Chapter 2

27 1 0
                                    

"SISTER HERMIE!"

Sigaw ni Kate Emerald sa kaibigan niyang madre nang mamataan niya itong papalabas ng gate ng Heart Foundation.

Nakita naman niyang lumingon ito sa gawi nila at ngumiti.

"Emerald, magdahan-dahan ka naman!" Narinig niyang pasigaw na paalala sa kanya ng kaniyang ate Cleo.

Pero hindi na niya ito pinakinggan at nagtatakbong lumapit na kay Sister Hermie.

"Hey, bakit ka ba tumatakbo?" ani Sister Hermie nang makalapit na siya rito.

"Hmm, na miss po kasi kita. Ang tagal ko na po kasing hindi nadadalaw rito." hinihingal niyang sabi sa kaibigan. Ngumiti ito at ginulo ang nakatirintas niyang buhok.

"Naiintindihan ko. Ang sabi ni Lenna busy raw kayo sa paggawa ng mga projects para makaka-graduate na kayo."

Tumango-tango naman siya.

Ilang linggo na siyang hindi nakadadalaw sa Foundation dahil marami silang mga projects na dapat i-comply para wala na silang po-problemahin pa sa nalalapit nilang graduation sa Senior High.

"Magandang hapon, Sister," bati ni ate Cleo nang makalapit na ito sa kanila.

Nasa likuran na niya ito kaya lumapit siya sa ate niya at yumapos sa baywang nito.

"Uuwi na ba kayo?" tanong ni Sister Hermie na ikinatango ng ate niya.

Madadaanan kasi nila ang Foundation kung saan sina Sister Hermie at Mother Selvie ang namamahala kapag maglalakad lang sila pauwi sa maliit nilang bahay.

Galing silang palengke at nang maubos kaagad ang mga paninda nilang isda ay kaagad nagpasya ang ate niya na umuwi na.

"Kayo po ba, saan kayo pupunta?"

"Mamalengke. Naubusan kasi kami ng stock." tugon naman ni Sister Hermie.

"Oh, pasensiya na at hinarang ka pa nitong bubwit na 'to." ani ate Cleo na ikinasimangot niya. Nakayapos pa rin siya sa baywang nito.

"Hindi na nga po ako bubuwit, Ate." maktol niyang protesta rito. "Tingnan mo nga at magkasingtangkad na tayo."

Totoo ang sinabi niya. Magkasingtangkad na sila ng ate Cleo niya kahit na maglalabing-walong taong gulang pa lang siya. They were both 5ft and 3 inches.

"Tsk. Hindi ka na nga bubuwit pero bakit lagi ka pa ring nakapulupot sa akin, hmm?" pang-aasar naman nito sa kaniya.

Ngumuso na lang siya. Hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap niya sa baywang ng ate niya patagilid.

Nagpaalam na kaagad si ate kay Sister Hermie na tutuloy na sila. Niyakap naman niya ang kaibigng madre at nagsabing baka ngayong Sabado ay pupunta siya sa Foundation para tumulong.

"Ate?" aniya. Naglalakad na sila pauwi pero ganoon pa rin ang posisyon niya. Nakayapos pa rin siya sa baywang ng ate niya. Hindi naman ito nagreklamo at nakaakbay naman ang isang braso nito sa balikat niya.

"Hmm?"

"I love you,"

NAPABANGON siya bigla nang mag-ring ang kanyang cellphone. Naihilamos niya ang mga kamay niya sa mukha. She's dreaming her ate Cleo again.

Bumaba siya sa kanyang kama at kinuha ang cellphone na nasa ibabaw ng drawer na patuloy pa rin sa pagtunog. Tiningnan niya kung sino ang bumulabog sa kaniya ng ganito kaaga.

Star Calling...

Nang makitang ang kaibigan niya ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot.

"Star, napatawag ka?" Medyo paos ang boses niyang bungad sa kaibigan.

The Self-Centered Billionaire (Will and Testament 5)(SOON)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon