Chapter 6

699 64 13
                                    

New year

I can say that yesterday was one of the best days of my whole life. Sa totoo lang, inalala ko agad ang mga pangyayari kahapon pagkagising ko.

Ang saya lang dahil 'yon ang unang beses na nakasama ko ang pamilya ng mga kaibigan ko.

Ang saya dahil... dumating siya sa'min.

Inangat ko ang kamay ko at muling pinagmasdan ang singsing na ibinigay niya sa'kin kahapon.

"Aqui," basa ko sa nakalagay.

Hindi talaga ako makapaniwala na nangyari 'yon kahapon. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman pero aaminin ko na sobrang sarap sa pakiramdam. It was a feeling so new to me and yet it's so... right.

"Excited na ba kayo para sa bagong taon?" tanong ni Adie.

"Oo naman, gumawa pa nga ako ng bucket list para sa mga gagawin ko next year," sagot ni Cal.

"Hulaan ko, lahat ng nasa bucket list mo ay puro libro, no?" tanong ni Adie.

"Anong pakialam mo?"

"Wala akong pakialam," sagot ni Adie.

"Tsk! Napakapapansin mo talaga," sagot ni Cal.

I chuckled softly at them, and I saw Russelle glancing at me pero inalis niya rin 'yon agad.

Anong problema nito?

Lumipas ang ilang araw at dumating naman ang araw ng pagsapit namin ng panibagong taon.

Palagi kami tumatambay nitong mga nagdaan na araw sa bahay nila Russelle dahil nandoon na ang lahat.

Mayroon silang basketball court, may computer din siya at mayroon din PlayStation.

Si Adie ang paborito niya kalaro sa basketball. They always play one-on-one dahil sila lang naman ang may hilig do'n.

Kung minsan naman ay sumasali rin kami ni Cal pero mas gusto ko kasi ang manuod na lang at i-cheer sila habang si Cal naman ay lagi lang nasa sulok at nagbabasa ng libro.

Hindi ko naman maiwasan makaramdam ng lungkot kung minsan dahil naiisip ko na sobrang bilis ng araw at oras na naman para bumalik kami sa school.

It's like kapag walang pasok sa school, gusto ko mag-aral. Kapag naman may pasok sa school, gusto ko lang maglaro buong araw.

Nakakabaliw isipin kung minsan, but one thing is always for sure.

I am happy when I am with my friends.

Nang matapos ko makipaglaro sa mga kaibigan ko ay umuwi na ako at natagpuan ko nga si Mama at Ate na paalis ng bahay.

Napagdesisyonan ng pamilya ko na dito na lang kami sa bahay magdiriwang ng bagong taon. Ang gusto kasi ni Papa ay magkakasama namin haharapin ang pagpasok ng panibagong taon at syempre, iyon din ang gusto namin.

"Saan po kayo pupunta?" tanong ko.

"Sa palengke," sagot ni Ate.

"Sandali lang may kukunin lang po ako," sabi ko at saka mabilis na tumakbo paakyat sa k'warto ko.

Bumaba rin ako agad after ko makuha ang pakay ko sa taas.

"Ito po," sabi ko kay Mama at binigay sa kaniya ang pera na nakuha ko noong pasko.

"Ano 'to?"

"Sa inyo na lang po," sagot ko.

"Anak, pera mo 'yan. Bakit mo binibigay sa'kin?" tanong ni Mama

"Ma, sa inyo na lang po 'to. Masyado pong malaki ang pera na 'to para hawakan ko," sagot ko.

"Pero..."

Undying Fidelity (BL)Where stories live. Discover now