05

24 8 0
                                    

KINABUKASAN

Nagising si Chase dahil sa ingay na naririnig niya sa labas kaya sumilip siya sa bintana, nakita niya ang maraming kawal at mga kabayo sa labas. Nakita niya rin ang isang babae na bumaba mula rito. Ginising niya na rin si Jane.

--
Sa labas ng palasyo...

"Pagbati sa iyo aking kaibigan" Pagbati ni Haring Ceraudus kay Haring Lucas habang nasa likuran niya naman si Eros at Farris kasama ang ibang mga tagapaglingkod ng palasyo.

Isang magandang babae ang bumati sa kanila "Magandang araw sa inyo, mga ginoo, mahal na hari" nakakabighani ang boses niya na mala - anghel kung maririnig.

"Magandang araw rin sa iyo, mahal na prinsesa Ameerha" pagbati naman ni Haring Lucas pabalik.

Tahimik lang si Farris sa likod ng kaniyang ama at mukhang hindi interesado sa kanilang magiging usapan. Tumingin naman si Ameerha kay Farris pero umiwas ng tingin si Farris.

--
"Mukhang pinaghandaan niyo talaga ang araw na ito, Lucas" natutuwang sabi ni Haring Ceraudus sa kaibigan.

"Aba syempre naman aking kaibigan" sagot naman nito.

"Ama, maaari ba akong maglibot saglit sa labas ng palasyo?" pagpapaalam ni Ameerha sa ama.

"Sige lang libutin mo ang buong palasyo dahil balang araw magiging iyo rin ito" sabat ni Haring Lucas pagtapos ininom ang alak sa isang baso. "Samahan mo siya, Farris" utos naman nito sa anak.

--
Tahimik na naglalakad ang dalawa nang biglang magsalita si Ameerha. "kumusta naman ang iyong araw, Prinsipe?" tanong niya.

"Okay lang" matipid na sagot niya.

Isang marka ng pagtataka ang naipinta sa muka ni Ameerha.

"Bago ko pa makalimutan, maligayang pagbati nga pala sa iyong pagsasanay, Ameerha" ani Farris.

"Salamat sa maligayang pagbati, lubos akong nagagalak" sagot niya sa prinsipe.

"Ay oo nga pala, may gagawin pa ako maiiwan muna kita rito, ayos ka lang ba dito?"

"Oo naman, Prinsipe kabisado ko na rin itong palasyo, kaya ko na mag isa" tugon ni Prinsesa Ameerha.

Pagkaalis ni Farris, nakaramdam ng inis si Ameerha dahil nararamdaman niyang ayaw ng prinsipe na makasama siya nang matagal.

--

Si Jane ay tahimik na naglilibot sa malaking palasyo, hindi niya kasama ang kapatid dahil nagpaalam itong mamamasyal sa labas.

Hindi namalayan ni Jane na pareho sila ng direksyon ni Ameerha kaya ikinagulat ito ng prinsesa. Sinamaan siya ng tingin.

"Sorry hindi kita nakit-" napatigil siya sa pagsasalita dahil napansin niya ang magara at maganda nitong pananamit. "Pasensya na po, mahal na reyna" paghingi niya ng pasensya.

Natawa si Ameerha sa sinabi ni Jane "Paumanhin rin, Binibini ngunit ikaw ay nagkakamali hindi ako isang reyna, isa akong prinsesa na malapit nang maging reyna balang araw" may tonong mariin.

"Nagkita na pala kayo" biglaang pagsulpot ni Farris.

"Hindi ko siya namumukhaan, isa ba siya sa mga tagapaglingkod?" tumingin kay Jane.

"Nagkakamali ka, isa siyang bisita" sagot ni Farris.

---

Bumalik sina Ameerha at Farris, agad namang umupo si Ameerha sa tabi ng kaniyang ama. "Kumusta ang paglilibot niyo?" tanong ni Haring Ceraudus sa anak.

"Mabuti naman po ama, sinamahan naman ako ni Farris sa aking paglilibot" tugon niya.

--
Hindi maintindihan ni Chase ang mukha ng ate niya. "Bakit parang galing ka sa gyera? ganyan muka mo?" tanong niya na may halong pang aasar. "Paano kasi tinarayan ako ng babaeng yun hindi ko nga kilala yun eh" sagot niya rito.

"Baka naman badmood intindihin mo nalang" maikling sambit sa kapatid.

"Ate may 3n1 na kape ba kayo dito or milo?" tanong ni Chase sa nagtitinda.

"Ha? iho? anong milo at 3 ano yun?" nagtatakang tono ng tindera.

"Milo lang wala kayo" pabulong na sabi, narinig naman ito ni Jane kaya siniko niya si Chase.

----
Madilim na nang makarating sina Chase at Jane sa palasyo agad naman silang sinalubong ni Farris kasama si Eros. "At saan naman kayo galing mga mahal naming bisita?" matapang na tono nito.

"S-sa ano" hindi makasagot si Jane nagulat nalang sila dahil biglang tumawa si Farris "hindi pala bagay sakin maging strikto" natatawang sabi niya "Nadale mo kami dun pre ah" sagot naman ni Chase pinanlakihan siya ng mata ni Jane "Ah mahal na prinsipe nga pala" dugtong ni Chase.

"Hindi, okay lang tawagin niyo nalang akong Farris o kung ano man" tahimik na nakikinig si Eros sa kanila at puno ng pagtataka ang muka ng bata dahil hindi naiintindihan ang pinaguusapan nila. "Ay siya nga pala ito ang aking kaibigan na si Eros" pagpapakilala ni Farris rito.

"Hi, Eros napakacute mong bata kamukha mo si Chase noong bata pa siya" ani Jane

"Eros sila nga pala si Kuya Chase at Ate Jane" pagpapakilala muli ni Farris sa dalawa.

"Ah ate? ang ibig sabihin nakatatandang kapatid na babae?" may tono pa ring pagtataka kay Eros.

"Tama ka maliit na ginoo" sabay tawa ni Farris.

--
Pagkapasok ay natatawanan silang apat, nadatnan sila ng hari "Mukhang nagkakasundo na kayo ng ating mga bisita" tonong seryoso.

"Ama, nagkakatuwaan lang po kami" sagot naman ni Farris.

Magkabilang Mundo [ COMPLETED ] ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon