Chapter 27

147 12 50
                                    


"We're going to Italy nga soon and I'm so freaking excited!" galak na anunsyo ni Monnic nang mag-picnic nga kaming apat kina Niña.

"First time ko makaka-visit!" she added and giggled. Nasa tabi niya si Nina na tahimik lang.

"Pang-ilang travel mo na nga 'yan, bebs?" kuryusong tanong ni Hiruki sabay subo ng chips.

Nagkibit-balikat ito. "Decade."

"Ha? Ano?"

"Ten pa lang, bebs."

Bumagal ang pagnguya ko sa kinakaing crinkles. Ten? Lang? Wow.

"Akala ko naman years pinagsasabi mo. Hanapan mo 'ko ng Italian big boy, huh? Dapat malaking espada," Hiruki grinned maniacally. "May trust issues kasi ako sa mga Hapon, eh."

Ayan na naman siya.

Monnic's brows quirked up. "For Japan ka?"

Confused, Hiruki tilted her head. "Japan? Wala naman akong sinabing lilipad ako, bebs."

Napatitig ako sa kanya. "Ruki, maawa ka rin sa bibig mo. Sobrang dumi na. Ipagpahinga mo naman 'yan kahit nanoseconds lang." Puro na lang talaga lalaki as if umiikot d'yan ang buong mundo niya!

"Alam mo, you should really get a grip. Hindi 'yan makatutulong sa'yo in the long term," dagdag ko.

She puckered her forehead. "Tse! Palibhasa, pinagpala ka sa boyfriend mo!" ganti niya.

Galing umiwas sa usapan!

"But if may chance ka for Japan bebs, lilipad ka?" Monnic butted.

"Hindi ako sure. Depende lang sa situation ko," kaswal nitong sagot.

Sumubo ako no'ng meatballs na dala ko nang ako naman ang tanungin ni Monnic.

"Ikaw, Jing? Anong travel goals mo?"

My eyes shifted over the long haul. Buildings and structures in the city could be seen from here. Malawak ang view namin dito sa kubo. Nandito kasi kami sa bundok naka-pwesto. Ang ganda nga. Sobrang mahangin, nililipad ang mga buhok namin.

Sandaling nalunod ako sa pag-iisip.

Truth to be told, wala pa talaga sa isipan ko ang mga ganyang bagay. There's a lot of things I need to do in my grid that putting one in it feels a crime to me. Ang dami ko pa kasing kailangan atupagin para abalahin lang ang sarili sa kung ano bang plano ko.

Hindi naman sa walang oras, parang wala nga lang akong karapatan.

"Relocations and retour mga travel goals namin, bebs. Kasama kami n'yan sa mga roadtrips." Si Hiruki na ang sumagot.

I agreed. Palipat-lipat talaga kami ng target locations para sa mga programa tulad ng feeding program, tsaka seminars about environmental awareness pa. Minsan, tree planting at community gardening activities.

"Relocations and retour?"

"Work roadtrips," paglilinaw ni Hiruki. "Busy pa kami mag-build ng foundation namin. You see, kailangan pa namin ng experience and preparation."

Monnic took a sip on her strawberry smoothie. "That's better for you guys. You're kicking off na."

Hiruki seconded, "Early bird catches the worm."

"Hmm, it's an achievement na rin kaya. Mahirap mag-browse around and makapasok then may mga competitors ka pa. Let's should celebrate that! Cheers nga!" She raised her glass na soft drink naman ang laman.

I smiled.

We gave it a toast as we clanged our drinks together and chugged it all down.

Pulutan na lang din ang kinain ko. Naubos na namin ang dinala kong meatballs tapos 'yong kamote nina Niña.

Drives Under NightlightsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon