captures everything that can catch her interest using her expensive camera. Courtesy of her two best friends. Yelena and Scarlett.

Bata pa lang siya ay sobrang hilig na niyang kumuha ng mga iba't ibang larawan gamit ang cell phone ng ate Cleo niya.

Before that accident happened, she had a perfect life with her sister, Cleo Elizabeth Arguelles.

"Ate, gusto mo ba talaga na magiging engineer ako?" tanong niya ng nakangiti.

Tumango naman ito habang inaabot sa costumer ang isang kilo ng isda na binili nang Ale.

"But why Ate?" Pangungulit niya sa nakakatandang kapatid.

Nasa palengke sila at kahit busy sila sa pag-e-estima sa mga costumer ay nagawa pa rin niya itong kulitin.

"Dahil iyon ang pangarap ni Tatay para sa'tin." Sagot nito na ikinasimangot niya. Hindi naman kasi niya nakita ang Tatay nila.

Sabi ni Ate, namatay raw ang Tatay nila dalawang taon pa lang siya.

At simula pagkabata ay pangarap na ng Tatay nila na maging isang enhinyero pero dahil mahirap lang ang pamilya nito kaya ni high school ay hindi man lang nito natapos.

Hanggang sa nagkita ito at ang Nanay nila. Na-in love ang dalawa sa isa't isa kaya nag-e-exist sila ng ate niya.

"Kung tatanggapin ko iyong scholarship na ini-offer sa'kin, siguradong maging masaya si Tatay." aniya at tiningnan ang ate niya na abala pa rin sa pag-e-estima ng mga costumer nila.

"Pero aminin mo, Ate, na ikaw ang mas magiging masaya kapag ginawa ko 'yon, 'di ba?" Nakangising pang-aasar niya.

"Sabi na nga ba at nandito ka lang."

Napakurap si Emerald at awtomatikong napalingon sa kanyang likuran nang marinig niya ang boses ng kaibigang si Yelena De Sandiego.

Napangiti siya nang makita ito na papalapit sa kanya. Agad siyang umikot paharap dito at itinutok ang lens ng kanyang camera rito para kuhanan ito ng picture.

Isa ito sa mga gusto niyang gawin, to capture a stolen shots from her two best friends, Yelena and Scarlett.

Si Yelena ang unang naging kaibigan niya sa PUs. Unang tapak pa lang niya sa University ay aloof na siya sa lahat. Ayaw niyang makihalubilo at tahimik lang siya sa isang sulok.

Hindi naman iyong tipong naging nerd na siya, slight lang kumbaga iyong iwas-gulo lang. Puro mayayaman ang mga estudyante rito kaya nahihiya rin siya.

Ang dalaga rin ang unang lumapit sa kanya pero deadma ang natanggap nito mula sa kanya. Dahil noong mga panahong iyon ay wala siyang ibang gustong gawin kundi ang mapag-isa.

Punung-puno pa kasi ang puso niya ng lungkot, pighati at galit. Galit sa taong dahilan kung bakit nag-iisa na lang siya sa buhay.

Pero nagkaroon sila ng group project sa isang minor subject nila.

Kailangan nilang gumawa ng isang magazine at isa si Yelena sa napili bilang leader ng grupo at ito ang may karapatang mamili kung sino ang gawin nitong miyembro. Hindi nga niya inaasahan na isa siya sa pipiliin nito dahil hindi naman sila close.

The Self-Centered Billionaire (Will and Testament 5)(SOON)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang