Chapter 10

11K 441 36
                                    

Chapter 10: Messy Night

#DittoDissonanceWP

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

We arrived at the street which made me thirsty. The smell of alcohol is already coming to me. I missed it so much. Mas tumama sa aking ang tagal ko na ngang hindi nakapagka-club ulit. Sana lang talaga may maka-hook up ako ngayon, kung wala baka uminom na lang ako. 

"So, saan tayo tonight?" Magnus said excitedly while driving slowly as we lurked outside.

"Of course! The usual, Mags. Our home!" I exclaimed out of excitement.

"Viking's Night Club!" Sabay-sabay naming sigaw bago nagtawanan.

I miss partying. Nakaka-miss din makipagkulitan sa mga kaibigan ko habang lasing. I miss the feeling of drunkeness. Isa pa sanang nilo-look forward ko 'yung may maka-hook up ako at gigising ako sa isang morning sex. That sounds right and glorious.

"Huh? May naka-park na Fortuner do'n sa palagi nating pinagpa-parking-an. Marami kayang tao sa VNC ngayon?" Sabi ni Magnus at naghanap ng ibang puwedeng mapag-parking-an.

Napabuntonghininga akong napalingon sa katabing club ng VNC. I don't even want to remember how terrifying and infuriating my experience there was. I've experienced things that no one deserves to experience. It was a total nightmare. 

And I'm not yet too comfortable talking about it. Now and then, it is still revolting whenever it comes back to me how petrifying and traumatic it was. It didn't happen just once, but twice. Hindi ko sasabihing mas okay sana na isang beses lang nangyari, because either way, parehas lang nakagagalit. Sa tuwing naalala ko, gusto kong magalit nang magalit dahil wala akong nagawa para sa sarili ko.

Kaya gano'n na lang din ako makangiwi at makaramdam ng malalang pag-ikot sa tiyan sa tuwing naiisip kong may kapitbahay akong bading. Ang bigat sa pakiramdam at pakiramdam ko hindi ako safe. 

Mas nainis pa ako dahil sa ginawa niyang pag-approach sa akin kanina, at sa mga sinabi't inamin niya sa akin. Mas lalo akong ina-anxious at naiirita kapag naalala ko. Yes, paulit-ulit kong naalala kaya paulit-ulit ko rin kailangan i-rant sa utak ko. Naiipon na nga lang nang naiipon. Dumadagdag pa 'yung inis sa sistema ko kapag ginagawang joke ni Titus. Gusto kong umintindi at 'wag mapikon, pero hindi ko mapigilan hindi ma-trigger dahil somehow para sa akin hindi naman 'yon simpleng joke at alam nila 'yon.

Malapit lang din sa VNC ang nahanap na puwedeng mapag-park-an ni Magnus. Sinubukan ko na lang i-sway sa isip ko ang taong 'yon. Sabay-sabay kaming bumaba at masayang naglakad papasok sa VNC.

We greeted the bouncer. Kaso mukhang bago kaya hindi kami kilala. Masungit at mukhang nagbabantay nang mabuti based sa expression niya. Hindi nga lang kami hiningan ng kung anuman. Nagbago siguro sila ng policy? Or I don't know. Hindi naman ganito kaluwag dito.

Napangiti agad ako nang marami-rami akong nakitang babae. Ibig sabihin mas mataas ang chance na may maka-hook up ako tonight. Marami-rami rin akong nakikitang type ko, pero mamaya na ako makipagkikilala sa kanila, mag-iinom muna ako.

"What's up, Tyronne!" Bati ko sa kaibigan naming bartender. Napangiti agad siya at nakipag-apir sa aming apat.

"It's been a while. Except for Titus," sabi ni Tyronne kaya mahinang tumawa si Titus.

Ditto Dissonance | RevisingWhere stories live. Discover now