CHAPTER 1

0 0 0
                                    

Nagwawalis si Xenia ng living room ng paandarin ng Kuya Xyrus niya ang malaking TV na nasa sala. She was focusing in cleaning the floor nang marinig niya ang pangalan ng long time crush niyang si Zach Cameron Buenavista, a basketball player.

Nakilala niya ito three years ago noong nanood ang Kuya Xyrus niya ng laban ng grupo ni Zach versus ang grupo na inaabangan ng Kuya niya sa TV. Hindi niya gustong manood pero dahil wala naman siyang ginagawa sa mga oras na iyon ay nanood nalang din siya.



The game was already breath taking ng maisipan niyang manood. During the second half of the game, Zach scored three point straight. The way he played there was something grace and inspiration. Nakikita talaga sa mga kilos at galaw nito ang kagustuhang manalo dahil ito mismo ang nagdadala sa laro. When the score was already tied up, the people in the arena was already energized. Pati ang Kuya Xyrus niya na nakaupo lang sa sofa ay napasipa sa sahig nang maka score na naman ng three points si Zach. Nanlilisik ang mga mata ng Kuya niya ng makita nito kung gaano siya kasaya ng maka score si Zach.

"I didn't know you like basketball, sis?" 'sis' ang tawag nito sa kanya pag ito ay naiirita. "The last time I checked, you are into K-drama, K-pop and etc."

Hindi siya sumagot dito dahil naka focus lang siya sa panonood ng basketball. Sa huli, ang grupo nila Zach ang nanalo at itinanghal na MVP si Zach for that game.

And that was the day she started liking and fanatizing him on TV.

"For entertainment news, Zach Cameron Buenavista, MVP ng Starjacks balak daw na umuwi ng Pilipinas para ipagpatuloy ang pag-aaral. Balak nitong mag-aral sa isang Boys School.."

When she heard it ay nahulog ang walis na hinahawakan niya. Napalingon ang Kuya Xyrus niya sa kanya.

"Kuya Xy, I need a haircut."

"What do you mean?" nag salubong ang mga kilay nito nang marinig ang sinabi niya.

"I will attend that school for boys."

Nanlaki ang mga mata nito sa narinig.


"YOU are just causing yourself danger, Xenia. I know what will happen to you pag pumunta ka sa Sallet Boys University. Once nalaman nila na babae ka, you will be punished by their rules. Kahit babae ka, they will make you suffer. Makinig ka naman sa akin, doon ako nag aral ng high school at alam ko ang mangyayari sa iyo doon." giit ng kuya Xyrus niya. Nasa salon sila ng mga oras na iyon. Gugupitan na sana siya ng hair stylist pero hindi itinuloy ng mag salita ito. "You are my one and only sister, hindi ako papayag na may mangyari sa iyong masama."

"Kuya, walang mananakit sa akin doon. Please pumayag ka na, alam mo naman kung gaano ko ka gustong makita ng personal si Zach. Tsaka, hindi nila ako makikilala na babae dahil magaling akong mag tago. Alam mo naman kung bakit." nang sinabi niya iyon ay biglang nag bago ang ekspresyon ng mga mata niya. "Don't worry about me, okay? I will still go home every weekend here at our house."

"Okay, fine. Pero pag nahuli ka nila pretending to be a boy, you must call me agad. I will do everything I can to help you."

She nodded and smiled.


FIRST DAY OF CLASS

DAHIL maraming koneksyon ang Kuya Xyrus niya ay nagkaroon agad siya ng bagong pangalan. Kung gusto na niyang bumalik sa pagiging babae ay madali lang ding ibalik ang pangalan niya. From Xenia Andrea Fajardo to Ziddie Fajardo ang bago niyang pangalan. Madali lang din para dito na ma enroll siya sa University dahil sa mga koneksyon nito. Malaking tulong talaga ang Kuya Xyrus niya.

Nasa may entrance na siya ng Sallet Boys University at nakikita na niya ang mga estudyanteng lalaki na naglalakad na rin papasok sa unibersidad. She exhaled deeply and went straight entering the university. Malayo layo pa ang building ng school ng marinig na niya ang school bell na nagmumula doon hudyat na magsisimula na ang klase sa unang subject.

"Unang klase pa nga lang, malelate na ako. Hayst!" mabilis pa sa alas kwatrong tumakbo si Ziddie papasok sa building. Dahil sa mabilis siyang tumakbo ay hindi na niya nakita kung may tao ba sa harapan niya. Dere-deretso lang siyang tumakbo ng maumpog ang ulo niya sa katawan ng isang lalaki.

"P-pasensya na po." agad na yumuko siya at dahan dahang itinaas ang ulo para makita ang mukha ng taong nabangga niya.

Nanlaki ang mga mata niya ng makilala ito.

"Zach!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

ZACH and IWhere stories live. Discover now