CHAPTER 1

403 17 4
                                    

Hello, ako nga pala si Zarrah...Hayyyy! Maka bangon na nga at makahilamos.

Bakit parang ang sakit ng ulo parang naka inom ako?

Pero ang naaalala ko wala naman akung na inom na alak?

Bakit ba ang ulyanin kuna nasa 23 palang ako hah?

“Ate! Bakit parang ang pula ng mga mata mo?” Tanong ng kapatid ko habang halatang kakagising lang rin.

Hindi ko pinansin ang kapatid ko basta ako nag diritso lang sa banyo at nag hilamos.

Bakit ganito, bat ang pula-pula ng mga mata ko? Gulat kung tanong sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Bakit ngayun pa? May pasuk pa ako! Hayst! Kainis!.

“Zairah!!!” Tawag ko sa kapatid ko habang papalabas ng banyo at nakatakip ang mga palad ko sa mga mata ko.

“Ano po ate?” Tanong nya sa akin habang papalapit sa kina uupoan ko.

“May contactlines ka? Pwede ba'ng pahiram mo na si ate?” Nakangiting sabi ko sa kanya.

“Saglit lang ate titignan kulang kung meron pa akong nakatago” Sabi nito at pumasok na sa kwarto nya.

*After 5 minutes*

“Ang tagal naman nyan. Mali-late na ako. Zai!!!Pwede bang bilisan munaman!!!” Sigaw ko sakanya habang natataran tana dahil mali-late na ako sa klase ko.

“Sorry ate medyo natagalan ako dahil hinanap ko pa” At inabot nya na at pumasok ulit sa kwarto nya.

Nag madali na akong umakyat sa kwarto ko. Buti nalang meron si Zairah ng ganitong bagay. Kung wala sya nito siguro hindi ako makakapunta sa school ng ganito ang mata ko.

Bakit ba ngayun pa lumabas ang pula kung mata?

“Zai! Aalis na si ate. Wag kang lalabas ng bahay hah. Isara mong mabuti ang pinto mo. Wag kang mag papapasok ng iba” Sabi ko habang papalabas na ng bahay at sinasara na ang gate.

Palokso-lokso akong nag lalakad ng maalala ko na may kotse pala ako.

Tumakbo ako pabalik ng bahay upang kuhain ang kotse ko.

‘Ang ulyanin kuna talaga. Pati kotse ko nakalimutan kuna. Bakit ganito ang araw ko ang malas?’

Nakarating na ako sa bahay at kinuha kuna ang kotse ko at pinaandar kuna.

Mabilis ang patakbo ko ng kotse dahil nag mamadali ako.

*After 40 minutes ng byahe*

Nakarating na ako sa school na tuturoan ko.

Bumaba na ako ng kotse at umakyat na papasok sa room na sinabi sakin.

‘Bakit bah ang hirap naman paakyat dito? At ang taas taas pa ng mga hagdan. Bakit nahihirapan ako ngayun. At wala ring lakas ang buong katawan ko?’

“Prof Rah!”

Napaligon ako sa likuran ko upang tignan kung sino ang tumatawag sakin ng makita kuna sya biglang natawa ako dahil sa itsora nya.

“Bakit ka tumatawa prof Rah?” Tanong nya sakin habang nasa harapan kuna sya.

“Eh kasi..! Ano bang ng yari sa mukha mo?” Tanong ko sakanya habang pilit na pinipigilan kung tumawa at nakahawak sa batok ko.

“Ah, ito ba?” Tapus turo sa mukha nya.

“Galing ito sa mga Hell section” Kwento nya sakin habang lumalakad kami.

“Ikaw nalang bahala sa kanila. Mag ingat ka” Natatarantang paalam nito ng nasa tapat na kami ng room.

THE MYSTERIOUS RED EYES✓Where stories live. Discover now