Chapter 6

13.4K 444 120
                                    

Chapter 6: Failing to Escape

#DittoDissonanceWP

Bardagulan ng aircon humor at kanal humor. Don't forget to vote for this chapter! Thank you <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Umuusok ang ulo ko sa sobrang irita. Para akong pinagbaksakan ng langit at lupa habang nakaupo sa Tafiti's Cafe. Ako at 'yung dalawang magjowa lang sa dulo ang nandito, which is good! Wala akong pasensya sa maingay.

Putangina no'ng Caiden na 'yon! Anong akala niya sasambahin ko siya dahil lang guwapo siya? Oo, siguro, kung naka-activate 'yung kabadingan ko. Siya 'yung tipo ng lalaking talaga namang gugustuhin ng marami based sa looks niya in overall. Pero kung gano'n 'yung ugali niya, 'wag na lang , uy!

Gago siya! Ang kapal ng mukha niya. Gusto ko siyang sakalin kanina. Kahit nakaka-distract 'yung mukha niya, nanaig ang inis ko. Kakaiba 'yon! Kasi palagi akong nadi-distract ng pogi, pero 'yung moment na 'yon, gusto ko na lang siyang tusukin ng maraming tinidor sa likod. Nakabaon! Putangina niya.

Tinawagan ko na sina Ashton na dumeretso na rito sa Tafiti's Cafe dahil wala na akong balak bumalik do'n sa ramen place na 'yon. Nanggagalaiti ako sa galit. At baka um-order ako ng bagong lutong ramen para lang itapon sa mukha ng putanginang homophobic fucking shit na 'yon. Gago siya!

"Customer Zern!"

"Paki-stay lang po diyan, tinatamad po ako kuhanin. Papunta na po 'yung kaibigan ko, papakuha ko po sa kaniya," sabi ko at halatang naiinis ako sa tono ng boses ko.

"Ay, ako na lang po, Sir," sabi no'ng babae kaya kahit papaano ay nakabawas 'yon sa irita ko. Pero alam kong kahit hanggang mamayang matulog ako, hindi pa rin maalis 'tong galit ko sa lalaking 'yon. Knowing na pader lang ang nagse-separate sa amin. Putangina niya.

Nilapag niya sa lamesa ko ang in-order kong Spanish Latte at simple lang ako nagpasalamat bago lumipat ang mga mata ko sa labas nang huminto na ro'n ang kotse ni Ashton.

'Pagpasok nila, takang-taka sila sa galit na galit kong mukha. Umupo sila sa kaharap kong mga upuan.

"Anong nangyari, bakit galit na galit 'yung mukha mo?" Malambing na sabi ni Ashton at halatang nag-aalala.

Napapikit ako sa sobrang galit ko, dahil baka pag nagsalita ako maging pasigaw 'yung boses ko. Hindi ko kayang hinaan boses ko sa lagay ko na 'to. Gusto kong ibuntong 'to sa Caiden na 'yon. Tangina talaga niya. Hindi ko makalilimutan 'yung lahat ng sinabi niya. Gusto ko siyang bawian. Sunugin ko 'yung mga gamit niya or pasabugin ko 'yung kotse niya. Gano'ng eksena. 

"Inumin mo muna 'tong kape mo, baka kumalma ka na. Sabihin mo sa amin kung kaya mo na magsalita. Grabe, ngayon lang kita nakitang ganiyan kagalit," sabi ni Leroy at siya na ang naglagay ng straw sa drink ko 'saka 'yon iniabot sa mismong kamay ko.

Sinunod ko siya at ininom na lang muna ang kape ko. Halos makalahati ko 'yon agad sa sobrang bilis kong humigop. Padabog ko 'yon nilapag sa lamesa bago humugot ng malalim na paghinga.

Nagtiim ako ng bagang bago nagsalita, "Naalala ninyo ba 'yung lalaking sinasabi ko kanina no'ng papunta tayo sa ramen place na 'yon?" Sabi ko.

Tumango naman silang dalawa at tutok na tutok ang mga mata sa akin.

Ditto Dissonance | RevisingWhere stories live. Discover now