#1: The Promise

404 16 6
                                    

AYISHA'S P. O. V

"Mommy! Alis na po kami ni Kuya!" Paalam ko kay Mommy habang nagsusuot ako ng sapatos.

Nag-angat ako ng tingin kay Kuya Akihiro na nakatingin lang sa akin. Isang taon lang ang tanda niya sa akin.

"Ikaw na nga magpunta, Kuya Aki." Utos ko sa kaniya pero inilingan niya lang ako. Nang maisuot ko na nang maayos ang sapatos ko, tumayo na ako. Tamang-tama naman ang paglabas ni Mommy na may dalang lunchbox.

Bigla nalang tumakbo si Kuya papalabas ng bahay.

"Kuya!" sigaw ko. Nilingon ko si Mommy. "Bakit naman kasi iisa lang ang lunchbox, Mommy? Tsaka bakit ba hindi mo pa rin siya pinapansin? Nilalapitan ka niya, mommy pero bakit hindi mo pa rin siya pinapansin? Akala mo ba hindi ko nakikita 'yon?"

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya hanggang unti-unti itong sumara. Nang magmulat siya, ngumiti siya pero hindi ko ito nagantihan ng ngiti dahil sa pilit niyang ngiti.

"Mommy?" Tawag ko sa kaniya. "Kung ano man ang nagawa ni Kuya, patawarin niyo na po siya."

Ayaw kong nakikita silang hindi nagpapansinan. Hindi naman sila ganito, eh.

Inilapag niya sa sahig ang lunchbox ko at niyakap ako. "Makikinig ka sa Kuya mo, okay?" Pumiyok pa siya.

"Sorry po talaga, Mommy. Pangako po." Nagtaas pa ako ng kanang kamay ko. Lagi ko nalang naipapahamak si kuya dahil sa kakulitan at katigasan ng ulo ko. Susundin ko na siya magmula ngayon. Ayoko nang maulit sa amin 'yong nangyari. Ayoko mawala sa akin ang Kuya ko dahil sa katigasan ng ulo ko.

Nang makalabas ako ng bahay, hinanap ko na si Kuya Aki. Gaya ng inaasahan, hindi niya ako iniwan. Nakangiting lumapit ako sa kaniya. "Tara na, Kuya."

Malapit lang ang paaralan sa amin kaya araw-araw lang namin itong nilalakad. Bawat nadadaanan namin na mga kakilala namin ay binabati ko nang nakangiti pero unti-unti itong naglaho nang makita ko ang pilit na ngiti sa labi nila... na katulad na katulad nang kay mommy.

"Kuya..."

"Hmmm?" mabilis niyang sagot. Very attentive si Kuya lalo na pagdating sa akin. Never kong naramdaman na hindi niya ako pinakinggan o wala sa akin ang atensyon niya.

Nakangusong tumingin ako sa kaniya. "Bakit kaya ganiyan sila kung makangiti sa akin?"

"Natitigasan na yata ng ulo sa'yo," natatawang sagot niya.

Napakamot ako sa ulo ko. "Magpapakabait na nga, eh. Hindi na magiging matigas ang ulo. Susunod na rin ako sa'yo at kay Mommy."

Natigilan siya sa paglalakad dahil sa sinabi ko. "Talaga?"

Tumigil din ako sa paglalakad at humarap sa kaniya. Nakangiting nagtaas ako ng kanang kamay ko. "Promise!"

Kumunot ang noo ko nang biglang makita ang mga mata niyang may namumuong luha. Bago pa man din ako makapagtanong sa kaniya kung ano'ng dahilan ng luha sa mga mata niya ay hinila niya na ang kamay ko at niyakap ako.

"Kuya?"

"Promise ba 'yon?" tanong niya, parang hindi naniniwala.

"Alam kong hindi ka naniniwala sa ganiyan, pero maniwala ka sa akin."

He hates promises but I believe in that.

Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang luhang patuloy na umaagos mula sa mga mata niya.

"B-Bakit ka umiiyak, Kuya?"

Hindi niya ako sinagot at nagbaba ng tingin sa kamay niya. Pati ako ay napatingin din dito. Kumunot ang noo ko nang makita ang nakasara niyang kamay pero may tanging isang daliri ang nakabukas, ang pinky finger niya.

One Shot StoriesHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin