CHAPTER 57

41 5 0
                                    

Takahashi's POV

"sweetie wake-up may bísita tayo, and sure ako matutuwa ka" yugyóg ni dada sakin, kaya dahan dahan kung minulat ang mata ko at búmangon

"dada antok pa po ako eh" busangót ko kaya natawa siya at pinisil ang písngé ko

"sweetie hindi mo ba namiss ang grandpa mo, sige sasabihin ko na lang na hindi mo siya namiss nasa sala pa naman siya at hinahanap ka" sabi ni dada kaya biglang lumaki ang máta ko at dali daling lumabas ng kwarto, nang makababa ako nakita ko si grandpa nasa sala habang kausap si papa

"grandpa" sigaw ko kaya napalingon ito sakin

"my grandson" sigaw din ni grandpa kaya tumakbo ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit

"sweetie baka naman hindi na makahinga ang grandpa mo sa sobrang higpit ng yakap mo" biru ni papa kaya napakalas ako kay grandpa at bumosangot na ikinatawa nila

"hehehe sorry po grandpa namiss lang kita" paglalambing ko dito

"namiss ko din ang superduper pretty kung grandson"magiliw na sabi ni grandpa kaya humagíkhik ako

"pero dad bakit ka nga pala nagpunta dito sa pinas alam mo naman na may kaedaran na din kayo baka mapano kayo sa kakabyahe"sermon ni papa dito

"hey son anong may kaedaran eh batang bata panga ako tignan eh diba grandson"biru ni grandpa kaya napailing si papa habang ako naman ay tumango na natatawa, nakita ko naman na kabababa lang ni dada siguro inayos niya muna ang kwarto ko hehe

"dad nagtatalo na naman ba kayo ni sasaki" tanong ni dada saka tumabi kay papa na naka busangot

"no son yang kasing pangét na yan ayaw ba naman ako papuntahin dito namiss ko lang naman ang maganda kung grandson" sabi ni grandpa kaya inirapan siya ni papa na ikinatawa namin

"tsk" asik ni papa sabay yakap kay dada

"dad bakit nga pala kayo nandito" kuryusidad na tanong ni dada kay grandpa

"dito muna ako ang boring kasi sa japan, isa pa kasama ko din umuwi dito sa pinas ang matalik kung kaibigan at nagkasundo kami na mag didinner tayo kasama ang anak niya kaya naghahanap na ako ng restaurant" sabi ni grandpa

"grandpa may na hanap na po ba kayong restaurant" tanong ko dito

"wala pa nga grandson eh pero may nakita ako sa social media na may sikat daw na restaurant dito sa pinas, sobrang sarap daw ng pagkain nila duon, kaya gusto ko sana doon tayo magdinner kaso mukhang busy daw yung may-ari sayang pa naman, ang sabi bata pa ang may-ari kaedaran mo lang ata grandson, pero try ko pa din mamaya tumawag or pumunta sa restaurant na yon"mahabang salaysay ni grandpa

"grandpa hindi nyo naman po kailangan pumunta na doon, pwedi nyo naman po ako kausapin para ipa-set ko na ang oras sa kanila para sa dinner mamaya" sabi ko kaya nagtaka sila

"kilala mo sweetie ang may ari noon? close ba kayo ng may ari ng restaurant" sunod sunod na tanong ni dada habang taimtim na nakatingin sakin

"opo dada kaya po no worries na po okay ipapaset ko na po ang oras, and by the way grandpa magpahinga po muna kayo ako napo ang mag aasikaso sa dinner mamaya alam kung pagod ka okay, iloveyouuu grandpa alis po muna ako okay, bye dada, bye papa" sabi ko sa kanila at nagmadaling umakyat sa kwarto ko at náligo, isa pa pupunta ako sa restaurant ko para mákapag-isip ng lúlutoin kung pagkain para sa dinner, wala sina momshie dahil umuwi sa dati naming bahay sina yuri naman wala dito di ko alam kung saan sila pumunta eh basta ang sabi nila may importante silang gagawin

Nang matapos ako sa pag aayus ko bumaba na ako, sina papa at dada na lamang ang ná abutan ko sa sala na naglalambingan, siguro nagpáhinga na si grandpa

✔ My RevengeWhere stories live. Discover now