1ST ONE - 160.

15 2 0
                                    

1ST ONE - 160.

Tahimik na lumuha si Ace habang kayakap ang babaeng kaniyang pinakamamahal.

"Paggising mo, wala na ako sa iyong tabi. Hanggang sa muling pagkikita, love." Marahan niyang hinalikan sa labi ang dalaga maging sa noo nito.

Binuhat niya ito at dumiretso sa loob ng bahay. Nang marating ang living area ay ihiniga niya ito sa mahabang sofa. Inilagay niya ang heels nito sa ilalim. Bumalik siya sa backyard at kinuha ang mga gamit na naroon. Iniwan niyang malinis at maayos ang paligid bago tuluyang umalis. Muli siyang bumalik sa living area at umupo sa katapat na mahabang sofa. Kinatitigan niya ang dalaga. Nakagat niya ang ibaba ng kaniyang labi.

"That moment was awesome and memorable for a painful goodbye." Mahina niya iyong sinabi. "Another one year, two years, three, four or five? Ten years? I don't care how long it takes."

Lumipas ang mga oras. Wala aiyang ginawa kung hindi ang titigan ang dalaga. Tuluyang sumikat ang araw at isa-isang nagising ang mga nasa bahay na iyon. Bumuntong-hininga siya at dumiretso sa dining area nang makita si Minje na abala sa iniinom na kape. Umupo siya sa katapat na upuan.

"Oh, nandiyan pala kayo." Lumapit si Marina na nanggaling sa hagdanan. "We can't join you guys for breakfast. Mauuna na kami ni kuya kasi maraming meeting for today."

"Oh, it's fine," sabi ni Minje. "Take care."

"Thank you. Mauuna na kami, Ace. Ingat sa flight mo."

Hindi siya nagsalita at tumango lamang. Lumipas ang mga minuto na naging tahimik ang agahang iyon. Habang hinihila ang maleta at sukbit sa balikat ang backpack ay sinimulan niya ang paglalakad patungo sa isang taxi. Iyon ang maghahatid sa kaniya sa airport.

"T-Teka!" Akma siyang papasok sa loob ng taxi nang marinig ang isang malakas na tinig. "Val John!"

Dahan-dahan siyang lumingon. Nabitawan niya ang maleta at niyakap si Jia na patakbong lumapit sa kaniya. Hindi niya namalayang lumuluha siya gaya nito. Ilang sandali ang lumipas ay naglayo sila. Gamit ang mga daliri ay marahan niyang pinunasan ang luha nito.

"Hanggang sa muling pagkikita, mahal ko. I'll go back to you being better, stronger and braver. Mahal na mahal kita, Val John. Tandaan mo 'yan." Tuluyang kumalma ang dalaga kaya ngumiti siya. "H'wag ka nang umiyak. Naaalala ko 'yung sinabi mo sa'kin, nahahawa ka sa'kin. Nahahawa ka kapag masaya ako or malungkot. Nahahawa ka din kapag umiiyak ako. Tahan na, hmm?"

Tumawa siya at pinunasan ang sariling luha. "Tama, nahahawa nga ako sa'yo. I'm excited to see you being better for yourself, for me and for everyone. Mahal na mahal din kita, Jia." Hinawakan niya ang mga kamay ng dalaga. "Ibinalik ko sa'yo ang singsing. Pwede ko bang kunin ang para sa'kin?"

Ngumiti siya nang kunin ng dalaga ang pulang singsing na nasa palasingsingan ng kaliwang kamay nito. Isinuot nito ang singsing sa kaniyang palasingsingan sa kaliwang kamay at hinalikan. Muli niyang tiningnan ang kaniyang singsing na nasa kabilang kamay ng dalaga at siya naman ang humalik. Pareho silang tumawa at ngumiti sa isa't isa.

"Sige, umalis ka na. Umalis ka na at baka mamaya e tuluyan kitang pigilan." Tumawa siya dahil doon. "Paalam, Val John."

"Paalam, Jia." Tuluyan niyang biinitawan ang kamay ng dalaga at tumalikod.

SEVEN MONTHS LATER. . .

"It's been seven months. Panibagong taon, panibagong buhay." Ngumiti siya pagkasabi niyon. "At oo, panibagong bahay para sa'tin."

"Ang ganda ng bagong bahay natin!" sabi ni J.

"Two-storey building na may rooftop," sabi ni Alpha. "Mabilis na lang 'yan ayusin at mas pagandahin. Ang mahalaga ay may bago na tayong tutuluyan."

One Series: The Hope (1st One + Gift)Where stories live. Discover now